Chapter#4

20 4 0
                                    

Maaga pa lang ay gising na si kihyomasa dahil sa lakad sa araw na ito,pinaghanda sya ni kosuke ng almusal at inaasikaso sya gaya ng palaging ginagawa nito.inilapag ng matanda ang tasa sa katabing mesa kung saan nakaupo ang binata,abala sa pagpupunas ng kanyang malalaking revolver,napangiti si kosuke ng maalala ang mga baril na 'yon,noon ay sinubukan nyang hawakan at bitbitin ngunit wala pang dalawang segundo ay binitawan na nya kaagad.paano'y napakabigat ng mga baril na pag-aari ng binatang ito,




Matikas at matipuno si kihyomasa,hindi na nakakapagtaka kung paano nito nakakayanang bitbitin ang ganun kabibigat at kalalaking armas,sanay na sanay na ito at alam nya kung saan ito unang nabili ni kihyomasa--sa isang kakilala nitong imbentor na kilala rin naman sa bayan dahil may maliit itong repair shop,ang kaso may sayad ang binatang nagngangalang yahiko pero subok ang galing nito pagdating sa paggawa ng mga dekalidad at astig na sandata





"Anong iniisip nyo?" Napatingin sya sa binata ng magsalita ito,hindi naman ito nakatingin sa kanya sa halip-abala parin ito sa pagpupunas ng baril,ngunit alam nyang sya ang tinatanong dahil obyus na sya ang katabi nito at wala naman ibang tao rito maliban sakanilang dalawa




"Wala naman,hindi ba at ngayong araw ka pupunta sa tanggapan ng mayor?"




"Oo ngayon nga 'yon!"




"Mag-iingat ka iho? Alam ng lahat na medyo masungit at maraming gwardya ang mayor,hindi pupwede roon ang bastos na asal mo,ikaw pa namang bata ka kung sumagut-sagot ka minsan ay pabalang pa.'yang asta mong 'yan pa ang magpapahamak sayo pagdating ng araw"





Salubong ang kilay na napatingin sakanya si kihyomasa,animo'y hindi tanggap ang narinig galing sa matanda,tumayo ito at kinuha na ang susuotin pati na ang sumbrero nito,hinanda narin nya ang baril




"Tanda wala akong kinatatakutan,simula ng lumaki ako nabura narin ang takot sakin,baka ako ang dapat nilang katakutan at ilagan,aalis na muna ako? Pagbalik ko mamaya dadalhan ko kayo ng karne ng baboy ramo!"  Paborito kasi ng tandang kosuke ang karne ng baboy ramo




"Teka--hindi ka na ba kakain ng almusal?" Iling lang ang sinagot sakanya ng binata saka na tinungo ang pintuan




"Iyang mga baril mo ba ang gagamitin mo para makapanghuli ka ng baboy ramo?"





"Hindi,Sarili kong kamay at lakas ang gagamitin ko.pangit kainin ang karne kung hindi mo 'yon pinaghirapang patumbahin!"




Naiiling ang matanda,mukang alam na ang ibig sabihin ng binata.ng nasa pintuan na si kihyomasa ay hinawakan na nito ang seradura at akmang isasara iyon ng bigyan nyang muli ng seryosong tingin ang matanda



"Wag kang magpapapasok ng hindi mo kilala,habang wala ako wag kayong lalabas dito sa bahay.ingatan nyo ang sarili nyo dahil gusto ko kayong palaging daratnan kapag umuuwi ako,yun lang aalis na ako!" Sinara na ng binata ang pintuan,nakangiti lang si kosuke dahil kahit ganoon si kihyomasa ay sya na ang isa sa pinakamalambing na taong kilala nya

*****************






Nakatindig si kihyomasa sa harapan ng hindi kalakihan ngunit magarang establisyemento na syang tanggapan ng mayor,nagpatuloy syang maglakad papasok ngunit biglang may dalawang espada ang sumulpot sa muka nya,bahagya pa syang napapikit ng tumama ang kinang ng espada sa mata at adam's apple nya





"Sino ka? Asan ang passess mo?" Ani ng isang sundalo na akala mo'y may kaaway dahil sa lakas ng boses,gusto sanang bigwasan ni kihyomasa ang naturang sundalo pero hindi naman nya forte iyon.nakikipag-away lang sya kapag kinakailangan talaga,isa rin sa mga kinaiinisang ugali sakanya ni tandang kosuke




Codename: Kihyomasa[Vampire Hunter]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon