KINABUKASAN.............
Napabalikwas ng bangon si yahiko dahil sa pagtawag ng kalikasan,pupungas-pungas itong bumangon sa hinihigaan,ng nasa tapat na ito ng banyo ay akma nyang bubuksan ang pintuan ng makarinig ng malalakas na kalabog sa labas,nagising ang diwa nito at una agad pumasok sa isip na baka may magnanakaw na nakapasok sa buong panuluyan? Agad nyang kinuha sa bag ang blowpipe saka dahan-dahang binuksan ang pintuan,sumilip sa pasilyo,madilim,tahimik.naalala nyang silang tatlo lamang ang guests sa inn na iyon kaya naisip ni yahiko na baka kung ano lang ang nag-ingay kanina,inisip nalang din nyang baka may nalaglag lang na gamit oh naghahanda na ang may-ari para sa panibagong araw
Muli syang bumalik sa kanilang kwarto,ngunit hindi pa man sya nakakahakbang para makapasok sa kwarto ay naroon na naman ang ingay? Inisip ni yahiko na baka hindi na basta may nalaglag lang na gamit sa kung saan? Paano kung may nangyayari na sa paligid? Dumukwang sya para makita si kihyomasa,ang sumbrero nito ay nakatakip sa mata nito,ginawang kumot ang mahabang coat at nakaunan ang dalawang braso sa ulo,mas pinili kasi nitong matulog sa couch kesa sa maliit na kama sa sahig,bahagya pang humihilik--ayaw nyang gisingin dahil anong oras na ba ito nakatulog kagabi? Namamahay yata kaya alas-tres na ng umaga nakatulog
Marahang isinara ni yahiko ang pintuan para hindi maistorbo ang kakatulog lang na kaibigan,mag-isa na syang lumakad para mag-usisa.balak nyang puntahan narin si kanna sa kwarto nito dahil baka gising na ang dalaga,habang naglalakad sa nakakatakot na pasilyo ay mas malinaw na naririnig ng imbentor kung saan nanggagaling ang kalabog--sa kwarto mismo ni kanna?
"Kanna? Gising ka na ba?" Aniya sa mahinang boses na sinamahan ng pagkatok,hindi manlang sumagot ang babae kaya akala nya'y tulog parin ito pero nakarinig na naman sya ng kalabog sa loob.nagduda tuloy ang lalaki Ano kayang trip na naman ng isip batang 'yon?
Dahan-dahan nyang binuksan ang pintuan at halos mapaatras sya sa gulat ng makita ang isang bampira,nakadagan pa mismo sa tulog na si kanna,sobrang sarap ata ng tulog kaya walang kamalay-malay na balak na syang kainin ng bampira? Nakalabas ang mahabang dila at kitang-kita ang naglalakihang pangil,pula ang nanlilisik na mata at may malaking pakpak na animo'y sa paniki,dinidilaan nito ang leeg ni kanna ngunit napansin na yata nito ang presensya nya kaya tumingin ito sakanya,ngumisi atsaka biglang nagbalik sa anyong tao,napanganga si yahiko ng mapagsino ang bampira,kahit madilim sa kwarto ng dalaga dahil ang mga kurtina ay nakatakip sa bintana ay alam na alam nya kung sino iyon
"Lola?" Sya ang may-ari ng panuluyang ito,kung ganon ay isa rin pala itong bampira?
"Noong una ko pa lang kayong nakita kagabi,alam ko ng hindi kayo ordinaryo at bastang turista lamang na napadpad dito at nangangailangan ng matutuluyan? Ano nga ba ang tawag sainyo? Vampire slayers? Alam nyo bang marami na ang bampira sa iba't-ibang dako ng mundo ang nagsasabing may tatlong manlalakbay nga raw ang nagpupunta sa ibang bansa para pumatay ng mga kalahi namin? Nalaman ng matataas na uri ng bampira at ng maharlika ang tungkol sainyo,lalo na ang nagngangalang kihyomasa,sya ba 'yong makisig na lalaking isa nyo pang kasama? Hindi hahayaan ng mga vampires na may royal blood na hadlangan nyo sila sa pamumuno at paghahari sa buong mundo.at ang sikat na vampire hunter? Binabalak na syang patayin ng prinsesa't-prinsipe,ang asosasyon ng mga bampira at iba pang komunidad ay hindi kayo hahayaang mabuhay, at alam mo bang may malaking halagang kapalit oras na may isa samin ang makapatay sa vampire hunter na 'yon?"
"Lola? Bakit nyo 'to ginagawa?"
"Ang bawat balakid samin oh haharang sa tinatapakan ng mga maharlika ay dapat parusahan--lalo na si kihyomasa.lapastangan sya kung inaakala nyang magtataumpay syang mapatay ang matataas na uri ng bampira? Hindi nya alam kung gaano kalakas ang mga nilalang na gusto nyang banggain? Akala ba nya'y basta nalang kaming maglalaho ng ganon kadali? Napakarami namin at hindi nyo basta-basta mauubos ang lahi ng bampira,kagaya ng mga talunang werewolf? Wala silang kwenta,masyado silang mahihina,kahit alam naman kung sino ang mananalo ay ipinagpatuloy parin nila ang paglusob samin,ngayon? Halos ubos na ang lahi nila at ang mga bampira?mas lalo pang dadami sa makabagong henerasyon!"
BINABASA MO ANG
Codename: Kihyomasa[Vampire Hunter]
Про вампировAfter the tragic escape from his parent's gruesome death,San hides from the forest far away from the city and trained himself to become the strongest and bravest vampire assassin to seek revenge from his parent's death. However to San--things turned...
![Codename: Kihyomasa[Vampire Hunter]](https://img.wattpad.com/cover/239301378-64-k422307.jpg)