Yamazaki motel........
Ngiting-ngiti si kanna sa mga bisitang pumapasok sa nasabing panuluyan,nakasuot sya ng tradisyunal na kasuotang kimono na kulay pink at disenyong sakura.lalong nagningning ang kagandahan nito habang magiliw na sinasalubong ang mga magkasintahan at magpapamilyang balak manuluyan sa gabing iyon
Abala sya sa page-estima ng mga tao ng mamataan nyang papasok narin ang target sa gabing iyon,hinanda nya ang sarili at mas ginandahan ang ngiti ng makitang palapit na ito sakanya,isa iyong chinese na negosyante na may kasamang geisha.nagtatawanan ang mga ito at walang kaalam-alam sa kapaligiran,may silbi naman pala ang pagiging masayahin ni kanna sa mga tao dahil nagagamit nya iyon ngayon sa trabaho--gaya ngayon? Isa syang staff sa motel na ito,nangailangan kasi ng extrang tao ang may-ari dahil bakasyon,dadami ang mga turista at mangangalakal na maghahanap ng matutuluyan at sadyang kulang ang mga trabahador ng nasabing motel kaya kinuha na nila itong pagkakataon para mapatay ang negosyante na ngayon nga ay abot kamay na ng dalaga
Ng mapahinto ito sa entrance ay abot-tengang ngiti ang ginawad ni kanna sakanila,inilahad nya ang palad senyas na kinukuha nito ang kagamitan ng negosyante,nagsalita ito sa lenggwaheng hindi nya naintindihan ngunit sa pagkakatanda nya? Kung hindi nagkakamali ay sinabi nitong Xiexie.inakay na sila ni kanna paakyat sa magiging kwarto nila,habang paakyat sa hagdan ay naririnig ni kanna kung paanong malanding humagikhik ang geisha--maya-maya ay umuungol na ito ngunit hindi na sya nagtangkang lingunin ang mga ito,nauuna kasi syang maglakad dahil iyon ang bilin ng may-ari ng motel,sila dapat ang nangunguna sa paglalakad para magbigay daan sa kwarto ng mga bisita
Hindi na nakapaghintay na makarating sa kanilang kwarto? Sa pasilyo palang ay gumagawa na ng milagro ang mga ito
Palihim na inikot-ikot ni kanna ang eyeballs sa paligid,may iilang bintana sa pasilyo ngunit hindi sapat at kasya ang tao para makalabas-masok.iniisip nya tuloy kung saan sya dadaan mamaya paglabas? Oh ang master nya kapag kinailangan nya ng back-up? Ng mahinto sa nasabing kwarto ay sya narin ang naglusot ng susi sa seradura at nagbukas niyon,kahit napapangiwi sa bigat ng bagaheng bitbit ay hindi nagpahalata si kanna,tuloy ang trabaho.
"Pakilagay nalang dyan sa gilid ng kama ang bagahe,salamat sa serbisyo at makakaalis ka na!" Nagulat pa si kanna ng magsalita ang geisha,Anak ng kamote? Nakakapagsalita naman pala ito sa lenggwaheng naiintindihan nya? Gusto tuloy sipain ni kanna sa muka ang geisha,yung tipong babakat ang bakya nya sa maputing muka nito pero ayaw nyang masira ang plano.tiyak sermon ang aabutin nya sa master nya
Nilahad ni kanna ang palad sa intsik,alam nyang dapat gawin iyon ng bellboy dahil tip sa paghihirap na magbitbit ng gamit papuntang kwarto nila.nalaman lang ni kanna iyon sa naging kaibigan nyang dating staff ng motel,instant maraming pera dahil araw-araw ay galante at malaking magbigay ng tip ang mga nanunuluyan lalo na kung may kapangyarihan oh negosyo.Lumawak ang ngiti ng dalaga ng abutan sya nito ng dolyar na sampung piraso,hindi man alam ni kanna kung magkano ang halaga niyon sa pera dito ay natitiyak nyang may pera na sya,wala naman ito sa usapan nila ng master pero ginawa parin nya.nagbow ito saka na lumabas para bigyan ng privacy ang dalawa,ng masarado ang pintuan ay nangingising binilang nito ang perang bigay ng intsik
Matapos ay itinago nya iyon sa loob ng kimono kung saan may maliit na bulsa saka tumingin sa kaliwa't-kanan ng pasilyo.ng masigurong walang tao na gumagala sa pwesto nya ay sumipol na ito ng maraming beses,kumunot na ang noo ni kanna ng walang kihyomasa ang nagpapakita sakanya,asan kaya ang master nya? Akma na syang aalis ng muling bumukas ang pintuan sa likuran nya at may humila sakanya papasok sa loob ng kwarto.napasandal si kanna sa pintuan ng makita ang geisha at ang intsik na nakangisi sakanya,ang puputla ng balat,mahahaba ang pangil at nanlilisik ang mapupulang mata,hindi narin mukang normal na tao ang pisikal na itsura
BINABASA MO ANG
Codename: Kihyomasa[Vampire Hunter]
VampirosAfter the tragic escape from his parent's gruesome death,San hides from the forest far away from the city and trained himself to become the strongest and bravest vampire assassin to seek revenge from his parent's death. However to San--things turned...
![Codename: Kihyomasa[Vampire Hunter]](https://img.wattpad.com/cover/239301378-64-k422307.jpg)