Chapter#39

8 0 0
                                        


Matapos ang kahindik-hindik na sinapit ng pulis sa bampira ay agad na itong tinakpan ni kihyomasa ng kumot saka binuhat papuntang likod-bahay upang doon ilibing.gamit ang pala ay hinukay nito ang lupa at ng masigurong sapat na ang lalim para sa tao ay inilagay na nya ang bangkay ng lalaki maging ang tsapa at baril nito,tinabunang muli ng lupa.inalayan nya narin ng maikling dasal ang kaluluwa nito


Ng matapos ay puro lupa ang kamay,sapatos maging ang ilang parte ng muka ng hunter,mag-uumaga narin ng kanilang mapagtanto   "Tara na sa loob master? Magluluto ako ng kakainin natin,nakita kong may kakaunting stocks ng pagkain ang lalaki dito sa kubo nya!"



Habang naglalakad papasok ay pinagpagan nito ang damit dahil nakapitan ng ligaw na damo,natawa pa ng bahagya si kanna dahil parang sundalo ang itsura ng master nya,animo'y sasabak sa gyera dahil sa kakaunting lupa na dumikit sa muka nito  "Panyo? May mga dumi ka kasi sa muka eh!"


Agad tinanggap ng binata ang panyo  "Salamat,bilisan na natin at baka nagising na si yahiko.kung nakita man nya ang nangyari sa pulis ay kaylangan nyang magkwento"


Pagpasok pa lang nila sa loob ay hindi nila nakita ang imbentor sa papag na syang hinigaan nito,agad na nagpanic ang dalawa at sinimulang halughugin ang kabuuan ng kubong iyon,papasok na sana si kanna ng banyo nang mabangga sya sa kung ano--napaupo sya sa sahig sapo ang noong natamaan  "Kanna? Ano bang nangyayari sayo't nagmamadali ka?"


Nag-angat ng muka ang dalaga at nakahinga ng maluwag ng makitang si yahiko iyon,basa ang muka at may hawak na towel,hinawakan sya nito sa braso saka inalalayan patayo   "Hanap kami ng hanap sayo,akala namin nawala ka narin at nakuha ng bampira?"



Nagsalubong ang kilay nito at para bang nakarinig ng weirdong bagay  "Anong pinagsasabi mo? At saan naman ako pupunta kung sakaling mawala ako aber? Nagmumog at hilamos lang ako ng muka ko!"



Saktong napalingon ang dalawa at nakitang naglalakad si kihyomasa papunta sakanila  "Mabuti naman at nandito ka? Akala ko kung nasaan ka?"


"Kayo talagang mag-master paranoid ano? Tsk ewan ko sainyo? Sa sobrang pagkakape nyo 'yan kaya nawawala na kayo sa mga sarili nyo,kanna tara na't maghanda ka na ng almusal,nagugutom na ako!"



Ng makaalis si yahiko ay animo'y bulkan si kanna na sumabog,tatakbo na sana para dagukan ang imbentor ng mabilis pa itong mapigilan ni kihyomasa gamit ang pagpunta sa likod ng babae at pagpulupot ng mga braso nya sa braso ng dalaga.kumahog itong kumawala sa kapit nya  "YAHIKOOOOOOOOO!!! BIBIGYAN KITA NG FLYING KICK ORAS NA MAABUTAN KITAAAA!!"

*************************




Habang kumakain ay binuksan ni kihyomasa ang diskusyong kagabi pa nya gustong pag-usapan  "Hindi ba't ikaw ang nakasama ng pulis dito nong lumabas kami ni kanna? Anong nangyari at nang maabutan namin kayo ay wala kang malay?"



"Ang huli ko lang natatandaan ay pinagmasdan ko yung nilabasan nyo,tapos non nung akma akong magtatanong sa lalaki ay hindi ko na nagawa,naramdaman ko nalang na may humampas sa batok ko pagkatapos ay nahilo ako,yun nga siguro ang dahilan kung bakit ako nawalan ng malay.pero sa pagkakaalala ko? May narinig akong parang kinikiskis na daga at hayun,teka--asan nga pala yung pulis? Bakit hindi natin sya kasabay kumain?"



"Patay na sya!"



Napanganga si yahiko ng lingunin ang dalaga,malungkot ang muka ngunit sunud-sunod parin sa pagsubo ng tinapay kaya hindi pa nakumbinsi ang lalaki,ngunit ng si kihyomasa naman ang tignan ay umiling ito sakanya,ang muka ay seryoso senyas na nagsasabi ng totoo ang babae.lalo lang tuloy syang nagulat at naguluhan



Codename: Kihyomasa[Vampire Hunter]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon