Chapter#27

4 1 0
                                        


"Magandang umaga master,kamusta na ang pakiramdam mo?"


Inunat ni kihyomasa ang nangalay na leeg at braso dahil sa tagal ng pagkakahiga,naglapag naman si yahiko ng tasa sa bedside table at naupo sa gilid ng kama upang salatin ang noo at leeg ng hunter



"Kahapon,nung nakita ng isa sa mga staffs na akay kita papunta dito sa kwarto dahil nawalan ka ng malay ay tsinismis nya 'yon sa owner nitong hotel.tapos ayan,naghanda sya ng chamomile tea para raw sayo,para gumanda ang pakiramdam mo.inumin mo na habang mainit?"




"Umayos na ang pakiramdam ko,salamat sa pag-intindi.teka--ano na nga palang nangyari don sa may gawa nito sakin?"



"Wala na sya master,yung mga ganong tao ay hindi mo na dapat pag-aksayahan ng oras at pansin dahil tinapos ko na 'yon,bampira sya kaya hindi ko na sya pinatakas pa,ah master? Diba may pagsasanay tayo ngayon? Kung mabuti naman pala ang pakiramdam mo edi magsanay na ulit tayo?"



"Pero hindi pa nya dapat biglain ang katawan nya kanna--



Bumelat na parang bata si kanna at muling naglambing sa hunter gamit ang pagyakap sa bewang ng binata  "Dali na master? Sige na?magsanay na tayo!"




Natatawang tumango si kihyomasa habang ginugulo ang buhok ng disipulo  "Tara na sa labas--




"Pero kihyo kaylangan mo munang manatili dito at magpahinga--



"Yahiko,sobra-sobra na ang pahinga't-tulog ko,isa pa'y may usapan kami ni kanna na magsasanay ngayon.bago manlang tayo umalis sa new york eh susulitin muna namin ang mga oras natin dito para magsanay!"




Nagpameywang ang imbentor,wala syang magagawa dahil tama nga naman ang kaibigan,kahapon pa ng tanghali ito tulog at malamang na higit pa sa walong oras ang tulog gaya ng tamang oras na pahinga ng tao,naisip nyang mukang malakas ang epekto ng pampatulog oh siguro'y maraming valerian roots ang nakonsumo ng bampirang tumira ng dart kay kihyomasa kaya ganon nalang katagal ang pagkakahimbing nito

****************************




"Ibigay mo ang buong lakas mo kapag magpapakawala ka ng suntok kanna.wag mong isipin na ako ang master mo? Isipin mong kalaban ang kaharap mo kaya ibigay mo ang buong lakas mo,ayoko ng lampa at mahina!"




Pawis na pawis na si kanna at naghahabol ng hininga dahil sa sunud-sunod na atakeng binibigay nya sa binata,hawak ang magkabilang tuhod ay sandali syang nagpahinga dahil kanina pa sya umiikot sa ere para magbigay ng palipad sipa,ang kaso yung tinatarget nyang lalaki ay mabilis at mailap kaya nahihirapan sya




"Master,pwede bang wag mo masyadong galingan? Hindi ko talaga nasasabayan ang lakas at bilis mo eh,nahihirapan ako?"




"Sa tingin mo kapag idinahilan mo 'yan bibigyan ka pa ng chansa ng mga kalaban mo para makapagpahinga? Sa pakikipaglaban,walang kwenta ang mga ganyang dahilan mo.dapat mong tandaan na kahit na ano pang mangyari? Dapat mong ibuhos ang lakas at dedikasyon mo!"




Naiiling nalang si yahiko na ibinalik ang tingin sa binabasang libro,ngayon kasi ay inaaral naman nya ang iba pang sangkap na gagamitin sa karayom ng blowpipe nya,masusing nagre-research tungkol sa iba pang gamot at epekto nito sa tao,  "Excuse me?"




Nawala ang atensyon nya sa binabasang libro ng makarinig ng boses sa likuran,ng lingunin ay nakita nyang isa iyon sa mga staffs ng hotel na madalas kausap ng owner  "Bakit? May kaylangan ka?"




"May lalaki po kasing naghahanap kay ginoong kihyomasa!"




"Sino?"



Codename: Kihyomasa[Vampire Hunter]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon