Bilog ang buwan,tahimik na naglalakad si kihyomasa papasok sa masukal na kagubatan.parang patay ang paligid at walang kagalaw-galaw ang mga puno at halaman,ng makaapak sya ng tuyong dahon ay saka lamang sya nahinto sa paglalakad,walang galaw saka ipinikit ang mga mata.matapos ng limang segundong pagbibilang sa isipan ay saka lamang sya nagmulat muli ng mga mata,mabilis na kinuha ang revolver sa loob ng coat saka tinutok sa nilalang na biglang sumulpot sa likuran nya"Kamusta kihyomasa? Nakakatulog ka ba ng mahimbing sa gabi?"
Sinuyod muna nya ng tingin mula ulo hanggang paa ang babae sa harap nya,ang suot nito ay katulad sa mga belly dancers,maganda ang pulang buhok pati ang muka nitong maputla.ngumisi si kihyomasa saka tumango,ibinalik ang armas sa lalagyan ng coat
"Sa kabutihang palad dinadalaw naman ako kahit papano ng antok" Mahinahong sagot nito,nailing ang magandang dilag na bigla nalang nawala sa harapan nya,sa mabilis na hangin pa lang na nagdaan sa batok nya alam na nitong nasa likod na nya ang kanina'y kausap
Kinuha nito ang sumbrero nya saka sinuot "Tsktsk! Medyo nanghinayang ako,napakaganda ko pero mukang hindi mo ako natatandaan"
"Ang mga bampirang malalakas lang at halos mapatay na ako ang sya ko lang tinatandaan,walang kahit na sino oh ano ang papasok sa isip ko kundi sila lang"
"Tsk! Alam mo bang dahil sa paglalaban natin last time montik mo ng masira ang maganda kong muka? Ano't parang wala lang sayo kihyomasa? Ganyan ka na ba talaga ka walang puso?"
Hinarap nya ang babae na biglang tumingkayad para muling ikabit sakanya ang sumbrero nya,nunka rin sya nitong kinabig ng mas malapit para halikan sa labi.walang tugon si kihyomasa,nakikiramdam lang sya at tinatantya kung may kasama pa ang babaing humahalik sakanya,naiisip nya ang tatatlong bala ng baril nya dahil ang isa ay ginamit nya upang makatakas sa bar
Kung bakit naman kasi binaril nya ang bombilya? Wala naman itong kwenta sakanya? Mas bagay ang bala nyang bumaon sa sentido ng mga bampira.naisip nyang kung marami ang kasama ng babaing 'to ay mapipilitan syang gumamit ng mano-manong labanan
Ng matapos ay hinaplos ng babae ang pisngi ni kihyomasa,ang itim na lente ng mga mata ay napalitan kaagad ng pula.diretso ang kamay nito sa leeg nya na bigla nalang hinawakan para ipangsakal
"Hindi kita hahayaang mabuhay kihyomasa,type sana kita kaso maisip ko pa lang ang ginawa mo sa muka ko at ang katotohanang gusto mong ubusin ang lahi ng mga bampira ay gusto na lamang kitang tapusin,baka bigyan pa ako ng pangaral ng matataas na antas ng komunidad namin kapag nadala ko sa matataas na opisyales ang bangkay mo!"
Iyon ang totoo,ang bampira ay matagal na panahong nabubuhay sa mundong ibabaw at patuloy na naghahasik ng lagim hanggang sa kasalukuyan.nambibiktima,nasa paligid,kahit saan may bampira,sa bar,sa gubat,sa kabundukan.ang isa sa target ni kihyomasa ay makapunta at makapaglakbay sa Britanya dahil ayon sa nalaman nya ay may isang community village doon kung saan ang lahat ng nakatira sa lungsod na 'yon ay pulos bampira.kakaiba pero totoo talaga--sa bayang 'yon ay meron silang prinsesa at prinsipe,ang kasalukuyang naghahari sa buong lahi ng mga bampira,laganap sila saan mang dako.
Naisip nyang kung mapapatay nya ang lahat ng bampirang nakatira roon,maging ang prinsesa't-prinsipe ay mawawala na ang lahi ng mga bampira, Iyon ang matagal nyang plano at kaylangang masunod 'yon, kaylangan nyang makapaglakbay papuntang britanya, tatapusin nya ang buhay ng mga maharlikang bampira kahit pa maraming balakid---sya si kihyomasa,hindi basta-bastang vampire hunter,
![](https://img.wattpad.com/cover/239301378-288-k422307.jpg)
BINABASA MO ANG
Codename: Kihyomasa[Vampire Hunter]
VampireAfter the tragic escape from his parent's gruesome death,San hides from the forest far away from the city and trained himself to become the strongest and bravest vampire assassin to seek revenge from his parent's death. However to San--things turned...