Nakasimangot si kanna habang naglalakad sa likuran ng kanyang master,lukot ang muka hindi dahil sa inis oh galit kundi dahil sa tirik na tirik na araw sa itaas nila.naisipan nyang ilagay ang telang dala sa ulo para mabawasan ang mahapding sikat ng araw.binabagtas na kasi nila ang daan papunta sa pamilihan dahil ngayong umaga nakatakdang makipagkita ng master nya sa kakilala nitong imbentor
Makalipas ang ilang minutong paglalakad ay nakahinto narin sila,sinipat ni kanna ng tingin ang animo'y hinintuan at binasa ang karatula sa itaas 'Yahiko Repair Shop' .sumunod na sya sa master na pumasok na sa loob,pagbukas pa lang nito ng pintuan ay tumunog ang windchimes na nakasabit,hinarap sila ng isang binatang magulo ang hanggang dibdib na buhok,nakasuot ng mahabang damit na animo'y miyembro ito ng choir sa isang simbahan,may sumbrero itong parang sa mga pintor at may iisang salamin sa kanang mata lang,ng ngumiti ito sakanya ay napangiwi si kanna ng makitang may iilang gintong ngipin ito muka pa naman itong bata gaya nya pero bakit ang pormahan nito ay parang sa matanda?
"Anong maipaglilingkod ko sayo magandang dilag? May gusto ka bang ipaayos? May sirang gamit ka ba na ipapapalit mo? Marami kang magugustuhan dito kaya maglibot ka lang para makapili ka ng gusto mo, ang itsura ng ipapapalit mong gamit ay depende sa itsura nito.kung mas antigo ngunit makasaysayan ay mas maganda--ang halaga non ay hihigit sa daang ginto oh pilak!"
"Kasama ko sya yahiko kaya wag mo syang balakang pagbentahan,walang pera ang batang 'yan at ni kinain nyan sa bar ay hindi binayaran!" Napalingon pa sila ni yahiko kay kihyomasa na abala sa pagsipat ng tingin sa mga palaso at pana,kumuha ito ng isang palaso at sinubukang asintahin ang target board na nakadikit sa dingding,namilog ang bibig ni yahiko,ngumuso naman si kanna
"Si master talaga hindi makalimutan? Diba nga sabi ko naman sayong hindi ko a--
"Oo na oo na.hindi mo alam na may bayad pala at akala mo libre dahil hinila ka at pinilit kumain ng bakla sa entrance? Oo kanna alam ko!" Binitawan ni kihyomasa ang pana at naglakad naman ito papunta sa mga nakahilerang balisong na may iba't-ibang uri ng disenyo at laki,pinasadahan ng mga daliri nya ang talas ng mga balisong at tinantya kung pwede na ba itong ipanghiwa sa bampira,ang ibang nasuri nya ay double blade pa
"Haha! Ano mo sya kihyomasa? Himala't nagsama ka ng babae ng pumunta dito sa shop ko?"
"Master ko sya at ako ang magiging disipulo nya!" Malakas na pagkakasabi ni kanna dahilan para magulat si yahiko
"Galit ka? Nagtatanong lang naman ah?"
"Wag mo kasing asarin ang master ko,ngayong kasama na nya ako ay hindi ko hahayaang may kahit na sino oh ano ang manakit at magpahiya kay master kihyo ko.dapat nga hindi mo sya pagsalitaan ng ganyan kasi sya ang tanyag na vampire hunter at ako? Ako na ang apprentice nya!"
"Ano namang pake ko kung disipulo ka? Mas matagal na kaming magkakilala ng master mo kaya ayos lang kahit bara-barahin ko pa sya,labas ka sa relasyon namin kaya wag kang makialam babae!"
Napailing nalang si kihyomasa ng magsimula ng magsagutan ang dalawa,animo'y mga paslit na ayaw magpatalo sa isa't-isa.ngayon ay mukang nakahanap ng katapat at kaparehas nyang mag-isip si yahiko,parehas silang may saltik kaya palagay nya naman ay magiging maganda ang kahahantungan ng pag-aasaran ng dalawa.hindi nalang sila inintindi ni kihyomasa at inabala nalang ang sarili sa paghahanap ng mga ammos gaya ng pakay sa pagpunta rito
Alam na alam nya kung saan ang seksyon at lalagyan ng mga bala kaya doon na sya nagdiretso,sa tangkad ng binata ay naabot naman nya ng walang kahirap-hirap ang karton sa itaas na naglalaman ng napakaraming ammos,mukang mapupuno na naman ang lalagyan ng chamber ng ruger nya.ng makabalik sa counter ay naabutan nyang ganoon ang dalawa,nag-tatalo parin. Hindi parin pala sila tapos?
BINABASA MO ANG
Codename: Kihyomasa[Vampire Hunter]
VampireAfter the tragic escape from his parent's gruesome death,San hides from the forest far away from the city and trained himself to become the strongest and bravest vampire assassin to seek revenge from his parent's death. However to San--things turned...
![Codename: Kihyomasa[Vampire Hunter]](https://img.wattpad.com/cover/239301378-64-k422307.jpg)