Chapter#32

3 1 0
                                    

Pasado-alas Dose na ng makabalik ang dalawa sa hotel Ibis,tulug na tulog na sila kanna ngunit hindi naman ni-lock ni yahiko ang pintuan para makapasok sila ni kaori oras na makauwi



"Maligo ka pagkatapos matulog ka na!"  Bilin ni kihyomasa sa dalaga,basang-basa parin kasi sila at hindi manlang tumila ang malakas na ulan,pumasok na ang hunter sa kwarto nito para makapagbanlaw samantalang si kaori ay nanatili sa harap ng pintuan ni kihyomasa,nag-iisip




"Baka magising si kanna kung papasok ako? Ah! Alam ko na?" Nangiti si kaori saka pumasok sa kwarto ni kihyomasa,nagdiretso ito sa banyo at hindi inda kung ano man ang mangyari---doon ay naabutan nya ang binata na walang kahit anong saplot,naliligo sa shower kaya nagtago ang dalaga sa kurtina,pinasadahan ng tingin ang kabuuan ng katawan nito

"Wow! Napakaganda ng katawan nya,pero saan nya kaya nakuha ang mga peklat nya? Pero ayos lang 'yon,kasi ang sarap nyang tignan hihi!"




Natigil sa paglalagay ng shampoo si kihyomasa ng makarinig ng mahihinang hagikhik sa paligid,hindi sya naniniwala sa mga multo kaya iba na ang pumasok sa isip nya,may tao? May iba bang nakapasok dito sa kwarto nya habang wala sya? Naalala nyang naiwan nyang hindi nakakandado ang bintana na syang dinaanan kanina ngunit masyadong mataas 'yon para maabot,nasa ika-15 palapag sila ng hotel?




Tinanggal nya ang bula sa mata at sinuri ang kapaligiran,hindi sya nag-iilaw kung naliligo kaya nagmasid sya,gamit ang senses ng isang lobo ay pumikit sya at nakiramdam sa paligid--ngunit agad syang nagmulat ng mga mata ng maamoy si kaori,maging ang matalas na pandinig ay ginamit na nya,ang boses nga ng dalagang lobo ang naririnig nya



Kaylanman ay hindi sya dadayain ng senses nya



Humahagikhik pa si kaori ng mapasigaw sa gulat dahil bumukas ang kurtina na kanyang tinataguan,nanlaki ang mga mata nya ng mabungaran si kihyomasa sa kanyang harapan,mabula ang ulo at wala talagang saplot--ang kilay ay salubong




"Anong ginagawa mo dyan?"




Nagpanic si kaori,hindi alam kung saan ipapaling ang pagmumuka ng dahil sa hiya  "Ah? Ano--akala ko kwarto 'to ni kanna kaya pumasok ako--




"Ah ganon? Namali ka?" Ani ng binata,akala siguro ng babae ay maloloko nya ito?  "Namali ka ba talaga? Oh sinadya mo? Umalis ka kaori! Bumalik ka na sa kwarto ni kan--



"Sabay tayong maligo!" Matapang na bulalas ni kaori,talagang ang lakas ng loob,hindi naman nakakagulat 'yon dahil talagang totoo ang babae sa mga sinasabi nito,parang ang dalang lang magsinungaling





"May banyo sa kwarto ni kanna,bakit dito ka pa makikiligo?"




"Gusto kitang makasabay? Masama ba 'yon?"



Muling bumuntonghininga si kihyomasa,sa sobrang kainosentehan ni kaori ay hindi na kapani-paniwala  "Hindi masama na makisabay ka pero wala ka bang ideya sa pwedeng mangyari kung sakali? Pwede kitang pagsamantalahan--




"Okay lang naman 'yon kihyo,mahal naman kita at ganon ka rin sakin diba? Isa pa kapag kinasal tayo ay mangyayari rin naman ang dapat mangyari!"  Sinimulan na ng dalagang hubarin ang mga kasuotan kaya nanlaki ang mga mata ni kihyomasa sa gulat,matapos non ay lumapit sya sa lalaki at hinawakan ito sa pisngi para hindi ito makakatakas sa gagawin nya  "Seryoso ako sa mga bagay kihyo,oras na mangyari ang dapat mangyari,hindi mo na ako matatakasan pati na ang kapalaran mo? Magiging ganap na lobo ka!"




Pasimpleng binuksan ni kaori ang shower at para makahinga sa bumabagsak na tubig sa ulunan ay tumingkayad na sya para halikan ang binata,pinlano nya talaga ito at kung kinakailangan na sya na ang humalay sa lalaki ay gagawin nya.hindi na sya nahihiya kapag ang lalaking ito na ang kasama nya




Codename: Kihyomasa[Vampire Hunter]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon