Chapter#16

9 1 0
                                        

"Makakatagal ka kaya vampire hunter? Sa dami namin ay baka hindi mo manlang kami maubos oh mangalahati,bukod don ay nag-iisa ka?"



Nailing si kihyomasa ng silipin ang magasin ng ruger,masaklap dahil lima nalang ang bala na naroon,meron naman syang reserba pero hindi rin nya alam kung makakatulong,wala na syang choice.




Bahagyang lumaki ang mga mata ni kihyomasa ng biglaan syang sugurin ng higit sa sampong bampira,ang iba ay nasa ere at nakalantad ang mga pakpak,hindi man sya nakapaghanda ay tumakbo nalang muna ito sa iba't-ibang direksyon para maiwasan ang mga bampira,habang tumatakbo ay kinuha nya ang reserbang magasin sa sinturon saka inilagay sa isang ruger,huminto sa pagtakbo saka sinalubong ang nasa dalawang bampira saka pinaputukan.natamaan nya ang isa sa noo kaya napasigaw ito at biglaang naglaho,sunod naman nyang itinutok ang baril sa isa pa ngunit nasipa nito ang kamay nya dahilan para mabitawan ang hawak na revolver





"Kung wala kang baril? Mamamatay ka rin!" Sigaw sakanya ng bampira,naging mabilis ang kilos nito ng dambahan ang binata sa kwelyo ng coat at mas pinataas pa ang paglipad,nasama tuloy si kihyomasa na ngayon ay nakabaligtad habang inililipad ng demonyo paitaas sa chandelier,kinasa nya ang chamber saka pinaputukan ito sa paa dahilan para mabitawan sya nito




"MASTER!!"



"KIHYO?!"




nagpagulung-gulong ang lalaki sa hagdanan paibaba,ng marating ang sahig ay agad syang tumayo kahit nakakaramdam ng kaunting hilo,tumama kasi ang ulo nya sa railings ng hagdan ngunit hindi nya muna pinansin iyon,kaylangang naka-focus sya sa pakikipaglaban dahil oras na malingat sya ay baka makakuha ng pagkakataon ang mga bampira para atakihin sya ng patalikod




Saktong pagharap nya sa dalawang bampirang lumipad palapit sakanya ay doon nya pinaputukan ang mga ito sa noo,sumabog ang laman-loob sa kung saan saan,maya-maya ay nasunog at naglaho,sunod nyang binaril ang ilan pang bampira na lumipad sa kung saan-saan,animo'y pinaglalaruan sya at nililito.mabilis nyang inalis ang magasin na wala ng laman saka nagtago sa likod ng arcade para lagyang muli ang baril,hinubad nya ang coat na napuno na ng dugo saka hinagis sa kung saan,pinahid ang muka na napuno narin ng dugo at mabilis na naglakad para muling harapin ang ilan pang bampira




"Bakit ka patagu-tago? Umiiwas ka ba? Mahina naman pala ang vampire hunter na 'to eh? Pinagmamalaki pa naman ng ilan kaso panay ang iwas,magaling ka lang atang magtago eh?!"  Sa halip na magalit ay ngumisi sya sa pang-iinsulto sakanya ng bampira,kumuha ng isang stick ng sigarilyo sa bulsa ng pants saka sinindihan at hinithit





"Sa dami nyo hindi naman dapat sumugod ng basta-basta,bukod don ubos narin ang bala ko? Bigyan nyo ako ng oras para mag-isip kung pano kayo papatayin!"




"Gago! Ang mamamatay tao hindi naman dapat bigyan ng oras para umisip ng paraan kung pano papatayin ang biktima--




"Biktima?!"  Doon nangalit ang panga ni kihyomasa,itinapon ang sigarilyong hindi gaanong nabawasan saka kinasa ang hawak na ruger,itinutok sa bampira  "Kaylan pa kayo ang naging biktima na p*tang *na kayo? Sa dami nyong kasalanan sakin sa palagay nyo kayo parin ang biktima? Ang dami kong mahal sa buhay na walang kalaban-laban nyong pinatay! Sa tingin nyo doon lang matatapos 'yon?".




Pagbagsak pa lang ng sigarilyo sa sahig ay iyon ang senyas na uubusin nya ang mga sugo ng maligno,ng dahil sa galit na mas lalong nagpaalab sa dibdib ng binata ay hindi na ito papapigil,magiging mamamatay bampira ng walang awa hanggang walang matitirang bakas nila sa mundong ibabaw 




Hindi na paisa-isa ang sumusugod kundi ang bulto pamula sa lima,sampo hanggang sa halos lahat na ay sumugod,ngumisi si kihyomasa ng dahil sa sobrang pananabik.iniwas nya ang sarili dahil bubuhatin na naman sya ng mga bampira paitaas at ibibitin ng patiwarik,doon nya pinapaputukan ang mga bampirang magtatangkang tumakas paakyat sa kisame, iba't-ibang tunog ang maririnig sa loob ng casino,halakhak ng mababaliw na si kihyomasa,mga daing at sigaw ng nasasaktan na bampira,pati na ang sunud-sunod na putok ng baril




Codename: Kihyomasa[Vampire Hunter]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon