Chapter#35

7 1 0
                                        


"Aalis na ho kami mang antonio? Ginang misay?"

"Mag-iingat kayo ha? Nawa'y ligtas kayo sa mga pupuntahan nyong lugar?"


"Oho,maraming salamat po ulit sa lahat?"


Bago tuluyang umalis ay lumuhod si kihyomasa para makapagpaalam sa mga alagang pusa ng mag-asawa,para bang naiintindihan ng mga ito ang nangyayari dahil panay ang 'meow' at pagkuskos ng katawan sa hunter.  "Mukang mamimiss ka nila ginoo? Paano'y ikaw ang madalas magpakain sakanila at makipaglaro,minsan pa'y tumatabi sila sayo sa pagtulog!"


Hinaplos nya ang ulo ng bawat isa at nangingiting kinurot ang pisngi ng mga ito  "Oh pano? Aalis na ako? Magpakabait kayo mga muning ha?"


Matapos non ay tumango sila sa isa't-isa saka na sinimulan ang paglalakbay.mahaba-haba na naman ang kanilang lalakbayin at alam nila ang mga pagdadaanan ngunit dahil magkakasama sila ay walang imposible basta't nagtutulungan. "Dadaanan na ba natin yung bampirang iniwan mo sa gubat?"



"Oo,siguradong gutom na gutom na 'yon at nanghihina,kaylangan natin syang iligtas"


"Iligtas? Bukod sa paella ano pang nakain mo at gusto mong iligtas pa ang pesteng 'yon? Kung ako nga ang tatanungin mas gusto kong ihulog 'yon sa dead sea eh!"  Ani yahiko,nanlalaki ang mga mata  "Saka ililigtas mo eh papatayin din naman namin sya ni kanna kung sakaling pakawalan mo 'yon,"


Ngumisi si kihyomasa  "Iligtas? Kung sinabi ko mang ililigtas ko ang bampira senyas nga 'yon na wala na ako sa katinuan"



"Oo kihyo wala ka na talaga sa katinuan,ewan ko ba kung epekto 'yan ng pangungulila mo kay binibining kaori? Oh yung problem dyan sa kanang mata mo,Oh dikaya dahil sa pagkahulog mo sa bangin at naalog ang utak mo? Na-misplace na yata at nahulog sa tyan mo kaya ganon?!"



"Alam nyo? Mas mainam kung interogahin muna natin ng kaunti yung bampira? Magtanong tayo sa ilang impormasyon ukol sa susunod na hakbang ng asosasyon? Ang kalakaran nila sa iba pang bansa at ang kinalalagyan pa ng mga kasapi sa Europa? Bago manlang natin patayin eh pakinabangan muna natin? Para makatulong ang malalaman natin sa pagpaplano!"


Napapalatak si yahiko,patalikod kung maglakad para lang matignan ang babaeng abala sa pagkain ng kendi  "Aba? Mukang nagkapalit ang perspective nyo ni kihyo ah? Anong nakain mo at nagkaroon ng kabuluhan ang mga nasasabi mo ngayon?"


Napatingala ang babae,animo'y nag-iisip din, "Ahm,wala naman tayong ibang kinain kundi 'yong niluto ni ginang misay na paella,bukod don wala na? At bakit aber?!"  Ani kanna,tumaas na ang mga kilay ng ma-gets ang sinasabi ng imbentor   "Purket ba ikaw ang matalino ikaw lang ang dapat na magsabi ng may kabuluhan? Atsaka 'yon naman talaga ang mainam diba? Parang sa tono ng pananalita mo ay sinabi mong kaylanman ay wala akong sinabi na may kabuluhan?"


"Oy! Oy! Ikaw ang nagsabi nyan hindi ako? Malay ko na namang bukod sa paglamon ay may natututunan ka pala sa bawat paglalakbay natin"



"Aba't!"  Aamba na si kanna ng suntok kay yahiko ng agawin ni kihyomasa ang kamao ng dalaga,ibinaba iyon at tinuro ang mapunong parte ng kanilang nilalakaran 


"Nandito na tayo,sa gitnang bahagi ko itinali at iniwan ang bampira.kaylangan na nating bilisan baka namatay na 'yon,hindi pa pwede dahil may mga itatanong pa tayo sakanya!"



"Okay? Let's get it on baby!"

*********************************

Noon din ay naabutan nila ang bampira na nakatali parin sa puno kung saan ito iniwan ni kihyomasa,hinang-hina at mas lalong pumangit ang hitsura,tuyot na animo'y kaylangan na nitong uminom ng dugo,lumapit ang hunter atsaka inilabas sa bag ni yahiko ang isang vial na may lamang pulang likido,ipinakita nya iyon sa bampira kaya naman bigla itong sumaya,nagwawala sa pagkakatali at pilit na inaabot ang vial sa kamay nito



Codename: Kihyomasa[Vampire Hunter]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon