Chapter#31

6 1 0
                                        


Sabay-sabay silang nag-almusal ng umagang iyon gaya ng palagi,ang pinagkaiba ay kasama nila si kaori ngayon kaya mas pinarami ni yahiko ang pagkaing pinadeliver sa bellboy



"Master,magsasanay ako mamaya sa likod nitong hotel,nalaman kong may garden din dito kaya nagpaalam ako sa owner,ang bait kasi pumayag sya.tuturuan mo ba ako mamaya?"



Pasimpleng nilihis ni kihyomasa ang mga mata sa tabi nya--kay kaori na walang pakialam sa paligid dahil abala itong kumakain,senyas na hindi nya ito maiiwanan kaya tumango nalang si kanna,naiintindihan naman nya ang binata dahil ngayon lang nito makakasama ang dalaga,at dahil maganda ang gising ay hindi na kumontra oh nagselos si kanna,balik na ito sa pagkain




"Tch! At ano? Kaya hindi mo sasanayin si kanna kasi napagod ka? Oh mas magandang sabihin na kayong dalawa ni binibining kaori?"




Inosenteng nag-angat ng muka si kaori,may subo pang kutsara.maging si kihyomasa ay naguluhan sa sinabi ng imbentor,salubong ang mga kilay  "Ha? Yahiko narinig ko ang pangalan ko? Bakit?"




Napangisi si yahiko,hindi makapaniwala sa reaksyon ng dalawang kaharap  "Ah? So ganon? Maang-maangan kayong dalawa? Nakita ko lang naman kayong magkatabi kanina,siguro nga may nangyari na sainy--ARAAYYYYY!"




Malakas na sinipa ni kihyomasa ang binti ni yahiko,tuloy ay maiiyak ang lalaki sa sakit.sinapo ang natadyakan ng hunter at mas lalo pang nagpuyos,pakiramdam nya ay tinraydor sya ng sariling kaibigan  "Hoy! Kihyo? Talaga ngang balak mong solohin si binibining kaori ano? At talagang umiskor ka ng hindi namin alam--




"Hindi ko alam ang pinagsasabi mo yahiko,manahimik ka na!"



Mas lalong nainis si yahiko,para kasing wala lang sa kaharap ang nararamdaman nya,talaga nga naman? Natatawa nalang tuloy si kanna sakanila dahil ganon talaga ang matalik na magkaibigan.nagsasakitan pero hindi naman seryoso? Parang nantitrip lang sa isa't-isa



"Ah ganon kihyo? Talaga ngang balak mong--




Hinarap ni kihyomasa si kaori  "Pupunta ako mamaya sa bayan para mamasyal,gusto mo bang sumama sakin?"



Mas lalong lumaki ang ngiti ng dalaga,tumango ng sunud-sunod at hindi pa nakuntento dahil niyakap pa nito ang braso ng hunter   "Oo kihyo,sasama ako sayo.pero maliligo muna ako at mag-aayos ha?"




Sunod namang hinarap ng lalaki si kanna,wala talagang pakialam sa imbentor na panay ang sumbat sa tabi  "Ikaw kanna? Gusto mong sumama?"



Iwinagayway nito ang mga palad sa muka  "Hindi na,diba nga magsasanay ako mamaya,saka mas magandang kayong dalawa lang ni kaori para naman malibot nya ang buong paris,nalibot na kasi natin ang ilang lugar dito samantalang si kaori mukang hindi pa? Kaya sige lang master,pero master pasalubungan mo ako ng macaroons ha?"




Tumango si kihyomasa saka na ibinalik ang atensyon sa kinakain,maya-maya pa ay muli nyang sinulyapan si yahiko na nakasimangot  "Ikaw yahiko? Gusto mong--




"HINDI NA.MOMENT NYONG DALAWA 'YAN KAYA KAYO NALANG ANG MAMASYAL,TUTAL MANG-AAGAW KA KIHYO! SIGE SULITIN MO NA!"




Pigil na pigil ni kihyomasa na wag mapabunghalit ng tawa maging si kanna,alam na alam nila ang ikinapuputok ng butse ng lalaki ngunit si kaori ay parang hindi alam ang nangyayari,nilapit kasi nito ang muka kay yahiko at sinuri ang galit na emosyon nito




"Galit ka ba? Bakit? Sabihin mo baka matulungan kita?"



"Malaki ang problema ng isang 'yan kaori,hayaan mo na sya!"




Codename: Kihyomasa[Vampire Hunter]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon