Saktong pumalaot sila sa pangpang ng koh chang noi ay doon nagising si kihyomasa mula sa mahimbing nitong pagkakatulog,hinintay sya ng dalawang kasama para naman makapaglibot na sila sa buong probinsya sa thailand at ituloy ang dahilan ng kanilang pagpunta dito--pagpatay sa mga bampira
"Magandang hapon sleeping beauty,tayo na't para makahanap tayo ng hotel na matutuluyan mamayang gabi!" Pang-aasar ni yahiko,binuklat ang hawak na libro saka muling nilibot ang paningin sa kagandahan ng beach na nilapagan nila "Ang koh chang noi ay mas kilala rin sa tawag na elephant Island of thailand.Oy kihyo? May bar dito na sikat,yung white elephant bar,don nalang tayo pumunta mamaya!"
"Bakit ang dami mo na naman yatang nalalaman sa bansang 'to yahiko?" Ipinakita ng binatang imbentor sa dalaga ang makapal na librong kanina pa hawak
"Ito ang sagot,World almanac,maraming nakasulat dito at talaga namang madalas ko 'tong basahin noong nag-aaral pa ako.kaya mas maigi kung imbis na intindihin mo ang pag-iisip kung pano mo mapapasagot si kihyo--basahin mo nalang ito para naman atleast magkalaman 'yang kokote mo at hindi puro pag-ibig ang inaatupag mo--Aray!"
"Kung hindi ka rin titigil sa kakaasar mo sakin? Talaga namang makakatikim ka na ng flying kick gusto mo?" Tuloy na naman sa pag-aasaran ang dalawa,hindi nalang sila inintindi ni kihyomasa saka na naunang bumaba sa barko.hawak ang isang kahita na pinuno nya ng yosi,maayos na nakalagay sa silver box nito.naubos ang gas ng lighter nya kaya kaylangan nyang bumili ulit
"Oh pano shinzo? Tutuloy na kami? Mag-iingat ka rito at matapos ang isa oh dalawang araw eh babalik kami kaagad"
"Oho ginoong yahiko,kayo rin ingat sa pagpatay sa mga peste? Nawa'y ligtas kayong tatlo parati!"
Pagtapak palang sa kalupaan ng thailand ay agad na ipinikit ni kihyomasa ang mga mata,nakiramdam sa paligid at inalam kung may bampirang pakalat-kalat sa kung saan,pero wala syang kakaibang naramdaman kaya napayapa ang kanyang kalooban.naisipan muna ng tatlo na humanap ng malapit na hotel para hindi na nila poproblemahin ang panuluyan sa gabi,matapos makapagbayad para sa dalawang kwarto ay tumuloy na muna sila para maipahinga ang katawan galing sa ilang oras na paglalayag sa katubigan.gaya ng dati--si kanna ay hiwalay sakanila kaya silang dalawa na naman ni yahiko ang magkasama sa iisang kwarto.minsan ay gusto nalang nyang magsarili rin ng kwarto para malayo sa pang-iinis ng imbentor pero ayaw naman nyang gagastos pa para sa panibagong kwarto,hindi naman sila nagtatagal sa isang lugar kaya hindi nila kaylangang gumastos ng malaki sa puro kwarto lamang
"Kapag gumawa ako ng panibagong gamit at gamot pwede kang maglakad-lakad muna sa labas,alam kong ayaw mo ng maingay!" Ani yahiko habang inilalabas sa bag ang samu't-saring vials,wires,sirang mga telepono,radars at welding devices.walang salitang lumabas si kihyomasa sa kwarto,kanina kasi nung kinakausap nya ang receptionist sa hotel ay nakakita sya ng 'No smoking signs' kaya maganda rin ngang manigarilyo sa labas,bukod don mapayapa sya at makakapag-isip isip ng mag-isa habang nililibot ang kagandahan at kasimplehan ng lugar ng koh chang noi,parang pilipinas--laganap ang kainan sa paligid,parang mga pinoy ang muka,yun nga lang hindi nya maiwasang matawa sa isipan kapag nadadaanan nya ang mga nag-uusap na tao,paano'y nakakatawa talaga ang lengguwahe nila,
Nahinto sya sa paglalakad para sindihan sana ang sigarilyong nasa bibig ng makarinig ng sitsit,nilingon ang sa tingin nyang tumatawag at don ay nakakita sya ng dalawang bakla--na malagkit sya kung titigan,may hawak na lighter ang isa kaya wala syang nagawa kundi ang lapitan ang mga ito,hindi pa nga kasi sya nakakabili ng lighter kaya hindi nya masindihan ang yosi.nagpasalamat sya sa mga ito at akmang aalis ng hawakan sya ng isa sa braso.hindi kagandahan ang mga baklang 'yon sa halip,mas malalaki pa nga ang katawan kesa sakanya,nagsalita ang isa gamit ang thai language na hindi nya naintindihan
BINABASA MO ANG
Codename: Kihyomasa[Vampire Hunter]
VampirosAfter the tragic escape from his parent's gruesome death,San hides from the forest far away from the city and trained himself to become the strongest and bravest vampire assassin to seek revenge from his parent's death. However to San--things turned...
![Codename: Kihyomasa[Vampire Hunter]](https://img.wattpad.com/cover/239301378-64-k422307.jpg)