Chapter#11

10 2 0
                                        

Balisang-balisa si kanna habang paroo't-parito,Hindi man nya alam kung anong oras na pero isa lang ang sigurado sya--Masyado ng malalim ang gabi ngunit hindi parin nakakabalik ang master nya.ang sabi nito ay pupuntahan lang nito ang paring kaibigan para isama dito at madasalan ang katawan ni kosuke pero bakit ganon? Hanggang ngayon ay wala parin ito? Nag-alala na si kanna sa maaaring mangyari sa binata,masyado itong nasaktan at nalungkot sa pagkawala ni lolo kosuke kaya iba-ibang scenaryo na ang pumapasok sa isipan nya.paano kung napahamak na ito?




Nabaling ang tingin nya kay kosuke na nakabalot na ng kumot,nalinisan na nya ito kanina habang wala ang master nya saka pinalitan ng disenteng damit,maayos na maayos na ulit ang itsura nito at animo'y natutulog lamang ang matanda,kahit ang pag-aayos nalang sana ang maitutulong nya at ang pagdamay sa binata sa oras ng kalungkutan dahil sa pagkawala ng pinakamahalaga sa buhay nito




"Lolo,pwede naman muna kitang iwan diba? Sandali lang po ako? Hahanapin ko lang ang apo nyo? Kanina pa kasi syang hapon wala eh halos ilang oras na.pangako po babalik agad ako para bantayan kayo!" Hindi nagsayang ng oras pa si kanna,kinandado muna nya ang pintuan saka na tumakbo papasok sa kagubatan,hinanap ng hinanap sa kasuluk-sulukan ang binata ngunit hindi nya ito makita





Napatingin sya sa ibabang bahagi ng burol na kinatatayuan kung nasaan ang pamilihang bayan,naisip nyang hindi agad nya mahahanap ang master nya kung nag-iisa lamang sya,may isang tao syang dapat hingan ng tulong, agad nagpadausdos si kanna pababa sa burol at kahit sumakit ang pwitan ay hindi na nya ininda.dapat syang gumawa ng paraan para mahanap ang master nya

**********************






"Anak ng tatay ka!"




Nagsara na si yahiko ng shop nya dahil gabi na isa pa'y kaylangan na nyang pumunta sa bahay ni tandang kosuke dahil naisip nyang hinihintay na sya nila kihyomasa roon,may dala na syang sakong gawa sa tela na naglalaman ng mga bala,palaso,ruger,pana,krus na bakal at kung anu-ano pang kakaylanganin nila para sa paglalakbay,dala narin nya ang blowpipe na naglalaman ng aspiling puro may pampatulog at lason.matapos maisara ang shop ay doon nga sya nagulat ng mabungaran si kanna sa likuran nya,nakatayo at naghahabol ng hininga




"Oh? Anong ginagawa mo rito? Ikaw ba ang tagasundo ko? Saka bakit ganyan ang itsura mo? Para kang tumakbo sa kabundukan ah?"




"Yahiko--ano--si master--





"Anong nangyari? May kalokohan bang ginawa si kihyomasa? Kahit ganyan sya may taglay rin 'yang natural na kalokohan kaya wala kang dapat na ipag-alala!"




"Si master kasi nawawala eh,kanina pa sya nagpaalam na susundo ng pari para dasalan si lolo kosuke pero hanggang ngayon ay hindi parin sya bumabalik!"




Sukat non ay lumaki ang mga mata ni yahiko "Ano? Bakit? Anong meron at magdadala sya ng pari sa bahay nyo? Saka ano bang nangyari kay lolo kosuke?"





Sa halip na sagutin ay hinila na ni kanna ang kamay nya saka na sila tumakbo "Mamaya ko na sasabihin sayo ang detalye,basta sa ngayon kaylangan nating makita si master kihyo!"

*********************





Malungkot na tinitigan ni yahiko ang bangkay ng matanda na nakahiga sa papag,doon din mismo ikinuwento ni kanna ang nangyari rito,   




"Ikinalulungkot ko ang nangyari!"




"Hindi nag-ingay si master sa halip-tahimik syang umiyak kanina,tapos non sinabi nyang bantayan ko si lolo kosuke dahil tatawag daw sya ng pari!"




Codename: Kihyomasa[Vampire Hunter]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon