Nagdiretso sa kwarto nila ni yahiko si kihyomasa matapos makabalik sa hotel,ilang oras matapos magdalamhati ng dahil sa nangyari sa mag-inang pyakorn at songkrit ay hindi na ito nagsalita,mas balisa at parang inaantok ang itsura ng muka sa tindi ng pagod at kalungkutan.hindi rin ito kumain kaya sila nalang ni kanna ang nagpadeliver ng pagkain"Kihyo? Sigurado ka bang hindi ka kakain? Yung huling kain mo ay kanina pang umaga,baka kung mapano ka!" Sigaw ni yahiko sa saradong pintuan,alam nyang naroon ang hunter--kung hindi tulog ay malamang nagmumukmok lamang muka talagang labis itong nanghihinayang sa ginawa,ngayon lang ito pumatay ng batang bampira,bampira parin ngunit iba sa nakakalaban nila,mabait at masiyahin
Ng walang nakuhang tugon si yahiko ay laglag ang balikat nitong bumalik sa mesa para ipagpatuloy ang kain,si kanna naman ay hindi pa ginagalaw ang nasa plato at mukang hinihintay rin nito ang imbentor,panay lingon sa likuran ng lalaki at umaasang nakasunod sa likod nito ang master nya pero wala,mag-isang nagbalik si yahiko,malungkot pa ang hilatsa ng pagmumuka
"Ano? Kamusta?" Aburidong tanong ng dalaga,nagkibit balikat na lamang ang imbentor saka na sinimulang kainin ang pastang lumamig ng dahil sa kakahintay sa kaibigan
"Hayun,kagaya kanina.mukang wala na syang balak lumabas sa kwarto dahil hindi naman ako sinagot nung niyaya kong kumain,sya ang higit na naapektuhan at alam kong nalulungkot sya dahil maganda pa sana ang kinabukasan ng bata at ng ina nito kung hindi nya pinatay,kahit naman walang puso 'yang si kihyo pagdating sa mga bampira eh talagang magaan parin ang loob nya sa mababait na bata!"
Nalungkot ng husto si kanna,ayaw na ayaw nyang nakikitang malungkot ang master dahil damay sya,gusto nyang mapasaya ang lalaki pero pano? Anong pwede nyang gawin para kahit papano ay gumaan ang loob nito? masakit na makitang ang lalaking iniibig mo ay malungkot,
Tumayo si kanna at akmang aalis ng hablutin ni yahiko ang laylayan ng suit nya "At saan ka pupunta? Hindi ka pa tapos kumain? Gagaya karin sa master mo na walang kain-kain? Aba kung ganyan lang magpakamatay nalang kayo para mabilis? Hindi yung paunti-unti nyong pinapahirapan ang sarili nyo--
"Ang O,A mo? Magbabanyo lang ako.alam mong kahit malungkot ako ay hindi ako natanggi sa pagkain diba?!" Medyo napahiya ang imbentor kaya agad na binitawan ang damit ng dalaga at muling ipinagpatuloy ang pagkain ng pastang malamig
Ngunit 'yon talaga ang totoo,pinuntahan ni kanna ang master nya sa kwarto nito,kumatok muna sya ng mahihina "Master? Master kamusta ka na? Pwede ba akong pumasok?" Pinihit nya ang seradura ngunit naka-lock,nakatingkayad tuloy ang dalaga papunta sa cabinet,nadaanan pa nya ang imbentor na patuloy sa pagkain,mabuti na lamang at nakapwesto ito sa likuran ng pasilyo kaya hindi nito makikita ang pagdaan nya.abala ito sa pagkain ng pasta na walang lasa,eww! Talagang weird ang pagkain sa hotel na 'to
Ng makuha ang susi ay agad nyang pinasok sa keyhole,dahan-dahang binuksan at halos lumaki ang mga mata nya dahil sa sobrang dilim sa loob,kahit na pumapasok ang liwanag sa nakabukas na pintuan ay wala parin syang maaninaw na kahit ano,sinara nya ang pinto at in-adjust ang mga mata sa dilim,hindi nagtagal ay nakita na nya ang master nya---nakatalungko sa kama nito,ang likuran ay nakasandal sa dingding,hindi manlang nagpalit ng damit,nakita pa nyang hindi maayos ang pagkakalagay ng combat boots nito sa sahig,mabilis syang sumampa sa kama para tabihan ang lalaki,hindi nya narin nakuhang buksan ang lamphade dahil baka ayaw ng lalaking may ilaw sa buong kwarto
"Master,pasensya ka na kung pumasok na ako ah? Gusto ko kasing malaman ang lagay mo? Alam mong pasaway ako at hindi sumusunod kung minsan pero sa susunod nalang ako hihingi ng paumanhin,gusto lang sana kitang damayan sa ngayon!" Nilingon nya ang lalaki,nanatiling walang imik ngunit alam nyang gising ito at nakikinig sakanya.hinaplos nya ang buhok nito,medyo magulo pero malambot,gusto nya sanang tignan ang muka nito pero kung gagawin nya 'yon ay kaylangan pa nyang isuot ang ulo sa pagitan ng hita nito at medyo nakakailang na iyon
![](https://img.wattpad.com/cover/239301378-288-k422307.jpg)
BINABASA MO ANG
Codename: Kihyomasa[Vampire Hunter]
VampirgeschichtenAfter the tragic escape from his parent's gruesome death,San hides from the forest far away from the city and trained himself to become the strongest and bravest vampire assassin to seek revenge from his parent's death. However to San--things turned...