Chapter#25

5 2 0
                                        


Iritable si kihyomasa ng makabalik sa kanilang tinutuluyang hotel,tuloy ay hindi nya pinapansin ang mga staffs pati na ang mga nanunuluyan sa hotel na 'yon kapag binabati sya ng mga ito,malalaki at maingay pa ang bawat paghakbang ng mga paa kaya umaalingawngaw ang tunog ng sapatos nya sa buong pasilyo




Ng makapasok sa kwarto nila ni yahiko ay si kanna agad ang una nyang nabungaran,may kinakain ito habang nakatitig sa papel na hawak hawak,ng marinig ang pagbukas sara ng pintuan ay lumingon ito,agad sumaya ang muka at mabilis na tumakbo papunta sa binata,ibinigay nya rito ang papel na agad sinuri ng lalaki



"Alam mo ba ang ibig sabihin nyan master?"





Hindi sumagot si kihyomasa,patuloy lamang na binabasa ang papel ngunit dumungaw si kanna sa muka ng lalaki.natunugan na agad nyang hindi naging maganda ang lakad nito dahil mukang naiinis ito "Ang ibig sabihin nyan ay wala naman akong kahit na anong sakit,nung tinanong ako ng doktor kung ano raw ba ang masakit sakin at kung may kakaiba pa akong nararamdaman ay sinabi ko yung totoo,madalas lang akong mahilo--





"Na kasinungalingan? Hindi mo ba binanggit sa doktor na nagkaroon ka ng seizure at paninikip ng dibdib?" Mahina man ay halatang galit ang binata sa tono ng boses nito kaya napalabi si kanna.na-curios kung ano ba talagang nangyari sa personal na lakad ng master nya at uminit ang ulo? Naamoy din nya ng bahagya sa hininga nito ang amoy ng alak kaya alam na nyang mukang uminom ito





"Malalaman naman nila sa findings nila master eh,pero wala silang nakita at sinabi nyang healthy ako at walang sakit,parte lang daw 'yon ng pagod at pamimihasa ng katawan ko sa mga mabibigat na gawain!"




"Ganon?" Anito,sa isang iglap ay ngumisi na si kihyomasa kaya naweirduhan ng kaunti ang babae sa inaasal ng kaharap,ano kaya talaga ang problema ng master nya't nagkakaganito? Kanina akala nya ay papaluin na sya sa pwet sa inis pero ngayon naman ay nakangiti na at mukang mang-aasar na naman?  "Saan ka napagod kanna? Sa paglalakbay natin oh sa kaka-kain mo?"




"Master naman eh!" Anito na ngumuso na parang bata "Ayan ang nangyayari kapag madalas kayong magkasama ni yahiko?naiimpluwensyahan ka narin nya sa asaran?"




Ginulo nito ang buhok nya kaya palihim na ngumiti si kanna,pakiramdam nya kasi kapag ginaganito sya ng lalaki ay masaya itong kausap sya at naaaliw ito sakanya, "Master saan ka ba nanggaling? Uminom ka ba?"




Napatingala ang lalaki saka hinilot ang bridge ng ilong  "Konti lang naman.maghanda ka kasi pagdating ni yahiko tutuloy na tayo sa bouroz hotel!"




"Yes master!" Pagsaludo ng babae kaya pumasok na si kihyomasa sa kwarto nito para magpalit,sakto namang bumukas ang pintuan kaya napatingin si kanna roon




"Ah excuse me? Namali yata kayo ng pasok ng kwarto?" Ng humarap ito ay nanlaki ang mga mata ni kanna,pa-eksaheradang tinakpan ang nakabukang bibig gamit ang mga palad  "YAHIKO? IKAW BA 'YAN?"




"Oo sino pa ba? Kamusta? Ayos ba ang gupit ko?"




Umikot sya para mas masuri ang kabuuan ni yahiko na bago ang stilo ng buhok "Infairness,nagmuka ka ng tao at kagalang-galang!"




"Tch! Thank you ha? Supporter talaga kita?" Papilosopong sagot ni yahiko,ng muling lumabas si kihyomasa ay agad na lumawak ang ngiti nito ng makita ang imbentor  "Kihyo? Ano? Ayos ba?"




"Hindi ka na mukang gusgusin yahiko,gwapo ka ng tignan!"



Napairap ang imbentor  "Magsama nga kayo ni kanna,magmaster nga kayong dalawa.parehas kayong hindi matinong kausap!"

Codename: Kihyomasa[Vampire Hunter]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon