Chapter#24

5 2 0
                                        

Balut na balot si kanna dahil iniiwasan nyang mabasa sya ng ulan,mas lumalakas pa ang bugso ng ulan at hangin ng dahil sa bagyo,matapos masuri ang kalangitan ay muli nyang tinitigan ang master nya,hinuhubad na nito ang suot na coat kaya tanging ang patong nitong puting long sleeves nalang ang natira,basang-basa man ay alam nyang pursigido parin ang lalaking mahanap ang imbentor




"Master? Sigurado ka bang kaya mong lumusong at maghanap?baka ikapahamak mo eh?"




Itinapon nito ang coat at sumbrero sa sahig saka hinarap si kanna,hinawakan nito ang magkabilang braso ng dalaga  "Kanna sabihan mo si shinzo na ibaba ang angkla ng barko,pumasok ka narin sa loob at maghintay.hindi ka pwedeng maulanan dahil baka magkasakit ka ulit!"




Mariing umiling si kanna,kapit na kapit sa sleeves ni kihyomasa  "Hindi master,hindi kita pwedeng iwanan dito? Saka kaya mo ba 'yan? Tignan mo nga kung gaano kalalaki ang mga alon? Kung gano kalakas ang hangin? Baka tangayin ka at mawala?"




"Pero hindi ko pwedeng basta nalang pabayaan si yahiko,kaibigan ko sya kanna at kung mangyari man 'to sayo gagawin ko parin,mas mapanganib kung hindi natin sya mahahanap!"





"MASTER!---




Hindi na nya natapos ang sasabihin dahil tumalon na ang binata paibaba sa barko,agad sumilip si kanna sa ibaba at nakita nyang bumulusok na ito sa tubig.sa lakas ng ulan at hangin samahan pa ng matataas na alon ay tiyak na kaunting chansa lang na ligtas sila? Pero nananalangin syang sana ay mahanap ng lalaki ang imbentor at magbalik sila rito ng ligtas at walang galos




Patuloy na lumangoy pailalim si kihyomasa sa pagbabakasakaling mahanap si yahiko ngunit wala manlang bakas sa kinalalagyan nito,bukod sa malakas ang ulan sa itaas ay madilim pa ang kalangitan kaya wala sya gaanong makita bukod sa naglalanguyang isda sa paligid.sinubukan pa nyang pumunta sa malalim na parte pero wala rin doon ang hinahanap,lumangoy sya paitaas para sumagap ng hangin at libutin narin ng tingin ang kapaligiran,umaasang merong maliit na isla kung saan baka napadpad si yahiko




Sinasalubong nya ang malalakas na alon at hindi inda ang pangangalay ng binti't-braso,mas nag-aalala sya kay yahiko dahil nakita nya kung paanong mauntog ang ulo nito sa edge ng barko kanina,sigurado talagang nawalan ito ng malay.perwisyo talaga ang bagyo at malas kung naglalayag ka at biglang bumagyo,letse talaga! Ito ang problema kapag isa kang manlalakbay,hindi talaga maiiwasan,mabuti na lang at lahat sila ay magaling sa paglangoy dahil kung hindi? Mas lalo syang mamomroblema




Mas madali nga talagang pumatay ng bampira kesa humarap sa bagyo at nasa kalagitnaan kapa ng dagat,





"YAHIKO!! NASAN KA? YAHIKO!" Sinubukan nyang tawagin sa kahit saan ang imbentor ngunit wala syang natatanggap na sagot,nagpadyak pa sya papunta sa malayong parte saka nilingon ang barko,malayo na iyon sakanya kaya tantya nya'y talaga ngang malayo na ang nalangoy nya.sa kakahanap ay nakakita sya ng maliit na kweba sa batuhan kaya naisipan nyang doon muna magpapahinga,hindi biro ang paghahanap lalo na't masama ang panahon.sasampa na sana sya para makaakyat ng makahawak ng sapatos,agad nyang tinignan kung may tao na roon at halos matuwa ng malamang si yahiko iyon,nakatihaya pa at wala paring malay,may sugat ito sa noo at ang kalahati ng katawan ay nakababad na sa tubig




"Yahiko? Yahiko gising?" Tinapik nya ng mahina ang pisngi ngunit hindi parin nagigising ang lalaki,idinikit nya ang tenga sa puso nito at nalamang tumitibok pa kaya agad nyang ni-pump ang dibdib nito ng paulit-ulit.matapos ang ilang pagtatangka ay himalang nagkamalay na si yahiko,maubo-ubong sinuka ang nainom na tubig




"Kihyo? Asan tayo?"




"Nasa kweba,mabuti nalang at nahanap kita at nasiguro kong ligtas ka na? Patilain muna natin 'tong ulan bago tayo bumalik sa barko,delikado ang paglangoy dahil sa sama ng panahon!"




Codename: Kihyomasa[Vampire Hunter]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon