"Ito ang barkong pag-aari ng ama ko,binili pa nya ito sa isang mangangalakal sa timog.ang sabi ay mga pirata ang naunang nag-may ari nito pero inabandona kaya ng ipagbili sa ama ko? Inayos nya ito!"
Tumingala si kihyomasa para matitigan ang kabuuan ng barkong nasa kanilang harapan,may kalakihan nga iyon at medyo luma na ang telang nakabandera ngunit may disenyo iyon ng bungong may espada--simbolo ng sa pirata,naglakad pa sya para suriin ang kabuuan nito habang panay ang pagpapaliwanag sakanya ni yahiko tungkol sa historya ng barko,ito ang kanilang sasakyan para makarating sa iba't-ibang panig ng mundo at makapaglakbay.malaking tulong ang koneksyon ni yahiko dahil lahat ng kakaylanganin ng isang manlalakbay para sa kanilang pag-alis ay meron itong lahat,malakas lamang mang-asar at medyo may tililing kung minsan ngunit talagang maaasahan ito
Hinaplos nya ang makapal na kahoy na nagsisilbing haligi ng barko saka ngumisi "Mukang matibay ang barkong 'to?"
"Oo naman!" Muling sagot ni yahiko,inayos ang nag-iisang lente ng reading glass na animo'y mas lalo itong nagmukang imbentor "Subok na ang barkong 'yan kihyomasa,ilang bagyo,alon at sakuna na ang pinagdaanan nyan pero kita mo naman? Matayog at buhay na buhay parin.kaya nga ito ang napili kong gamitin nating transportasyon para marating natin ang ibang bansa!"
"Ginoong yahiko nailagay ko na hong lahat ang mga gamit nyo sa loob ng barko!" Pagpapaalam ng katiwala ni yahiko,tinapik nito ang balikat ng lalaki saka ihinarap kay kihyomasa
"Sya si Shinzo,ang syang magpapaandar ng barko natin,assisstant sya ng ama ko pero hiniram ko muna sya kasi wala akong alam sa pagmamaniobra ng barko hehe,si ama lang ang madalas maglayag sa dagat at katubigan kaya sya ang mas maalam pagdating sa mga ganitong pandagat na sasakyan!"
"Ayos lang 'yon,basta ang mahalaga makakarating tayo sa ibang lugar!" Tugon ng binata saka sinulyapan si kanna na nakaupo sa patung-patong na cargo boxes,nakasimangot na animo'y batang inagawan ng kendi,nilapitan nya ito saka tinapik sa binti
"Tara na?"
"Hmp!" Tugon ng dalaga saka pinaling sa ibang direksyon ang muka,iwas sa master nya kaya natawa na naman si kihyomasa,bumuntong hininga muna ito saka inilagay ang magkabilang kamay sa bulsa ng mahabang coat
"Ano na naman ang problema? Bakit ganyan na naman ang hilatsa ng muka mo?" Hindi manlang sya sinlyapan ni kanna ng tingin kaya sa halip--sya na ang gumawa ng paraan para matitigan sya nito,hinuli ng hinuli ang muka ni kanna at ng hindi nagpapatalo ay hinawakan nya ang dalaga sa magkabilang pisngi
"Hindi ka ba masaya na maglalakbay tayo?" May kalambingan ngunit pabirong tanong ni kihyomasa sa nagtatampong babae,tuloy ay ang laki-laki ng mata ni kanna dahil sa lapit ng muka nito sa muka nya,ang puso ay naghuhurumentado sa bilis ng tibok
"A-ano--syempre masaya ako!"
"Oh eh bakit hindi naman halata sa muka mo? Para kang batang inagawan ng laruan?"
"Eh kasi--!" Umayos ng upo si kanna saka tinignan ng seryoso sa mata ang lalaki "Master tapatin mo nga ako? Ano bang nararamdaman mo kay binibining kaori?"
Sukat noon ay nawala ang ngiti sa muka ng binata,dahan-dahan ring inalis ang mga palad sa pisngi ni kanna saka sya tinalikuran "Bakit mo naman naitanong?"
Patalon syang bumaba sa cargo boxes na inupuan at sya naman ang humuli sa muka ng master nya,halos malaglag ang mga balikat ng makita nyang tinanaw ng binata ang mga kabundukang tanaw parin sa pwesto nila.parang bakas talaga sa mata ng lalaki na nalulungkot ito at nangungulila,pagdaka'y kumurap kurap saka sya sinalubong ng tingin diretso sa mata
BINABASA MO ANG
Codename: Kihyomasa[Vampire Hunter]
VampireAfter the tragic escape from his parent's gruesome death,San hides from the forest far away from the city and trained himself to become the strongest and bravest vampire assassin to seek revenge from his parent's death. However to San--things turned...
![Codename: Kihyomasa[Vampire Hunter]](https://img.wattpad.com/cover/239301378-64-k422307.jpg)