Chapter#38

8 1 0
                                    


Matapos ang ilang araw na pananatili sa London ay nagsimulang muli sila sa paglalakbay papuntang Germany,doon ay may tinatawag na Europa towns na kung saan merong kakaibang nangyayari sa mga naroon.natural lamang na alamin at tuklasin nila iyon dahil malaki ang hinala nilang may kinalaman na naman iyon sa mga bampira.habang sakay ng kabayo ay binulatlat ni yahiko ang hawak na mapa,tinuro nito ang lokasyong babagtasin


"Ito ang bansang germany,narito naman sa bandang ito ang Europa towns,ayon naman dito sa binabasa kong world edition book ay nasa mapa nga ang maliit na bayang 'yon at may humigit kumulang na daan lamang ang porsyento ng populasyon,napakaliit ngunit masagana at mayamang bayan!"



Doon pa lamang ay napaisip na si kihyomasa,talagang masama ang kutob sa kanilang natuklasan,wala syang gaanong alam ukol sa bayang 'yon pero nasisiguro nyang malaki na naman ang papel na ginagampanan ng mga peste sa pag-unlad ng maliit na bayan,kakaunti ang bakas sa mapa bukod pa ron? Walang mayor oh kahit na anong namumuno



"Master,ayos ka lang? Anong iniisip mo?"  Napasulyap sya sa disipulo ng nakakunot ang noo,akmang bubuka ang bibig at sasagot ng unahan ito ni yahiko



"Maraming tumatakbo sa isip nyang master mo kanna,at sinisiguro ko sayong masasaktan ka lang dahil ni isa sa sa mga iniisip nya ay hindi ka kasama,nyahahaha--ARAYY!!"



Abala sa pag-aasaran at pagsasakitan ang dalawa ng agawin ni kihyomasa ang mapa kay yahiko at suriin din ang kabuuan ng Germany,maganda ang bansang iyon,ngunit alam nyang may iba pa bukod doon,isang pangit at nakakasuklam na katotohanan sa likod ng Europa towns--walang ganoong bayan at kung meron man? Bampira ang pangunahing pasimuno sa kung ano mang meron sa pangalang iyon


"Bilisan na natin dahil aabutin ng ilang araw bago marating ang Germany!"  Wala nang inaksaya ang tatlo,pinatakbo ng mabilis ang kanilang mga kabayo upang mas makarating ng mabilis sa bayan,kung ano man ang datnan nilang kalagayan ng maliit na bayang 'yon ay yun ang aalamin nila.kung may bampira mang pasimuno oh mamemerwisyo ay agad nyang tatapusin

********************************



Nikarov Palace:  [ Great Britain ]

"I-report mo sakin ang kasalukuyang nangyayari oh mga transaksyon ng asosasyon john!"


Matapos kumain ay nagpunta ang dalawa sa tanggapan ni prinsipe kasper,si john ang nagbukas at sara ng pintuan para sa prinsipe gaya ng palagi nitong ginagawa.naupo ito sa kanyang swivel chair--naghanda sa ipapahayag ng personal na butler,napatingin muna ang butler sa naglalakihang portraits ng pamilya nikarov sa dingding ng opisina ng kamahalan,magmula sa baby pictures nila ni prinsesa kristina hanggang sa kasama nila ang parents nila,ngunit ang pinakamalaki ay ang baby picture ni kasper kasama ang kanilang amang hari at inang reyna

Hindi maikakailang napakagaganda ng lahi ng Nikarov,wala atang pangit sakanila oh mahirap,isa sila sa pinaka-makapangyarihang pamilya sa historya ng vampires sa bawat henerasyon,hindi nagpapahuli,hindi nagpapapigil at hindi rin humihina sa halip--...

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

Hindi maikakailang napakagaganda ng lahi ng Nikarov,wala atang pangit sakanila oh mahirap,isa sila sa pinaka-makapangyarihang pamilya sa historya ng vampires sa bawat henerasyon,hindi nagpapahuli,hindi nagpapapigil at hindi rin humihina sa halip--mas lalo pang lumalakas sa pagdaan ng mga taon,isa na yata ang pamumuno ni kasper sa masasabing pinakamabagsik ngunit maunlad sa mga nakaraang namuno na kanila ring kamag-anak.sobra ang pagrespeto sa kanilang ninuno na si Count Dracula tinitingala ang taglay na lakas at kapangyarihan


Codename: Kihyomasa[Vampire Hunter]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon