"Pano anthon? Aalis na muna kami nitong si ginoong kihyo ha? Ikaw na munang bahala dito sa bahay"
"Osige,mag-ingat kayo?"
Umalis na si kihyomasa at misay para magpunta sa pamilihang bayan,gaya ng pakiusap ng hunter ay isinama sya ng babae para may tagabitbit ito ng ipamimili at para narin mahanap ang mga kasamahang nawalay dito.malayo ang itinatakbo ng isipan ni kihyomasa--dalawang bagay,ang susunod na hakbang oras na makita nya sila yahiko't-kanna at ang pagpaplano kung paano mapapadali ang pag-ubos sa mga bampira
"Kamusta na ang pakiramdam mo ginoo?" Nawala sya sa malalim na pag-iisip ng biglaang umimik si ginang misay,binabagtas na nila ang pilapil para mas mapadali ang pagdating sa bayan
Iniangat nya ang suot na salakot para matignan ang kasama "Medyo maayos na ho ginang misay,maraming salamat sainyo dahil gumagaling na ako.hindi na ho talaga ako magtataka kung bakit kilala kayo at sikat sa maliit na bayang 'to,kasi naman bukod sa magaling kayo ay mabuti pa"
Natawa ang babae dahil sa papuri nito sakanya "Alam mo bang natuto lang ako sa tatay ko noon? Madalas nong bata pa ako imbis na makipaglaro sa mga kapwa bata ay mas gusto ko pang panoorin ang itay sa pang-mamasahe at panggagamot.sabi nga nila ay may natural na taglay si itay na manggamot at mukang 'yon ang isa sa mga nakuha kong talento sakanya!"
"Mabuti ho't mas pinagbubuti nyo ang talentong bigay sainyo? Meron kasing mga iba dyan na kahit anong gawin ay hindi nila basta-basta makukuha ang nais nila ng walang mahirap na kahahantungan!"
"Ganon talaga ginoo,teka maiba ako--kamusta na 'yang kanang mata mo? Mukang hindi mo na dinaramdam ang pagkabulag mo? Nakakangiti ka na kasi ulit eh?"
Hinaplos nya ang eyepatch "Kahit magmukmok ako ay wala naring maitutulong 'yon,kesa mas lalo kong palubugin ang sarili sa matinding kalungkutan? Gagawin ko parin ang dapat na gawin,hindi naman umiikot don ang mundo kaya kaylangan kong magpatuloy.may mga kasamahan akong umaasa sakin at ayoko silang manghina nang dahil lang sa dinanas ko"
Tumangu-tango ang ginang misay bilang pagsang-ayon "Tama ka,pero paano nalang kung magkita kayo ni kaori?paano mo sya haharapin?"
Napasapo si kihyomasa sa noo,isa pa ito sa iniisip nya.si kaori? Ano nalang ang mangyayari kapag nagkita sila ng babae? Ang nararamdaman ng dalaga ang higit na nagpapabagabag sakanya,kung sila kanna pa nga lang ay baka maghisteria na ay paano pa kaya si kaori?
"Haha! Mukang problemado ka ginoong kihyomasa? Alam mo? Kahit titigan pa lamang kita ay alam na alam kong mahal na mahal mo ang kaori na 'yon? Kita kasi sa mga mata mo at sa reaksyon kapag nababanggit sya,pero ipagdarasal kong sana ay maging maayos ang lahat sainyo!"
"Maraming salamat ho ginang misay,marami na akong nakilalang tao at masasabi kong isa kayo ni mang anthon sa mga taong nagpapalakas ng loob ko.sa trabaho ko ay laganap ang masasamang nilalang pero hindi ko kinakalimutang mas lamang parin ang mabubuti gaya nyo dito sa mundo"
Masaya lamang ang naging pag-uusap ng dalawa na hindi nila namalayang nasa bukana na sila ng pamilihan.si misay ang nauuna sa paglalakad samantalang nasa likuran si kihyomasa,taga-alalay at nagmamasid dahil narin nakaramdam sya ng bampira sa paligid,sa maliit na syudad na ito ay wala parin palang ligtas dahil may bampira rin? Hindi nya dinala ang ruger dahil pamimili lang ang nasa isip nya,pero kahit ganon ay may pisikal naman syang lakas kaya kahit wala ang naglalakihan nyang mga baril ay kaya nyang labanan ang mga peste,at ipagtanggol si misay sa panganib
"Ginoo tignan mo 'to? Sa tingin mo masarap ang isdang 'to?"
"Oho aling misay,pero sa tingin ko mas maganda kung paparisan nyo nito!" Kinuha ni kihyomasa ang napakaraming bawang at paprika,napatango ang ginang at binili ang sinuhetyon ng hunter
![](https://img.wattpad.com/cover/239301378-288-k422307.jpg)
BINABASA MO ANG
Codename: Kihyomasa[Vampire Hunter]
VampirosAfter the tragic escape from his parent's gruesome death,San hides from the forest far away from the city and trained himself to become the strongest and bravest vampire assassin to seek revenge from his parent's death. However to San--things turned...