"HABULIN NYO SILA!! WAG NYONG HAHAYAANG MAKATAKAS!!"Tumakbo na palabas ang tatlo papunta sa nakaparada nilang kabayo para tumakas sa lugar na 'yon,kahit may bitbit na babae si kihyomasa ay hindi naman sya nahihirapan,sanay na sanay naman syang pumasan ng mabibigat na bagay dahil kahit noon pang nagsasanay pa lang sya ay mas mabibigat pa kay kaori ang kanyang binubuhat paakyat sa kabundukan.kung tutuusin? Mas magaan si kaori kumpara sa mga nabubuhat nya,paano nga naman dahil payat ang pangangatawan at hindi naman ganon kalaki ang dalaga
Nilingon ni kanna ang mga gwardyang humahabol sakanila "Nasa higit anim na bantay ang humahabol satin!"
Kanya-kanya silang sakay sa dalawang kabayo,si yahiko na syang nasa brown at inakay si kanna pasampa sa likuran nito,samantalang si kihyomasa naman ay kinarga si kaori para makaupo sa harap nya.ng masigurong hindi malalaglag si kaori ay agad na nyang pinatakbo ang itim na kabayo,muling nilingon ni kanna ang mga humahabol sakanila at lumaki ang mga mata ng makitang sumakay ang mga ito sa kabayo,nilingon nya si kihyomasa na kapantay lang nila ng bilis
"Master,sinusundan parin nila tayo,mukang wala silang balak na tigilan tayo hangga't hindi natin ibinibigay sakanila ang babaeng lobo!"
"Anong gagawin natin kihyo?"
Sandaling yumuko ang binata para makita ang muka ni kaori,wala paring malay ang dalaga at nakasandal ito sa dibdib nya "Hindi natin sila lalabanan dahil bitbit natin si kaori,tuluy-tuloy lang tayo.magsasawa rin ang mga 'yan sa kakasunod!"
Ngunit nagkamali sila dahil nagsimula silang makarinig ng ilang putok ng baril sa kung saan saan,napayuko ang tatlo para hindi matamaan ng bala "May natamaan ba sainyo?"
"Wala naman,ikaw kanna ayos ka lang? Ikaw 'tong nasa likuran ko kaya ikaw ang posibleng unang tamaan bago ako?"
"Ayos lang ako yahiko,malaking tulong ang pa-zigzag nating takbo para hindi nila tayo matama--teka master? Yahiko tignan mo!" Itinuro ng dalaga ang braso ni kihyomasa,basa na ang parteng iyon at may umaagos na dugo sa kamay nitong may hawak sa tali ng kabayo
"Anak ng--kihyo may tama ka sa braso!"
"Ayos lang ako,malayo naman sa bituka,kaylangan nating bilisan para makabalik tayo sa paris"
"BUMALIK KAYO RITO!!"
"Master,yahiko ako ng bahala sakanila!"
Gulat na gulat si yahiko "Sira na ba ang ulo mo? Anim 'yan tapos nag-iisa ka,anong laban mo sakanila? Dyan ka lang sa likod ko--
"Malaking pagkakamali ang tamaan nila si master sa braso,gaganti lang ako--
"Wag na kanna.ayos lang ako--
"Hindi master! Alam mong kapag ginusto ko? Walang makakapigil sakin lalo na't nabaril ka nila sa braso,hindi ako papayag at alam nating hindi nila tayo titigilan hangga't hindi nila nakukuha ng gusto nila kaya bibigyan ko sila ng laban.ako ng bahalang pumatay sakanila tutal naman ay papatayin din natin sila kinatagalan"
Napaikot tuloy ng eyeballs ang imbentor "Haynaku! Kapag talaga umaatake ang katigasan nyang ulo mo ayaw mong papigil ano? Talagang kahit maliit ka matapang ka?"
Inilabas ni kanna ang sandata sa purse at kahit naka-dress ay handang-handa itong sumabak sa labanan,iwinasiwas ng dalaga sa himpapawid kaya naglabasan ang mga tinik at mas lalong humaba ang latigo "Magkita nalang tayo sa Ibis hotel master,yahiko?"
BINABASA MO ANG
Codename: Kihyomasa[Vampire Hunter]
VampirAfter the tragic escape from his parent's gruesome death,San hides from the forest far away from the city and trained himself to become the strongest and bravest vampire assassin to seek revenge from his parent's death. However to San--things turned...