Chapter#15

6 1 0
                                        

Sa labas ng bar nila naisipang gawin ang paglalaban,nakatindig,pare-parehong may dating ng sa isang mandirigma,itinapat ni cesar ang dalawang ruger sa muka,pinagkrus.samantalang si kanna naman ay inihahampas ang latigo sa kanyang tabi,walang tao ang natira sa loob ng bar dahil lahat sila ay narito para masaksihan ang paglalaban,mga halatang hindi na makapaghintay,naglakad si kihyomasa ng paroo't-parito,nakapikit--kasabay ng pagmulat nito ng mga mata ay ang paghinto nito sa paglalakad,nakapwesto sa gitna ng dalawa



"Isa lang ang magiging rule ng labanang 'to,ang unang sumuko ang syang talo,hindi pakikialaman kung ano man ang paraan at kung pano nyo lalabanan ang isa't-isa,bahala na kayo sa gusto nyong gawin,kahit magkapatayan ang isa sainyo!"




Kinabahan si yahiko,nasa unahang tumpok sya ng mga manonood,iniisip nito kung makakaya ba ng babae ang labang iyon lalo pa dahil ang katotohanang baril na likha nya ang mismong gagamitin ng kalaban,alam nya ang ililikha nito kung sakaling maling tao ang makagamit,kung si kihyomasa lang ay ayos,dahil ginawa talaga ang ruger para sa binatang kaibigan,naniniwala si yahikong kung mabuti at maganda ang hangarin ng taong gumagamit at magmamay-ari ng mga likha nya ay maganda ang idudulot





Ng itaas ni kihyomasa ang braso sa ere ay senyas na iyon na umpisa na ng labang iyon,inihanda ni kanna ang sarili maging si cesar na kinalabit ang chamber. Napuno ng sigawan ang kapaligiran ng maunang tumakbo pasugod si kanna na agad itinaas ang braso sa ere dahilan para pumalo sa hindi malamang direksyon ang latigo,nagbigay ito ng palipad sipa ngunit kamangha-manghang nailagan ni cesar,umiwas lang ito at ng magsawa ay itinutok nito ang baril sa pwesto ng babae,napaatras ang ilang manonood sa takot na matamaan ng bala,nilingon ni kanna ang mga tao,naisip nyang baka matamaan ang mga ito ng bala kaya tumakbo ito palayo pa saka iwinasiwas sa ere ang latigo dahilan para humaba pa itong lalo--talagang nakakamangha ang latigo ng Zu dahil kahit gaano pa kalayo ang distansya ng kalaban ay kaya nitong abutin,parang may sarili itong buhay na gusto ring mahagupit ang tinatarget na kalaban



Nagkakaisa sila ni kanna...........iyon ang isa sa magandang teamwork,sa pagitan ng sandata at may ari nito



Sumampa si cesar sa isa sa mga barrels saka tumalon palipad sa ere,doon sunud-sunod na kinalabit ang gatilyo dahilan para mamangha rin si kanna,para kasi itong si kihyomasa kung kumilos,astig at bihasa sa pakikipagbarilan.matapos non ay sunud-sunod ng nagpaputok ngunit hindi matamaan ang babae dahil sa likot nito,



"Kaasar!"  Bulalas ni cesar ng wala ng bala ang ruger,itinapon nya iyon sa kung saan saka humingi ng espada sa mga kasamahan,lahat sila ay nilingon si kihyomasa 




"Pwede bang ibang sandata ang gamitin nya ginoo?" Hinging permiso nito,tumango ang vampire hunter bilang pagsang-ayon




"Gaya nga ng sinabi ko kanina? Sariling paraan at diskarte nyo na 'yon,basta tuloy ang laban,kung sino ang susuko? Sya ang talo!"  Agad binigyan ng isang nanonood si cesar ng espada,tumakbo na ito para ituloy ang pakikilaglaban kay kanna,



"Alam mo ba binibini na hindi ko expertise ang mga baril? Pero ang espada? Oo,sisiguraduhin kong sa pagkakataong 'to ay mananalo na ako!"





"Wag ka ng maraming satsat ginoong cesar!"  Muli ay tumakbo ang dalawa para magsalubong, sa kalagitnaan ng pagtakbo ay agad tumalon si kanna at parang cowboy na pinaikot sa ere ang latigo,umapak sa pader saka inihagis sa direksyon ni cesar,muli ay nakaiwas ang binata ngunit agad itong nakakilos pasalubong sa dalagang bumubulusok na paibaba.bago pa man makaapak ang mga paa ni kanna sa lupa ay parang hangin at slowmotion na nakapunta sa tabi nya si cesar--iminuestro ang espadang hawak kaya nanlaki ang mga mata ng naroon lalung-lalo na si kanna--alam nyang may natamaan ang ginoong cesar sakanya ngunit kung wala syang maramdamang masakit sa kahit na anong parte ng katawan ay saan tumama ang talim ng espada nito?



Codename: Kihyomasa[Vampire Hunter]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon