[ Qiandao China ]Dumaong na sa pampang ang barkong sinasakyan nila kihyomasa kaya naghanda na ang tatlo para bumaba,walang kahit na anong damit na dala ang tatlo maliban sa nag-iisang sukbit ni yahiko,sakong gawa sa tela na pulos panlaban sa bampira ang laman,kapag nakita ng ordinaryong mamamayan ang nasa loob niyon ay iisiping weirdo silang tatlo at miyembro ng isang kulto.paano rin kasi ay puro sila nakaitim,mga mukang misteryoso at halatang hindi taga-roon sa bansang kanilang inaapakan
"Mag-iingat kayong tatlo? Kapag aalis na tayo rito sa tsina balik lang kayo rito!" Kunot noong nilingon ni yahiko si shinzo na nasa likuran lang nila at sinasabayan sila sa paglalakad pababa ng barko
"Hindi ka sasama?"
Nailing ito saka nagkibit-balikat "Kaylangan hong may maiwan dito para magbantay ginoong yahiko,mahirap na--hindi natin kilala ang mga tao rito,baka kapag sumama pa ako sainyo ay may mawala dito sa barko oh itong mismong barko ang mawala,may mga kainan naman dito sa paligid at sa kwarto sa barko nalang ako matutulog"
Tinapik nito ang balikat ni shinzo "Sige,mag-iingat ka? Hindi naman tayo magtatagal dito diba kihyo?" Tumango lang ang binata kaya nginitian nya si shinzo
Tuluyang lumakad ang tatlo kahit pa walang planong ruta na pupuntahan,bahala na kung saan dalhin ng mga paa.sa panahong 'to ay puro kabayo pa oh karuwahe ang transportasyon sa kalupaan,kung mayaman ka at may perang pambayad sa karuwahe ay pwede kang magrenta--kaso may oras din 'yon depende sa binayad mo sa pagrerenta nito
"Pasa-saan tayo kihyo?"
Bumuntong hininga ito ng pagkalalim-lalim,animo'y wala ring ideya,tinanggal nito ang suot na sumbrero saka tumingala sa kalangitan,palagay nya'y masyado ng gabi,bukod don hindi pa sila kumakain dahil tinitipid nila ang baon na nasa barko,isa pa'y mas kaylangan ni shinzo 'yon dahil ito ang mananatili at magbabantay sa barko,dapat may makain ito--talaga yatang nilaan para sa drayber ng barko ang kahun-kahong pagkain
"Humanap tayo ng makakainan na may panuluyan,doon tayo magpalipas ng gabi bago tayo tumuloy sa beijing!"
Nilibot ni kanna ang paningin sa paligid nila,parang isla lang dahil nga probinsya iyon ng china.sa pagkakaalam nya ay ilang oras ang byahe bago marating ang kapital ng bansang ito,pero nagtitiwala naman sya sa plano ng master nya,.sinimulan nilang maglakad ng walang tigil,naghahanap ng panuluyang may makakainan.ng makakita si kanna sa di-kalayuan ay kinalabit nya agad ang dalawang lalaki
"Master,yahiko tignan nyo oh! Zengxiu Inn? Baka may kainan dyan! Kanina pa nagwawala ang mga alaga ko sa tyan sa gutom eh!" Napabalikwas si kihyomasa ng hilahin na sya ni kanna papunta sa nakitang panuluyan,ng marating ang nasabing panuluyan ay si kihyomasa narin ang nagbukas ng sliding door,nakita nila ang isang matandang babae sa reception area,halos nakapikit na ito sa sobrang kasingkitan,nakangiti ito sakanila saka tinanggal ang suot na salakot
"Anong maipaglilingkod ko sainyo binibini at mga ginoo?"
"Kaylangan namin ng kwarto!" Walang gatol na sagot ni kihyomasa,hindi ngumingiti sa matanda
"Bigyan nyo po kami ng makakain!" Si kanna naman iyon na abut-abot sa tenga ang pagkakangiti.ang matanda ay lumihis kay yahiko na tahimik lang na nagmamasid sa paligid
"Ikaw ginoo? Wala ka bang rekwest?"
"Nasabi na po nila ang mga kaylangan namin eh,kaya wala na po akong komento!" Tumango ang matanda saka sumenyas sakanilang sumunod kaya tumuloy na sila sa pinakaloob,doon ay bawal na pala ang kahit na anong sapin sa paa maliban sa medyas kaya hinubad tuloy ng tatlo ang kanilang bota saka iniwan sa lalagyan ng mga sapatos na katabi ng reception desk.doon ay may iilang mesa na may kani-kaniyang upuan,parang sa japan dahil kapag kakain ang mga tao roon ay nakaluhod at sasayad ang pwitan sa talampakan,agad tumabi si kanna sa master nya
![](https://img.wattpad.com/cover/239301378-288-k422307.jpg)
BINABASA MO ANG
Codename: Kihyomasa[Vampire Hunter]
VampiroAfter the tragic escape from his parent's gruesome death,San hides from the forest far away from the city and trained himself to become the strongest and bravest vampire assassin to seek revenge from his parent's death. However to San--things turned...