Maaga pa lang ay naghanda na si kihyomasa at kanna para sa pagpunta sa bayan upang dalawin si yahiko,balak ng binata na isama ang imbentor sa kanilang paglalakbay dahil kakailanganin nya ang mga imbensyon nito pati na ang napakaraming ammos na dadalhin para sa kanyang baril,isinusuot na nito ang sumbrero ng makita sa likuran nya sa salamin na nakatayo si tandang kosuke at nakatitig sakanya
"May sasabihin ba kayo?"
Bumuntong hininga ito ng malalim saka ngumiti ng pilit,kilalang-kilala ni kihyomasa ang matanda dahil bata pa lamang sya ay ito na ang nakasama nya sa buhay,sakanya sya lumaki at ito ang dahilan kung bakit sya naging isang tanyag na vampire hunter--si tandang kosuke ang naging guro nya at lolo hindi lamang sa pakikipaglaban kundi pati sa aral ng buhay.kung ano sya ngayon ay dahil 'yon sa matanda kaya lubos syang nagpapasalamat dito
"Mukang aabutin ng isang taon bago ka makabalik dito? Iba't-ibang bansa ang lalakbayin nyo ni kanna at tiyak marami kayong iba't-ibang klase ng bampirang makakasalubong oh makakasagupa sa daan,nag-aalala ako sayo at aaminin kong masasabik ako sayo kihyomasa,ilang taon akong magiging mag-isa rito habang naglalakbay ka!"
Lumapit ang binata saka niyakap ang matanda,tinapik-tapik ang likuran nito "Tandang kosuke? Wag kang mag-alala,kapag naubos namin ang bampira babalik agad ako dito,kaya alagaan mo muna ang sarili mo hanggang makabalik ako? Gusto kong kapag natapos na ang misyon ko aabutan pa kita dito,malakas,masaya at sasalubungin ako ng yakap ng nagmamahal na lolo sa kanyang apo!"
Tumugon ang matanda sa yakap,ngayon pa lang ay aaminin na nyang mami-miss nya ang matanda at ito ang unang beses na malalayo sya rito,matagal syang makakabalik sa matanda? Walang kasiguraduhan ang misyon nyang ito,malay nya'y baka sa ibang bansa oh ibang lugar na sya bawian mismo ng buhay? Kung hindi marahil sa isang karamdaman ay malamang na isang malakas na uri ng bampira ang kanyang makalaban? Gaya nga ng nalaman ni kihyomasa,ang malalakas na bampira ay nasa amerika at britanya.hindi sa lahat ng oras ay malakas sya dahil alam nyang darating ang panahon na makakaharap nya mismo ang magiging katapat nya oh higit pa ang pisikal na lakas? Baka nga mapatay pa sya sa misyong ito ngunit hindi na sya aatras,ito ang gusto nya bata pa lamang at kung mamamatay man sya atleast ay masaya syang mamatay na nakikipaglaban upang masugpo ang mga bampira--kilala sya sa bawat bansa bilang tanyag na vampira hunter at masaya nyang dadalhin sa kabilang buhay ang kanyang parangal,ipagmamalaki nya iyon sa inay,itay at sa kapatid nyang si shin oras na makaharap nya ang mga ito
Ng maghiwalay sila sa yakapan ay nakita nya kung gaano namasa ang mga mata ng matanda,animo'y kaunting galaw pa ay babagsak na ng tuluyan ang luhang pinipigilan,nadudurog ang puso ng binata dahil sa totoo lang ay hindi sya sanay na hindi kasama ang matanda,hindi kumpleto ang pagsisimula nya ng araw ng hindi sesermunan nito.ito ang naghahanda ng gamot at syang nagpapagaling sa mga sugat na natatamo nya sa pakikipaglaban sa mga bampira,na minsan ay magsasagutan sila nito dahil lamang sa kakarampot na bagay,minsan kasi ay burara si kihyomasa sa mga gamit kaya madalas syang bulyawan ng tandang kosuke,animo'y sumbrero nga nito ay minsan ng nawala dahil hindi nito natandaan kung saan huling nilapag,minsan naman ay isang pares ng bota nito ang hindi makita.naalala nya noong nakipaglaban sya sa isang bampira--wala syang suot na bota sa kanang paa dahil nga naiwala nya.hayun at pag-uwi ay puro kalyo ang paa nya at puro dahon at damo
Napangiti si kihyomasa ng maalalang nagsigawan sila ng tanda dahil pinagbintangan nya ito na ginalaw ang ruger nya,noong lumaban sya sa bampira ay isang revolver lang ang dala nya dahil nga akala nya'y pinakialaman ng matanda ang isang baril ngunit ng tignan nya ang ilalim ng papag na hinihigaan ay naroon lang pala ang isang pares ng baril,nasa sulok.humingi rin sya ng paumanhin at dahil hindi sya matiis nito ay pinatawad naman sya kaagad
BINABASA MO ANG
Codename: Kihyomasa[Vampire Hunter]
VampireAfter the tragic escape from his parent's gruesome death,San hides from the forest far away from the city and trained himself to become the strongest and bravest vampire assassin to seek revenge from his parent's death. However to San--things turned...
![Codename: Kihyomasa[Vampire Hunter]](https://img.wattpad.com/cover/239301378-64-k422307.jpg)