Chapter#43

5 0 0
                                        

"Kaori? Naririnig mo ba ako? Kaori?"

Iminulat ng dalaga ng dahan-dahan ang mga mata ng makarinig nang komosyon,napapamilyaran nya ang boses na iyon dahil palagi nya itong kasama.noon nga'y blurred ang kanyang paningin sa unang dilat ng mata pero kalaunay nasanay na sya sa liwanag--at ang mukha kaagad ni tsuchiya ang unang bumungad



"Hayy salamat naman at gising ka na,nag-alala ako sayo,kamusta na ang pakiramdam mo? May gusto ka bang kainin? Nahihilo ka parin ba? Kung may kakaiba kang nararamdaman sabihin mo lang samin?"



Hawak ang ulo ay naupo sya sa kamang hinigaan,inalalayan sya ng kaibigan upang mas makaupo sya ng ayos,bakas parin ang pamumutla ni kaori na patunay sa ininda nitong sakit kani-kanina lamang habang paakyat sa kabundukan pauwi    "Ano ba ang nangyari tsuchi?"



Malalim itong bumuntonghininga saka inayos ang magulong buhok ng dalaga  "Nong paakyat kami dito para sana dalawin ka dahil bibigyan kita ng isang basket na apricot eh nakita ka namin sa ibabang bahagi,halatang gumulong-gulong ka paibaba dahil pulos damo ang 'yong kasuotan at nagkalat sa kung saan ang mga apricot na dala mo,mabuti nalang talaga at kasama ko itong kaibigan ni ama na manggagamot din,sya ang bumuhat sayo pabalik dito at sinuri ka nya.ang magandang balita naman ay maayos na ang baby mo at walang nangyaring masama sakanya,pero grabe ang pag-aalala ko dahil ang putla-putla mo!"


"Ay syangapala--bago ang lahat,ipinapakilala ko ang kasamahan ni ama,si Doctor hayase.Doc ito pala si kaori Hina,kaibigan ko!"  Nilingon ni kaori ang lalaki sa likuran ni tsuchiya,matangkad,maputi at masasabing binata pa ito,ngumiti sakanya ang binata na agad nyang sinuklian ng kaway at pagngiti


"Salamat doktor ha? Nagpapasalamat ako at nakita nyo ako,kung hindi baka napahamak na ako nang tuluyan,sakin ay ayos lang na mapahamak pero ang anak ko ang mahalaga.hindi ko makakaya kung may mangyaring masama sa anak ko!"



"Ano ba kasing nangyari sayo? Natatandaan mo pa ba? Siguro'y dapat ka ng mag-ingat dahil maselan ang pagbubuntis mo,baka sa susunod iba na ang mangyari eh?"



Hinaplos ni kaori ang tyan at pilit inalala ang mga nangyari  "Pauwi na sana ako galing sa pagbili ng apricot,pero bigla nalang sumakit ang tyan ko,hindi ko maipaliwanag ang sakit at parang nagwawala ang anak ko sa loob ng tyan ko.matapos non ay hindi ko na kinaya at wala na akong natandaan pagkatapos non"



Niyakap ni tsuchiya ang dalaga dala ng sobrang pag-aalala  "Hayaan mo kao,mas dadalasan ko pa ang pagpunta dito para mabantayan kita,sa kalagayan mo ay hindi ka pwedeng mapagod ng sobra dahil sa pagdadalang tao mo,baka mastress ka din eh"



"Salamat tsuchi ha? Hindi ko alam ang mangyayari sakin kung wala ka?"



"Syempre naman,what's friends are for diba? Habang wala pa si ginoong kihyomasa ay ako muna ang mag-aalaga sayo.syempre ninang nya ako kaya gusto ko din alagaan si baby!"  Napangiti si kaori habang pinagmamasdan ang nakangiting kaibigan,talagang lubos ang pagpapasalamat nya at dumating sa buhay nya si tsuchiya,isa itong anghel sa lupa dahil sa angking kabaitan at maalaga,kung gaano ito kaganda ay ganon din maging ang ugali nito



Doon lang nya naalala ang kasama ng kaibigan,nilingon nya ito nang nakangiti  "Ahm doktor,gusto mo ba ng kape? Oh tsaa? Ipaghahanda kita?"



"Salamat nalang pero ayos lang ako binibining kaori,mas magandang wag ka munang masyadong maggagalaw at magpahinga ka dahil kaylangan mo 'yon.sumama ako rito para ma-monitor kita dahil narin sa request ni tsuchiya,ang gaya mong nagdadalang tao ay kaylangan ng regular check-up,masaya ako't nagkita tayo sa ikalawang pagkakataon"


Codename: Kihyomasa[Vampire Hunter]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon