Stewart's Palace: United States of America
Paroo't-parito ang mga katulong sa napakalaking palasyo ng dahil sa isang selebrasyon,ngayong araw kasi ang engagement party ng dalawang maharlikang bampira sa kasaysayan na sila Prince Harvey at Princess kristina.iba't-ibang putahe at inumin ang inihanda para sa okasyon,ang mga kurtina sa bintana maging ang mga tableclothes ay pinalitan ng kulay ginto.ang mga bulaklak sa paso ay pinalitan ng lavender dahil ayon kay prinsipe kasper ay ito ang paboritong bulaklak ng kanyang kapatid na prinsesa
Kumatok ang isang butler sa pintuan ng kwarto ng kanyang young master,ng makakuha ito ng tugon na pwede itong pumasok ay tumuloy na ito sa loob.dahan-dahan at maingat na inilapag ng butler sa napakalaking kama ang isang black suit na maayos na nakaplantsa at napakabango,nakabalot din ito sa malinis na transparent cover.matapos ay lumapit sya sa prinsipe saka tumabi dito
"Ano sa tingin mo kurt? Maayos na ba ang itsura ko?" Tanong nito habang pamaya't-mayang sinusuklayan ang buhok sa harapan ng life sized mirror at animo hindi mapakali sa ayos niyon
Tinignan ng butler ang kanyang young master sa repleksyon nito sa salamin at ngumiti "Kahit bagong gising ay gwapo kayo young master,hindi nyo na po kaylangang magtodo-pustura!"
Nakangising nilingon ng lalaki ang kanyang butler "Alam kong gwapo ako kurt pero mamayang gabi ay haharap ako kay prinsesa kristina,hindi sapat na gwapo lang ako? Matagal kong pinaghandaan ang gabing magaganap at gusto kong kapag nakita nya ako ay mapapapayag agad sya sa aming nakatakdang pag-iisang dibdib!"
Bumuntong hininga ang butler,masyadong inlove ang young master nya sa prinsesa ng britanya.sabagay? Kapag nagsama sila at nagkaroon ng mga anak ay mas mapapagtibay pa nito ang samahan at pagkakaisa ng dalawang pamilya,ang Nikarov at Stewart.nakita na ito ni kurt noong isang beses na dumalo sila sa piging na naganap sa mansyon ng mga nikarov,isa sila sa mga pangunahing bisita at nung unang lumabas ang makapatid na nikarov sa kurtina ay nakita nya kung paanong matulala at magningning ang mga mata nito senyas na nabighani ang young master nya sa prinsesa
Napatingin si prinsipe harvey sa kanyang butler ng tapikin sya nito ng mahina sa balikat habang nakangiti "Sinisiguro ko young master? Talagang mabibighani rin sainyo ang prinsesa at kapag nakita nya kayong napakagwapo mamayang gabi? Tiyak na masusuklian din nya ang nararamdaman ninyo para sakanya!"
"Sana nga!" Nangangarap na sagot ng prinsipe habang nakatulala sa sariling repleksyon sa salamin "Sana nga!"
********************
6:00 pm
Sa karuwahe pa lamang ay panay na ang satsat ni prinsipe kasper,mukang inaasahan na nito ang maaaring mangyari sa gabing iyon.napakagwapo nito sa suot at talagang nahahalata na galing ito sa maharlikang angkan,animo'y hindi pupwedeng mahuli ang itsura nito sa iba pang maharlikang dadalo sa nasabing okasyon.silang dalawa ng kapatid ay talaga namang dala-dala ang pagiging nikarov sa kahit saang lugar na puntahan.natural dahil ginagalang ang pamilya nila at makasaysayan ang ninuno nilang si count dracula
"Sigurado akong pinaghandaan ng mga stewart ang pagdalo natin,ano pang aasahan ko? Eh tayo ay nagmula sa angkan ng nikarov? Ang bawat mahaharlikang pamilya ng mga bampira sa iba't-ibang dako ng mundo ay pinamumunuan natin? Kaya hindi ko masisisi ang mga stewart kung naisin din nilang maging kaanib natin!"
Nakatitig lang sakanya si prinsesa kristina oh mas magandang sabihing si raven? Hindi sya masyadong gumagawa ng galaw oh salitang hindi magugustuhan ng kaharap,dahil alam nyang matalino ang prinsipe.hindi ito madaling utuin at kapag hindi nag-ingat si raven malamang na mahahalata kaagad ng prinsipe na nagbabalatkayo lamang sya,nangako sya sa master nyang si prinsesa kristina na gagawin nya ang lahat para dito,napatingin si raven sa bintana ng karuwahe at tinanaw ang nadadaanang pine trees na naglalakihan,tanaw na tanaw ang kagubatan sa magkabilang side ng kalsadang tinatahak pati na ang maliwanag ngunit bilog na buwan sa kalangitan Naisip nyang saan na kaya nakarating si prinsesa? Nakamtam na kaya nito ang kaligayahan oh inuumpisahan na ba nito ang mga bagay na gustong gawin? Masaya na kaya ito? Kung totoo nga ay mabuti iyon at hindi mauuwi sa wala ang paghihirap nyang makatakas at ang ginagawa nyang pagpapanggap mapagtakpan lang ito
BINABASA MO ANG
Codename: Kihyomasa[Vampire Hunter]
VampirosAfter the tragic escape from his parent's gruesome death,San hides from the forest far away from the city and trained himself to become the strongest and bravest vampire assassin to seek revenge from his parent's death. However to San--things turned...
![Codename: Kihyomasa[Vampire Hunter]](https://img.wattpad.com/cover/239301378-64-k422307.jpg)