Chapter#44

8 0 0
                                        

"MASTER? BUHAY KA BA? KUNG NARIRINIG MO AKO PLEASE SUMAGOT KA NAMAN?"


Patuloy lamang si kanna sa paghahanap sa gumuhong establisyemento at hindi inda kung may mangyari mang masama sakanya,talagang todo ang pag-aalala nya sa binata at umaasang makikita nya ito sa mga patung-patong na naglalakihang bato


"MASTER? PAKIUSAP MAGPAKITA KA,BIGYAN MO KAMI NG SIGN NA BUHAY KA!"


Natigil ang dalaga sa pagsigaw ng makarinig ng kung ano,agad syang tumingala at nakita ang nagbabadyang pagguho ng natitirang mataas na pader sa kanyang harapan ngunit bago pa sya makapag-react ay babagsak na iyon sakanya "KANNA TABE!" sigaw ni yahiko ngunit mabilis ang mga pangyayari,tuluy-tuloy na bumagsak ang mga debris na natirang nakatayo lamang kanina.si yahiko at susana ay nanlaki ang mga mata sa pagkagulat "KANNA!"


Hingal na hingal si amon,bitbit ang nawalan ng malay na si kanna na nakasampa pa sa balikat nito,ang mga mata ay mapupula,tumakbo naman kaagad ang dalawa at laking pasasalamat dahil ligtas ang kasamahan,ngunit agad na napansin iyon ni susana kaya mabilis nitong nilabas ang patalim at itinutok sa negosyante


"ISA KANG BAMPIRA?"


"Susana kumalma ka!"


"Hindi ako kakalma ginoong yahiko,regular costumer namin sya sa bar at akala ko mabait sya? Pero tignan mo nga ang mga mata nya? Bampira lang ang may ganyang pares ng mga mata at hindi ako tanga"


Akmang susugod si susana ng may humampas sa batok nito ng pagkalakas-lakas dahilan upang mawalan ito ng malay,ngunit bago pa bumagsak sa sahig ay agad itong naagapan at nasalo ng taong syang nagpatulog dito.si yahiko ay mas lalong lumaki ang mga mata at ang labi ay kumorte na sa isang magandang ngiti "Kihyo! Buhay ka!"


"Pano ka pang nabuhay hunter? Wala ng kahit na sinong ordinaryong tao ang mabubuhay sa pagguho non,oh 'di naman kaya isa kang---


"Hindi ka pa abswelto sakin amon,pinagtangkaan mo ang buhay ko? Yon ba ang paraan mo para gantihan ako? Pwes isip bata ka kung iniisip mo yon,napakapangit ng stratehiya mo.siguro kung iniisip mong mapapatay ako ng ganon kadali lang nagkakamali ka,may sikreto kasi ako kaya ganon,meron akong siyam na buhay!"



"Aysos! Mukang ayos ka na nga? Nakukuha mo ng magbiro eh!" Pasaring ni yahiko



"Bakit ba ayaw mong maging tauhan ko ha hunter? Hindi ka ba talaga masisilaw ng salapi ko huh? Ayaw mo bang matamasa ang ginhawa? Ayaw mo bang bigyan ng magandang kinabukasan at buhay si kaori?"


Lumapit sakanya si kihyomasa kaya naging alerto ang negosyante dahil baka atakihin sya nito,ngunit hindi iyon ang nangyari,mahinahon nitong kinuha si kanna sakanya para bitbitin,tuloy ay nasa magkabilang balikat ng hunter ang dalawang babae.sumeryoso ang muka habang nakatitig sakanya "Hindi ko kaylangan ng pera mo amon,ayokong magtrabaho sa mga gaya mong hindi maganda ang hangarin,isa pa? Kayang-kaya kong paligayahin si kaori sa piling ko ng hindi gagamit ng maduming pera mo.salamat nalang sa concern,dibale? Hindi kita papatayin kahit pinagtangkaan mo ang buhay ko,hihintayin kong mamatay ka sa natural na paraan!" Anito saka nilingon si yahiko


"Bumalik na tayo? Baka hinihintay na tayo ni aling chin? Tiyak nag-aalala na 'yon satin,lalung-lalo na dito sa pamangkin nya"



Habang naglalakad palayo ay pinagmasdan na lamang ni amon ang dalawa,muli syang tumingin kay kanna na walang malay,nakasampay sa kanang balikat ng hunter.siguro'y pagbibigyan nya muna ang mga ito,pagkatapos ay babalik sya upang mas makumbinse ang lalaki sa kanyang gusto Hindi parin sya susuko,sya si amon mouri? Walang gustong hindi nakukuha

Codename: Kihyomasa[Vampire Hunter]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon