Chapter#37

9 1 0
                                        

Pawis na pawis si yahiko ng magising sa kanyang kama,matapos matauhan ay nilibot nya ng tingin ang kabuuan ng paligid,nakahinga sya ng maluwag ng malamang nakabalik na sila sa hotel.bigla namang bumukas ang pintuan at iniluwa noon si kanna na may dalang pagkain sa tray



"Oh? Mabuti naman at gising ka na Snow white? Kamusta ang pakiramdam mo?"  Inilapag nito ang pagkain sa bedside table at naupo sa paanan nito



"Mabuti na ako,grabe 'yon? Napanaginipan ko yung bampirang hinahabol ako at gusto akong kainin.letse talaga! Ay teka--asan si kihyo? May tama pa sa braso 'yon diba?"



Napasimangot si kanna  "Hayun,umalis muna sandali,may kikitain daw syang tao eh.hindi ko kilala kung sino at alam naman nating hindi sasabihin ni master kung sino,ayaw ko ngang paalisin dahil baka mapasama pero ayaw naman nyang papigil,haynaku! Hirap magpalaki ng master na matigas ang ulo"



Natawa naman si yahiko ng dahil sa sinabi ng dalaga,mahina nya itong sinipa  "Ngayon alam mo na ang nararamdaman ko kapag nagpapasaway kayong dalawa? Eh saan pa ba magmamana ang master mong 'yan? Parehas lang naman kayong matitigas ang mga ulo!"



Tawang-tawa ang imbentor habang patuloy lamang na inaasar ang babae,kaya sa sobrang inis ay pinasakan nya ng tinapay ang loob ng bibig ni yahiko.doon ay nagsimula itong mabilaukan  "Kanna....tubig--



"TSEEE!"  Anito saka na nag-walk out,iniwan ang nabibilaukang imbentor

*************************


Carlson Café

"Ano na naman ang kaylangan mo't pinatawag mo ako?" Ani kihyomasa,nakataas ang mga kilay nang dahil sa iritasyong nararamdaman sa kaharap



"Kamusta ka na ginoo? Hindi ba't napakalaki ng bawat bansang pinupuntahan nyo? Mukang tadhana ang gumagawa ng paraan para palaging magkrus ang mga landas natin?"



Sumandal ang hunter sa inuupuan,animo'y bagut na bagot na sa ganitong eksena  "Lumamig na lang 'yang kape mo hunter,bakit hindi mo pa ako saluhan? Kaya kita pinatawag kay arina dahil gusto munang kitang makausap ukol sa ilang bagay"



"Sa susunod na ipatawag mo ako,pwede bang ibang tao ang ipadala mo? Alam mong naaalibadbaran ako sa babaeng 'yon,masyadong mapusok!"



Hindi maiwasan ni amon ang mapangiti ng mapatitig sa muka ng kaharap,salubong ang kilay at halatadong hindi maganda ang mood  "Kihyomasa,gawin ko man 'yan ay ayaw parin papigil ni arina,muka kasing gustung-gusto ka nya? At sino ba ako para hadlangan syang makita ang lalaking tipo nya?"



"Pwes ako hindi,sa susunod na sya ang pinadala mo? Hinding-hindi ako makikipagkita sayo--



"Kamusta na ang dalagang lobo? Nakita mo na ba sya? Nalaman mo na ba kung sino ang dumakip sakanya?"



"Pinatay ko na ang mga tarantadong 'yon amon,kaya paunang babala na 'to sayo.wag mo nang subukang bihagin ang prinsesa ng mga lobo dahil may baril nang nakatutok sa ulo mo,at oras na sinawalang-bahala mo ang mga sinasabi ko? Alam mo na ang kahihinatnan mo!"



"Ano ka ba talaga ginoong kihyomasa?"  Sukat noon ay natigilan si kihyomasa,iyon pa lamang ang sinasabi ng negosyante pero parang may ideya na sya sa susunod nitong sasabihin   "Noong sinugod mo ako sa bar at pinagbintangang kinuha si binibining kaori ay para bang nagalit ka ng todo? Kitang-kita ko ang pag-iba ng lente ng mga mata mo sa isang iglap? Kulay dilaw,isa lang naman ang alam kong kinabibilangan ng may ganyang mga mata pero matagal na silang nabura sa mundo? Tanging si---



Codename: Kihyomasa[Vampire Hunter]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon