Chapter#26

7 1 0
                                        


[ Nikarov Grand Meeting Hall: Great Britain ]

Isang napakalaking lugar kung saan madalas magtipun-tipon ang mga bampirang miyembro ng asosasyon kung may mahalaga silang pag-uusapan,ukol man 'yon sa kanilang problema? Populasyon? Mga hinaing at kung anu-ano pa,para silang maliit na bansang may lider,may mamamayan at may batas.




Nakatayo sa harap ang prinsipe ng britanya--walang iba kundi si kasper habang nasa magkabilang side nya sila raven at butler nitong si john,ang lahat ng bampira ay may kanya-kanyang pwesto depende sa kanilang antas sa lipunan,ang nasa pinaka-harap oh VIP sits ay inuupuan lamang nila kristina,harvey at sya mismo,ang mga bampirang mayayaman ay nasa likuran nila at ang mahirap oh may kaya ay nasa dulong bahagi na ng malaking grand hall na 'yon.gaya ng mga meetings? Meron silang malaking monitor at projector dahil mas maganda para makapagpaliwanag ng ayos ang mga nagrereport sa pagpupulong na ito,ginaganap ang mahalagang pagpupulong isang beses lang sa isang taon ngunit ngayon? Mukang dumalawang beses dahil may malaki silang problema




"Muli akong umuwi dito sa palasyo galing sa iba't-ibang dako ng paglalakbay dahil habang nasa ilang bansa ako ay may bwisit akong nakita,bwisit sa buhay nating mga bampira.hindi ko pa matunton ang kinaroroonan ni princess kristina at gusto kong ako mismo ang magbabalik sakanya rito!"



Gulat na gulat ang lahat ng naroon,mga singhap at bulungan agad ang nanaig sa kapaligiran ngunit higit na mas nangibabaw ang emosyon ng prinsipe ng estados unidos na si harvey,napatayo ito sa inuupuan




"Ang mahal na prinsesa kristina ay nawawala? Kaylan pa? Bakit ngayon mo lang sinabi? Paano ang nakatakdang pagi-isang dibdib namin?"




"Kumalma ka prince harvey,ginagawa ko ang lahat para mahanap ang suwail kong kapatid mula sa pagtakas,sa ngayon ay mukang natunugan nyang hinahanap ko sya kaya mas lalo nyang pinagtibay ang kakayahan nyang magtago para hindi ko sya makita,muka kasing may pumuprotekta sakanya at nagbibigay babala!"  Noon din ay sinulyapan ni kasper ng masamang tingin ang uwak na katabi,napayuko si raven dahil alam nya ang pinatutungkulan ng prinsipe




"Sana nga prince kasper,hangad kong makita sya kaagad.nag-aalala ako dahil mahal ko sya,isa pa'y isa syang nikarov--hindi basta bastang tao lamang kundi prinsesa ng britanya!"




"Wag kang mag-alala,gagamitin ko ang lahat ng impluwensya ko para mahanap ang kapatid ko at ibalik rito upang matuloy narin ang inyong pagpapakasal,sa ngayon ay wala pa sa sarili ang kapatid ko kaya nya nagagawa ang mga mapupusok na bagay,pero meron pa akong ibang gustong topic na buksan kaya ko kayo tinipong muli rito sa ating meeting room!"




Tinignan ni kasper ang kanyang butler at tumango,inilabas ni john ang remote ng projector kaya nagbukas ito at bumungad ang nakaw na larawan ng isang lalaki,lalaking may kayakap na babae   "Ito ang gusto kong pag-usapan nating lahat ngayon aking mga mamamayan,alam nyo naman sigurong unti-unti ng nauubos ang ilang bampira sa iba't-ibang dako ng mundo,kung patuloy tayong magsasawalang kibo at hindi natin aaksyunan ang seryosong problema ay maaari itong magdulot ng pagbagsak natin at pagtatapos ng angkan natin.kapag hindi tayo nagplano ng maigi ay baka tuluyan na tayong mabura sa existence ng mundo!"



"Ang dalawang taong inyong nakikita sa larawan ay si kihyomasa at ang nag-iisang prinsesa ng Werewolf tribe--si princess kaori na aking gustong pakasalan!"  Muling pinindot ni john ang remote kaya nalipat muli ang larawan,si kihyomasa parin at si kaori ngunit hindi na sila magkasama sa larawan



"Sya ba ang sikat na vampire assassin? Infairness muka syang masarap.mahal na prinsipe bakit hindi mo sya ipaubaya sakin? Matagal na akong hindi nakipagdate,masarap ang dugo nya panigurado maging ang katawan nya--




Codename: Kihyomasa[Vampire Hunter]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon