Hindi na halos mailarawan ni kaori ang sayang nararamdaman habang naglalakad pabalik sa kanilang tinutuluyan ni hibiki,pakiramdam nya ay malulunod na sya sa sobrang kilig na hindi na yata maaalis sa puso nya,ng mapahinto sa pintuan ay tumigil muna sya,hinawakan ang labi saka kinagat ng maalala ang mainit na halikang pinagsaluhan nila ni kihyomasa sa tabing dagat.hindi sya maaaring magkamali--talagang tumugon sa halik nya ang lalaki,inaakala nyang itutulak sya nito at aayaw sakanya pero pakiramdam ni kaori kabaligtaran? Naisip nyang may pag-asa ngang mahalin din sya nito
"Oh prinsesa kaori? Bakit nandyan ka? Pasok na at malamig na!" Napatingin tuloy sya kay hibiki saka tumango,wala sa sariling pumasok sa loob ng tahanan na hindi manlang pinapansin ang pagdaldal sakanya ng lalaki
"Saan ka galing? Gabi na hindi ka na dapat lumalabas? Baka may bampira sa paligid at tambangan tayo,kaylangan kitang madala sa paris ng ligtas"
"May magliligtas naman sakin hibiki eh!" Ani kaori,inosente ang napakagandang muka
"Ha? At sino 'yon? Baka bampira rin 'yo--
"Si kihyomasa hibiki,sya ang magliligtas sakin!"
"Kihyomasa? Ito ba yung vampire hunter na naging usap-usapan? Magkakilala ba kayo?"
"Oo,sya ang susunod kay ama,sya ang nakagat nito at napasahan ng laway,sa susunod na kabilugan ng buwan ay paunti-unti na syang magbabagong-anyo at magiging buong lobo!"
Gulat na gulat si hibiki sa narinig,nabuhayan ng loob na naupo sa tabi ni kaori ng may malaking ngiti "Talaga? Sya ang pinasahan ni haring baza? May pag-asa ng mabuong muli ang angkan ng mga Lobo sa shizoka? Prinsesa kaori salamat,kasi nahanap mo sya at may laban na tayo sa mga bampira kung may mamumuno satin!"
"Sya ang mapapangasawa ko hibiki--
"Oo nakatadhana na nga yun pero prinsesa nasiguro mo na bang may pagtingin din sya sayo? Baka mahirapan tayo--
Natigilan si hibiki ng makitang parang maiiyak na ang dalaga,lahat ng werewolves ay ayaw na ayaw na makikitang umiiyak si kaori,todo ingat silang lahat na palaging pasayahin ito,lahat ng gusto nito ay ibinibigay sakanya.mahal ng lahat si kaori lalo pa'y napakabait nito at malambing sa lahat,kaya nga ay sinabi ng mga matatandang lobo na maswerte raw ang lalaking iibigin nito
Si hibiki ay isa sa mga kalahi nila kaori na tanging nahiwalay sakanila,nag-asawa kasi ito at doon na nga nanirahan sa paris kasama ang tatlong anak na pawang mga taong-lobo rin,ng mabalitaan nilang buhay at nag-iisa si kaori ay naglakbay si hibiki para isama na ito sakanila,para naman may makakasama si kaori at hindi mag-iisa,maliit na komunidad na puro lobo,naisip nilang ang prinsesa ay itira na sa paris para mabantayan nila ito at maalagaan,masigurong ligtas laban sa mga bampirang gustong makuha at maangkin ang binibining kaori
"Hibiki ayokong isipin na hindi ako kayang mahalin ni kihyomasa,ang sabi ng ama ko hindi naman daw ako mahirap mahalin.kaya sana mahalin nya ako? Kasi sya lang ang gusto ko,sya lang ang lalaking pinakamamahal ko at ayaw kong mawala sakin!"
Ngumiti si hibiki bilang pagsang-ayon "Oo naman prinsesa,tanga nalang ang lalaking hindi ka kayang mahalin,halos lahat ay nasayo na kaya hindi maglalaon ay mamahalin ka rin ng vampire hunter na 'yon,hindi ko man sya kilala ng lubos nararamdaman kong sya ang nararapat para sayo,sya ang makakatuwang mo sa buhay,at sya ang lalaking handang ialay ang sarili para sayo!"
Niyakap ni kaori si hibiki,hinaplos naman ng lalaki ang likod ng prinsesa tanda ng simpatya at suporta para sa buhay pag-ibig ng kanilang kamahalan "Nakapagpaalam ka na ba sakanya prinsesa?"

BINABASA MO ANG
Codename: Kihyomasa[Vampire Hunter]
VampireAfter the tragic escape from his parent's gruesome death,San hides from the forest far away from the city and trained himself to become the strongest and bravest vampire assassin to seek revenge from his parent's death. However to San--things turned...