Chapter#28

5 1 0
                                        

"Princess Kaori,gising na?"


Napabalikwas ng bangon si kaori matapos maramdaman ang isang kamay na humaplos sa kanyang muka,kasabay non ay may hanging dumaan sa tenga nya na syang bumulong sakanya.una nyang nakita ay ang magandang kwartong kanyang kinalalagyan at kamang napakalambot kung saan sya nakahiga,sunod nyang pinagmasdan ang isang gwapong lalaki na nakatayo sa harap nya,nakangiti at mapula ang mga mata,agad syang napaatras palayo sa lalaki ng malamang bampira ang kanyang kasama,iba't-ibang tanong na agad ang pumasok sa isip nya.asan ba sya? Sino ang lalaking 'to? Nasan sila hibiki? Si hibiki..........



Agad syang bumangon sa kama at walang sabing sinampal ng malakas ang lalaki,nagngingitngit sya sa galit dahil naalala nya kung paanong sugurin at pagtulungan ng walang kalaban-laban si hibiki,bukod don ay dinukot sya ng mga bampira at wala syang kaide-ideya sa gagawin nila sakanya




"Nasan ako? Sino ka? Nasan ang mga kasamahan ko?"




Humagikhik ang lalaki habang sapo ang pisnging namula dulot ng pagsampal ng dalaga sakanya  "Isa-isa lang ang tanong mahal na prinsesa,kaarawan ko na bukas at bukas rin ng gabi ay may hinanda akong party para sa lahat ng kakilala--




"Wala akong pakialam,sagutin mo ang tanong ko sayo?"





"Okay!" Anito saka umupo sa kama paharap sakanya  "Ako si Stephen,wag kang mag-alala dahil walang mananakit sayo at papatay dahil mahalagang panauhin kita para sa kaarawan ko bukas,nandito ka sa hotel na pag-aari ko at hindi ka naman umalis ng France,nandito ka parin yun nga lang? Nasa strasbourg tayo.at yung tungkol naman sa mga kasama mong lobo sa village nyo? Malamang patay na silang lahat ngayon--




Sinuntok ni kaori sa muka ang lalaki sa tindi ng galit,ayaw nyang binibiro sya ng ganon dahil kahit gaano pa sya kabait at kahinhin,kapag mga mahal na nya ang pinag-uusapan ay wala syang sinasanto,lumalabas ang tapang na natural sa Sanza.hindi lumaban ang lalaki sa halip--ngumiti pa ito sakanya at hinawakan ang malambot nyang buhok




"Itim na itim ang iyong buhok,pero ayoko sa kulay na 'yan.kaya kaylangan kong pakulayan ng pula para mas maganda kang tignan,atsaka sisiguraduhin kong ikaw ang lilitaw sa lahat ng bisita kong babae.bukod sa nag-iisa kang lobo sa masquerade party? Namumukod tangi ang iyong ganda at halimuyak--




"Magtigil ka! Wag na wag mong gagalawin ang buhok ko oh kahit gahibla nito kundi mamamatay ka?!"





"Tsk! Akala ko'y mahinhin ka? Yun pala'y may taglay ka ring katapangan at katabilan? Pero dibale? Hindi naman nabawasan ang pagkakagusto ko sayo,alam mo bang pagkatapos ng party ko ay ibabyahe ka na ng mga tauhan ko papuntang britanya? Iaalay na kita kay prinsipe kasper para kalugdan nya ako at bigyan pa ng kayamanan at karangalan.bukod don ay maaari akong manirahan sa palasyo ng nikarov bilang tanyag na bampi--




"Hindi na matutupad ang mga pangarap mo dahil hindi na ako magtatagal dito!"  Matigas na ani kaori saka na naglakad papuntang pintuan para sana umalis,ngunit mabilis na napunta si stephen sa kanyang harapan dahil sa paglipad nito,mas lalong pumula ang lente ng mga mata at ang pangil ay litaw na




Itinaas ng lalaki ang syringe na nakaamba sa leeg ni kaori  "Ikinalulungot ko prinsesa,ngunit hindi ka na makakaalis dito at hindi mo na matatakasan ang kapalaran mo,at dahil hawak kita? Ako ang may kontrol sayo at sa kahihinatnan mo!"  Matapos non ay mabilis na nitong itinarak ang syringe kay kaori,biglaang naging dilaw ang mga mata ng dalaga at para bang kinapos ng hininga




Napangiti si stephen ng biglang bumagsak sa sahig ang walang malay na si kaori,muli na nitong itinago ang syringe sa loob ng suit at lumuhod para haplusing muli ang muka ng dalaga  "Pasensya ka na mahal kong prinsesa,magpahinga ka muna para fresh ka sa party bukas ng gabi.alam kong masyadong matapang ang drugs na itinurok ko sayo ngunit wag kang mag-alala? Hindi mo naman ikamamatay 'yan,mawawala ka nga lang sa sarili mo pero hindi naman kita pababayaan!"





Codename: Kihyomasa[Vampire Hunter]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon