Chapter#42

6 0 0
                                        


"Oh ano? Ba't natahimik kayong dalawa? Ngayon nyo na ba napagtanto ang mga sinabi ko sainyo? Na bampira ang babaeng 'yan at nagbabalatkayo lang para linlangin tayong lahat?!"



Matapos titigan nang ilang minuto ay muling sinamaan ni yahiko ng tingin si susana   "Pwede ba? Wag mo ngang siraan ang kasamahan namin at wag mo kaming gawing tanga dito? Ano ba talaga ang problema mo?!"



"Problema ko?" Anito,ang ngisi ay mas lalong lumaki habang pinaglalaruan ang balisong sa bawat pagitan ng daliri nito sa kamay  "Kayo ang problema,lalo na 'yang babaeng 'yan.baka nga miyembro rin kayo ng asosasyon dahil noong pumasok pa lang kayo kagabi sa bar ay hindi na maganda ang kutob ko sainyo,hindi kayo kaaya-ayang dayuhan at sa bawat kilos nyo-kayo yung tipo na pumapatay nang inosente!"


"Pwes mali ang kutob mo!"  Nilingon nito si kihyomasa,ang ngisi ay nawala.bigla itong kumilos palapit sa hunter at mukang may hindi magandang gagawin kaya nag-alala sila kanna at yahiko,tatakbo na sana para matulungan ang lalaki nang pigilan sila nito gamit ang pagtaas ng kamay



"Ikaw!"  Ani susana,itatarak na ang balisong sa hunter  "Ikaw ang pinakamisteryoso sainyong tatlo,at sa tingin ko ikaw ang pinaka mapanganib? Kung ganon ay uunahin na kita!"



Hindi na nagawa nang dalaga ang binabalak dahil mabilis pa sa kidlat na naglaho sa harap nya ang binata,natigil sya sa pagtakbo at ang mga mata ay nanlalaki sa sobrang pagkabigla sa pangyayari,hindi nya namalayan ang isang braso na sumakal sakanyang leeg.doon din ay nabitawan nito ang balisong na hawak   "A-anong--pano ka nawala nang ganon kabilis? B-bakit--



"Hindi kami masamang tao susana at kayang-kaya kong patunayan sayo na hindi bampira ang disipulo ko!"



"Hindi ako naniniwala sayo!"



"Pwes gumawa tayo nang ilang bagay na makapagpapatunay kung bampira nga ba oh hindi si kanna,papayag ako sa mga gusto mong gawin basta't siguraduhin mo muna sakin na hihinahon ka?!"



Sa isang iglap ay natigil si susana sa pagkukumawala sa kapit ng lalaki,huminga nang malalim at naging mahinahong pusa kaya naman binitawan na sya ni kihyomasa,pinulot nito ang balisong at kusang iniabot sa babae na agad nitong hinablot at inilagay sa sinturon
"Hindi mo kaylangang pairalin palagi ang init nang ulo,humihingi kami ng tawad sa pang-aabala sainyo ni aling chin at kung may hiling oh gusto ka? Pwede nating mapag-usapan,hindi bagay sa dalagang gaya mo ang may dalang balisong saan man magpunta!"



Inirapan lamang sya ni susana at muling sinamaan ng tingin si kanna  "Gusto kong dalhin sa simbahan ang babaeng 'yan,ang sabi nila ay hindi maaaring makapasok sa tahanan ng diyos ang mga kampon ng demonyo,kaya ang gusto ko? Ipasok sya sa simbahan at patagalin sya ng isang oras doon!"


Tumitig ang hunter kay kanna,humihingi ng permiso na agad sinang-ayunan nang huli  "Sige master,papayag ako sa gusto nya,kung yun ang patunay na hindi ako masama at kalaban.hindi ako kasapi ng mga demonyong 'yon at panig ako sa kabutihan"



"Pero bago ang lahat?"  Ani yahiko,  "Pwede ba muna tayong mag-agahan? Naistorbo na ang masarap kong tulog sa komosyon dito?!"

************************


Matapos ang isang oras na pag-aayos at pagpeprepara ay naghanda na sila upang magpunta sa simbahan at magpabasbas,ang kasunduan ay si kanna lamang ang mag-isang papasok nang simbahan at magtatagal ng isang oras,kung tagumpay at maayos si kanna na makalalabas makalipas ang napag-usapang oras ay makokonsidera na ngang normal lamang itong tao,samantalang ang tatlo ay maghihintay sa labas upang maging saksi at bantay



Codename: Kihyomasa[Vampire Hunter]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon