Chapter#19

7 1 0
                                        

Nakita ni kihyomasa ang sarili sa ibabaw ng dagat,mapula ang kapaligiran magmula sa kalangitan at kahit ang bilog at malaking buwan sa itaas ay dumudugo pa.tinanaw pa ng lalaki ang paligid,umaasang may makikilalang kahit sino

"Kanna? Yahiko?"

"Kihyo!"

Nilingon nya ang boses na pamilyar,unang lumaki ang mga mata pero agad ngumiti saka tumakbo para mayakap ang taong matagal ng nawala "Ama!"

"Kamusta kana? Malaki ka na,isang lalaking matapang,may paninindigan at malayo sa batang iyakin,pasaway at makulit kong bunso!"

"Ama miss na miss ko na kayo--

"Anak?" Hindi pa man sya tapos sa pagsasalita ng may tumawag namang muli sakanya,ng muling tignan kung sino iyon ay nakita nyang nakatayo di-kayuan si mina.nakangiti at naka unat ang mga brasong naghihintay sakanya,

"Ina?" Hindi maiwasan ni kihyomasa ang maiyak dahil kahit ngayon lang ay nakapiling nya ang mahahalagang tao sa buhay nya,bata pa sya noong huli nyang nakita,nalapitan at nayakap ng ganito kahigpit ang mga magulang

"Ang laki mo na anak ko? Napakagwapo mo na,nakakahawig mo na si sato,mabuti nalang at hindi ka dumihin tignan hindi gaya nyang ama mo?"  Si sato kasi ay magandang lalaki talaga,yun nga lang ay palagi itong madumi dahil nasa palayan ito at hindi pwedeng umuwi ng walang putik sa paa,damit,mga kamay at muka.kung mag-aayos pa sana ng sapat ay mas lalong lilitaw ang kagwapuhan

"Ikaw talaga mahal,palagi mo nalang akong nakikita?" Dahil doon ay nagtawanan sila,iyon ang unang beses na ngumiti ng maganda si kihyomasa,huling pakakataon na sumaya sya ay noong nabubuhay pa ang mga ito--at bata pa sya

"San?" Natigil sila sa pagtatawanan ng muling makarinig ng boses,ng lumingon sya sa likuran ay nakita nya si shin.maayos ang itsura at nakangiti sakanya sa bata nitong anyo--ang anyo kung saan nya huling nakita ang kuya bago ito napatay ng bampira

Lumapit sakanya ang kuya saka sya niyakap,lumuhod sya para makapantay ang bata "Kamusta ka na? Ang laki mo na? Mas mukang ikaw tuloy ang kuya sa 'ting dalawa!"

"Kuya?--

"Alam mo? Paulit-ulit kong iniisip? Paano kaya kung ako yung nabuhay? Ako yung nakaligtas sating dalawa? Ako yung unang nakaalis at hindi kita inuna? Para kasing hindi patas,bakit kung sino pa yung nagliligtas sila pa ang nagsasakripisyo? Bakit ako pa yung namatay kung pwede namang ikaw nalang?"

Nawala ang ngiti sa labi ni kihyomasa,hindi maintindihan ang sinasabi ng kuya,hindi narin ito nakangiti at parang ibang tao na ang kaharap nya  "Bakit ganon? Hindi naman dapat nabuhay ang iyakin at duwag na gaya mo san! Ako ang panganay kaya ako ang syang dapat nakaligtas nung gabing 'yon? Ako ang dapat na nakakatamasa ng buhay na iyo,ako dapat ang may dalawang kaibigan,ako dapat ang nakakasama nila sa pagpuksa sa mga bampira? Ako ang dapat at syang nakatadhana sa babaeng lobo at hindi ikaw,nakukuha mo ba ang mga punto ko ha? Hindi ikaw ang dapat na nabuhay kundi ako,inagaw mo lang sakin ang lahat ng 'yan,hiram mo lang at dapat mong ibalik.ni wala ka ngang nagawa para iligtas kami!"

"Kuya--

Biglang nag-anyo si shin bilang isang nakakatakot,pangit at kasuklam-suklam na nilalang.Isang bampira na ang mga pakpak ay nakalantad sa harap ng binata

"Hindi ba't tanyag na vampire hunter ka na ngayon?"  Ani shin sa patung-patong na boses,ni hindi nga nya alam kung ito pa ba ang kuya nya--alam nyang hindi ito ang kuya nya,mabait iyon,hindi nanunumbat at higit sa lahat bukal sa pusong gumawa ng mga bagay na alam nyang makakabuti sa lahat kahit pa sariling buhay nito ang maging kapalit.alam na alam ni kihyomasa 'yon dahil noong nabubuhay pa ang kuya shin nya ay palagi silang magkasama,inidolo nya ang kuya,sya ang higit na nakakakilala sa kapatid at kahit pa sinong demonyong 'to ang lumason sa isip nya ay hindi nya maikakailang ginagawa nito ang lahat para kamuhian nya ang mga magulang na malabong mangyari--mas nananaig ang pagmamahal kaysa muhi

Codename: Kihyomasa[Vampire Hunter]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon