KINABUKASAN...........
Nagising si yahiko na walang katabing kihyomasa kaya naman inayos na nya ang sarili para makakain.kahit nasa loob ng tent ay kitang-kita na umaga na't muli na naman silang aalis para makarating sa london,lumabas ang imbentor sa tent at nag-inat ng mga braso
"MAGANDANG UMAGA SA LAHAT!! RISE AND SHINE WORLD!!"
"Parati ka nalang maingay kapag nagigising ka?!"
"Eh ano namang paki mo? Ah kihyo? May pagkain na ba? Gutom na gutom na ako eh!"
"Halika na rito ginang yahiko at kagabi ka pa walang kain,pagkatapos natin dito ay mamadaliin na natin ang paglalakbay para marating ang london ngayong araw,hindi tayo pwedeng magpahinto dahil matatagalan,sayang ang oras!"
Tahimik lang na kumain ang tatlo.maya-maya ay naglapag si yahiko ng mapa,mukang hindi na makapaghintay,doon ay may tinuro itong daan habang ngumangata ng tinapay "Dito,dito ang mabilis na ruta na kaylangan nating daanan para mas mapadali ang pagpunta natin sa bansang london,nasa parte na tayo ng Europe kaya konting effort pa't mararating na natin ang pakay na lugar--ang Europa Town!"
Tumangu-tango si kanna,may hawak din na pork and beans sa lata "Siguro'y kalahating araw lang kung wala tayong tigil ay makakarating din tayo sa london? Malaki ang bansang Europe kaya kaylangan nating isa-isahin para mahanap ang mga nagtatagong bampira sa bawat sulok,master ano ang susunod nating hihintuan na pinagkukutaan ng mga peste?"
"May ospital sa Distrito ng Huseinburg kung saan ay may tatlong doktor na bampira,pribado ang ospital na 'yon at hindi magiging madali ang misyon natin dito.hindi isang simpleng bahay na pwede nating pasukin ng ganun-ganon nalang,kaylangan natin ng plano para makihalubilo sa mga naroon at magawa ang dapat na gawin!"
Nagtanguan ang tatlo saka na tinapos ang pagkain,naghanda na sila kapagkuwan upang makarating ng mabilisan sa paroroonan,imbis na maglakad ay sumakay na sila sa kabayo dahil makakarating sila roon ng mas maaga at mabilis,habang sakay ng kabayo ay naisipang tanungin ni yahiko si kihyomasa "Kamusta na pala 'yang mata mo? Hindi ba sumasagabal ang eyepatch sayo?"
"Masasanay din ako!"
"Tsk tsk,mukang magkakaroon pa ng mga putol na parte sa katawan mo bago mo makamit ang hinahangad na hustisya,gaya nyan? Bulag ang kanang mata mo,alam mo? Malakas ang kutob kong meron pang mapipinsala sayo sa mga susunod nating paglalakbay!"
Ngumisi lamang ang hunter "Wala namang madaling daan sa lahat yahiko,inasahan ko naman na 'to simula pa lang ng piliin kong ituloy ang adbokasiya,at kahit ikamatay ko? Iaalay ko na pati ang sariling buhay kung kapalit naman non ay mapatay ang lahat ng bampira sa mundo!"
"Wow! Hindi talaga biro ang laki ng muhi at suklam mo sakanila? Sabagay, nandito rin naman kami ni kanna at handa kang tulungan at samahan,kahit kami ay pinerwisyo ng mga 'yan maging ang mga inosenteng mamamayan"
"Basta ako? Kung nasan si master,anong gusto nya? At kung anong makakabuti sakanya ay don ako at hindi sya iiwan"
"Tsh! Geh,ipagpatuloy mo 'yang one sided loved na 'yan kanna,mukang maganda naman ang hangarin mo eh,at sana hanggang sa ikasal 'yang master mo at si binibining kaori ay nasa tabi ka nya"
Malakas na sinuntok ni kanna ang likuran ng imbentor,maubo-ubo tuloy ito "Aray!napaka-sadista mo talagang bata ka? Gusto mo na yatang matiris eh?"
Binelatan lamang sya ng babae "Bago mo 'yan magawa ay itutulak kita para ka malaglag"
"Atleast ako dito lang malalaglag,hindi gaya mo? Sa lalaking manhid nahulog--Waaaahhhhhhhhh!!"
BINABASA MO ANG
Codename: Kihyomasa[Vampire Hunter]
VampirAfter the tragic escape from his parent's gruesome death,San hides from the forest far away from the city and trained himself to become the strongest and bravest vampire assassin to seek revenge from his parent's death. However to San--things turned...
![Codename: Kihyomasa[Vampire Hunter]](https://img.wattpad.com/cover/239301378-64-k422307.jpg)