Ng makabalik ang tatlo sa barko ay agad naligo si kihyomasa dahil kahapon pa ito hindi nakapaglinis ng katawan dulot ng ginawang pagpatay sa mayor,bukod pa roon ay piniit sila sa kulungan ng magdamag,pakiramdam nya'y nanlalagkit na sya sa pawis dahil may kainitan ang klima sa thailand.sila kanna at yahiko naman ay inubos na ata ang isang cargo box na stock ng pagkain dahil wala ring maayos na kain ang dalawa,paano nga naman ay talagang hindi nila gusto ang ilan sa pagkain sa bansang 'yon,"Grabe? Mga bakla,beaches at tourist spots lang ata ang maganda sa thailand eh? Bukod don wala na silang iba pang ipagmamalaki!" Ani yahiko matapos inumin ang isang tumbler na puno ng tubig,aliw na aliw lang silang pinagmamasdan ni shinzo dahil hindi muna ito nagpapaandar ng barko,sa gitna na naman sila ng karagatan mananatili sa magdamag bago ang ilang araw na byahe papunta sa amerika--kung nasaan ang mas maraming bilang ng bampira
"Alam mo? Isa 'yan sa mga sinabi mong sinasang-ayunan ko,pero hindi ba't iba iba naman ang panlasa ng bawat tao depende sa bansang kinabibilangan nila? Kaya naman kung hindi ganon kasarap ang pagkain para satin? Sakanila ay sobrang masarap na yun,saka nakita mo ba yahiko? Bukod sayo ay talagang maraming bakla ang naghahabol ng tingin kay master?"
"Eh alam mo naman ang charisma nyang master mo? Lahat ng gender hindi nakakaligtas sakanya,kaso nga lang mas sikat ang kagwapuhan nya sa mga bakla wahahahah!"
"Tch! Hindi ko naman masisisi ang mga baklang 'yon,kasi talagang gwapo at malakas ang dating ni master,yun bang kapag nakita mo sya ay para syang misteryoso ang datingan.tapos caring sya at sweet--
"Anong sweet ka dyan?" Protesta ng imbentor,puno na naman ng rice balls ang bibig "Ang sabihin mo grumpy kamo.daig pa babaing may dalaw oh matandang pa-menopause na,kaya nga lahat ng bampira hindi makaporma sakanya kasi mas mataray pa 'yang master mo sa mga babae!"
"Ikaw!!" Umamba na ng suntok ang dalaga kay yahiko,bigla lang natigil ng dumating si kihyomasa,umaalingasaw ang bagong ligong lalaki na naupo sa tabi ng imbentor,kumuha ng isang slice ng tinapay saka tinanaw ang payapang dagat "Master gusto mo ng kape? Masarap ang tinapay kapag pinarisan mo non?"
"Sige salamat!" Non din ay nilingon ng lalaki ang katabi,makikita lang nyang seryoso ang imbentor kung hindi sa paggawa ng mga imbensyon ay sa pagkain,pero para sakanya ay si yahiko ang isa sa pinaka-dabest na kaibigan sa lahat kahit pa malakas ang saltik nito kung minsan at madalas syang pagtripan,ayaw man nyang aminin sa sarili ay isa si yahiko sa pinapahalagahan nyang kaibigan.magaling itong mag-advice at palaging nandyan para sakanya,suportado sya sa lahat ng oras,nagbibigay ito kung anong kayang ibigay at kapag nawawalan na sya ng lakas ng loob ay patatawanin sya nito,silang dalawa ni kanna ang tunay nyang kaibigan kahit pa si kihyomasa ang tipo ng taong hindi alam ang tunay na ibig sabihin non
Ang dalawang ito ang nagbibigay saya sa kanilang paglalakbay
"Yahiko?"
"Bakit?"
"Masarap ba?" Aniya,ng mag-angat ng tingin sakanya si yahiko ay kataka-takang nakangiti ng maganda ang lalaki,agaran tuloy nilunok ng imbentor ang kinakain saka kinapa ang noo at leeg ni kihyomasa "Anong ginagawa mo?"
"Edi chinecheck ko kung may sakit ka? Ang ganda kasi ng ngiti mo eh? Oy kihyo, hindi naman siguro ikaw yung tipo ng taong nagpapahiwatig diba? Matagal ka pa namang mabubuhay diba?"
Nawala na ang ngiti sa labi ni kihyomasa,napalitan ng pagsalubong ng kilay "Anong pinagsasabi mo? Hindi pa ako mamamatay yahiko,uunahin ko munang patayin ang mga maharlikang bampira pagkatapos non pwede na akong sumunod,masama na bang ngumiti?"
BINABASA MO ANG
Codename: Kihyomasa[Vampire Hunter]
VampirAfter the tragic escape from his parent's gruesome death,San hides from the forest far away from the city and trained himself to become the strongest and bravest vampire assassin to seek revenge from his parent's death. However to San--things turned...