"Grabe!! Sobrang dami nitong pinamigay satin ng mga mamamayan ng Europa towns,para tayong sila naomi,ang pinagkaiba-imbis na dugo eh pagkain ang nakolekta natin sakanila? Ilang linggo natin 'to oh,mukang masasarap din 'tong french bread!"
Naglalakad na sila paalis ng Europa towns dahil muli na naman silang maglalakbay sa susunod nilang destinasyon.kanina lang ay lubos silang pinasalamatan ng lahat ng tao sa Europa towns dahil sa kanilang kabayanihan at kabaitan,hindi nga raw sila malilimutan nang mga tao roon at magsisilbi silang inspirasyon sa modernong panahon-nangakong hindi na sila magpapauto at maniniwala sa mga mapanlokong gaya nang asosasyon.Ang pinakamasaya pa ron? Bumalik na sila sa paniniwala at pananampalataya sa panginoon sa itaas
Abala si yahiko sa pagbabasa ng world almanac,hindi inda kahit naglalakad sila oh matisod sa bato,ang eyeglass ay dalawa na ang lente 'yon nga lang ay colored parin,samantalang si kihyomasa ay nangingiti dahil sa masayang aura ng disipulo.talaga ngang mahal nito ang pagkain at nang bigyan sila kanina ng samu't-saring pagkain ay ang dalaga ang higit na masaya,nagtatalon pa sa sobrang kagalakan,sa sobrang tuwa nga ay niyakap nito ang lahat ng naroon kaya ang siste--sa dami ng tao ay inabot sila ng hapon bago nakaalis
"Magtatayo ba tayong muli ng tent kung saan tayo abutan nang dilim?" Ani yahiko,tiniklop na ang makapal na librong binabasa saka sumulyap sa hunter
"Hindi,sinabi sakin kanina nang matanda don sa wet market na may Bar daw limang kilometro mula dito,doon muna tayo titigil ngayong gabi!"
"Hoy kanna! Sa bar daw tayo titigil ngayong gabi?"
Nilingon sila ng dalaga,nag-thumbs up lang ito at ngiti ng malaki senyas na ayos lamang dito kung saan man sila manunuluyan ngayong gabi,hindi naman talaga ito kumokontra lalo pa't nasa pagkain ang buong atensyon nito at wala nang pakialam sa paligid,nagkatinginan si kihyomasa at yahiko na parehas nagkibit balikat "Hindi ka ba napapagod sa paglalakad? Gusto mo na bang sumampa sa kabayo?"
"Hindi,ayos lang ako.hindi ko ramdam ang pagod!"
Isang oras na simula ng paglalakad ay may namataan silang bar na bagama't simple ang itsura sa labas-may mga lalaking naglalabas-masok roon.itinabi nila ang dalawang kabayo sa likurang bahagi ng bar saka pumasok sa loob para ipahinga ang katawan sa paglalakad,ngunit nang buksan ni kihyomasa ang pintuan ng bar ay mabilis din nya iyong isinara
"Oh bakit? May problema ba?" Ani yahiko pero sa halip ay muli nitong binuksan at sumenyas na sakanilang pumasok.nagpatuloy na sila sa loob,iniiwasang maapakan ang napakaraming bubog sa entrance ng bar.gaya nang tipikal na scenaryo at itsura nang bar na kanilang napupuntahan,wala iyong pinagkaiba sa lahat
"Mga ginoo at binibini,magandang gabi sainyo.ano ang inyong gusto?" Ani nang babaeng nasa edad 50's,mukha parin itong masigla at wala pang kulubot ang mukha
"Ni-welcome na kami ng Isang bote ng rhum ale!" Ani kihyomasa,tinanggal ang coat saka isinabit sa sandalan ng upuan
"Hala! Susana!! Paki-linis nga nang mga bubog sa pintuan,baka may matusok pang customer na papasok dito.Ah ginoo pasensya na ha? Ganyan talaga 'yang mga lasing dito eh,nagbabato ng mga bote at hindi na nila iniisip kung may matatamaan ba sila,mga wala na kasi sa katinuan kaya ako na ang hihingi ng dispensa?"
Lumabas mula sa likuran ng counter ang isang dalaga,may bitbit itong walis tambo at dustpan ngunit hindi nakaligtas kay kanna kung paano sila titigan ng masama ng babae, "Ale sino po 'yon?"
"Si susana 'yon binibini,pamangkin ko sya at katulong dito sa bar,maiba ako--base sa mga kasuotan at itsura nyo ay mga manlalakbay kayo? May matutuluyan na ba kayo ngayong gabi?"

BINABASA MO ANG
Codename: Kihyomasa[Vampire Hunter]
VampirgeschichtenAfter the tragic escape from his parent's gruesome death,San hides from the forest far away from the city and trained himself to become the strongest and bravest vampire assassin to seek revenge from his parent's death. However to San--things turned...