Chapter#20

8 2 0
                                        


Walang magawa ang apat kaya naisipan nilang uminom ng gabing iyon,inutusan kasi ni yahiko si shinzo na huwag munang magmaneho at magsaya lang sila kaya naman nakahinto ang bangka nila sa gitna ng dagat.may mani at mga kendi sa bowl habang may tatlong bote ng alak na ngayon ay paubos na,si kanna at yahiko ay hindi umiinom,si kanna kasi ang na-assign na tanggera kaya dinadaya nya ang nasa baso,kapag sya na ang iniinom ay pasimple nyang itatapon sa tubig ang alak,ganon din si yahiko kaya naman ay si kihyomasa at shinzo ang talagang may tama na ng espirito ng alak



Natatawa ang dalaga dahil nauutakan nya ang mga ito,puro kain lang sya sa pulutan at matamang nakikinig sa pagkukwento ni shinzo



"Nagkakilala kami ng misis ko don sa pamilihang bayan sa nagasaki,naku! Halos hindi na inalis ang tingin sakin,siguro nagwapuhan sakin? Hehe!" Ani shinzo,pikit na ang mga mata dala ng kalasingan pero heto't maboka parin,hindi gaya ni kihyomasa na tahimik lang na nakikinig habang tumatagay,ang paningin ay nasa sahig at seryoso lang din



"Shinzo,ano bang sinabi sayo ni becky nung una ka nyang nakita?" Si yahiko,natatawa narin sa drayber,iba nga naman kasi ang nagagawa ng alak sa buhay na nilalang--nawawala sa sarili at nagagawa ang mga gusto ng hindi mahihiya oh maiisip ang idudulot sakanila




Tumingala ang drayber,nakanguso at yakap ang sarili na para bang nai-imagine nitong nasa harap nya mismo ang asawa  "Hay! Sinabi nyang ang gwapo ko raw at muka akong matapang na lalaki!"



Nahampas ni kanna ang sariling hita sa kakatawa,paano kasi ay parang hinahalikan na ni shinzo ang hangin.wala na talaga sa sarili,



"Kanina pa ako kuwento ng kuwento eh? Bakit hindi naman natin tanungin kayong mga kabataan? Sino ba ang mga mahal nyo?ako lang sher ng sher ng storya ko eh napapagod na ako!"  Anito sa nabubuhol ng dila



Napatingin si kanna sa master nya,nakangiti,si yahiko naman ay pigil na pigil ang sariling mapabunghalit ng tawa dahil sa itsura ng dalaga,halata kasi ditong malakas talaga ang tama sa kaibigan nya,nung si kihyomasa naman ang tinignan nya ay ganon parin--nanatiling sa sahig nakatingin,walang karea-reaksyon ang muka



"Ikaw ginoong yahiko?may naging lab na ba kayo?" Tinignan ito ng imbentor,natatawa,ipinakita nya ang hawak na device na ginawa kung saan nade-detect nito kung may low pressure area ba oh iinit ang klima,




"Ito.ito ang una at huling mamahalin ko,ang mga imbensyon ko,hindi naman ako yung lalaking nagpapatali sa pag-ibig eh,wala akong hilig sa mga ganyang bagay"



"Ikaw binibining kanna? May nagustuhan ka na ba? Sa ganda mong 'yan siguradong marami kang manliligaw?"  Animo'y kinilig si kanna sa papuring natanggap





"Wala pa mang shinzo,at kung may mga manliligaw naman sakin ay wala silang pag-asa kasi may iba na akong nagugustuhan!"  Noon din ay sinulyapan na naman nya ang master



"Eh ikaw ginoong kihyomasa? May mahal na ba kayo?" Lahat tuloy ay napatingin sa hunter,si yahiko ay pumalakpak



"Yan ang hinihintay ko haha! Oy kihyo ikaw na sumagot!"  Nabalik tuloy si kihyomasa sa realidad,kanina pa kasi nya iniisip ang gagawin kung sakaling makarating na sila sa britanya,sa ilang oras na tahimik ito ay marami ng senaryo sa isip nya ang nangyari--maaaring may isa sakanila ang mawala,pero ayaw nyang isipin na mangyayari 'yon.gusto nyang pagkatapos ng misyong 'to ay babalik sila ng tatlo pa sa hokkaido,buo at kumpleto




"Ha? May sinasabi ba kayo?" Pagtatanong nya kay shinzo,kumamot muna ang drayber sa noo bago sumagot,napapalatak



"Ang sabi ko may mahal ka na ba? Magkwento ka naman ginoo,ikaw ang pinaka-misteryoso sa inyong tatlo eh!"




Codename: Kihyomasa[Vampire Hunter]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon