Chapter#5

19 3 0
                                        

Lakad takbo ang ginagawa ni kihyomasa matakasan lang ang makulit na babaeng kanina pa sumusunod sakanya,ilang beses na nyang nilinaw rito na hindi nya kilala ang taong hinahanap nito pero para itong walang naririnig.patuloy parin sya nitong hinahabol at kinukulit--ang masama pa inabot na sila ng hapon sa paghahabulan,panay pa ang pagdaldal ng babae na animo'y matagal na silang magkakilala



Talagang makakaagaw na sila ng atensyon ng mga bampira sa paligid dahil sa ingay ng babaeng ito,grabe na ang perwisyong dinulot nito sakanya at sa akala ba nyang kukunin nya ito bilang disipulo? Ha! Ano sya? Tanga na kukuha ng batong ipupukpok sa sariling ulo? Hindi pa nga nya ito nakakasama ng matagal ay sakit na ito sa ulo nya? Paano pa kaya kung disipulo na nya ito?





Napatingala si kihyomasa ng makakita ng nakasampay na baging at nakapulupot sa sanga ng punong balete,muli nyang nilingon ang babaeng panay parin ang pagsasalita habang tinatanaw ang kapaligiran nila.agad nyang hinawakan ang baging at buong lakas na naglambaras pataas para hindi sya makita ng makulit na babae.tagumpay syang nakatayo sa mayabong na sanga at pinanood ang babaing natigilan sa paglalakad at takang nagpasulyap-sulyap sa paligid





"Ginoo? Ginoo asan ka? Ginoo anong lugar ito? Kung hindi mo ako tutulungang mahanap si ginoong kihyomasa sana manlang ihatid mo ako sa isang bahay panuluyan.maggagabi na at dapat may matuluyan ako sa gabing 'to? Naglilipana ang mga bampira sa paligid at ayoko pang mamatay! Ginoo pakiusap magpakita ka na oh!"





Napakadaldal talaga ng bunganga ng babaeng ito! Hindi alam ni kihyomasa kung paano pero natagpuan nya ang sariling nakangiti habang nakayuko para matignan ang babaeng hinahanap parin sya,gusto nya munang pagtripan ito pagkatapos tuluyan na nyang iiwan ito.ang babaeng ito ay walang kinalaman sa trabaho nya at lalung-lalong walang kinalaman sakanya





Nawala ang ngiti sa labi ni kihyomasa ng makaramdam ng panganib,kunot noo nyang tiningala ang kalangitan na kahit natatakpan ng mga sanga at dahon ng puno ay kitang-kita ang kagandahan ng bilog na buwan,muli nyang tinignan ang babaeng takot na takot,kahit naman bastos at walang modo ang lalaki ay ayaw nyang may inosenteng madadamay,ramdam na nyang papalapit na ang panganib sa pwesto nila kaya kaylangan nyang umisip ng paraan para hindi masaktan ang makulit na batang babae




Tinalon ni kihyomasa ang kinalalagyang sanga para makababa,saktong pagtapak ng bota nya sa lupa ay akma na syang lilingunin ni kanna kaya agad na syang kumilos,buong lakas nyang tinapik ang batok nito dahilan para maputol na ang sasabihin nito at biglang pumikit at mawalan ng malay.maagap na nasalo nya ang walang malay na babae sa tangkang pagbagsak nito sa lupa na ngayon ay nasa bisig na nya.dahan-dahan nyang ibinaba si kanna sa lupa at isinandal sa puno.matapos ay agad syang napadapa ng may lumipad na isang star shuriken





Tinignan nya ito,mabuti at malakas ang pakiramdam at reflexes nya kung hindi ay baka sapul na sya sa ulo.nilingon nya ang pinagmulan ng shuriken na iyon at nakita ang isang babaeng nakatayo sa isa pang sanga ng puno,tumalon ito pababa at naglakad palapit sakanya,ang babaing kaharap nya ay nakasuot ng bota na aabot na sa tuhod nito na may takong,sa gilid ng bota nito ay maraming shuriken na nakasabit,long sleeve na itim na turtle neck ang pang-itaas,ang hapit nitong itim na jeans ay mas lalong nagpa-emphasized sa sexy nitong binti,may tali sa bandang bewang kaya kitang-kita kung gaano kaliit ang bewang nito,naka-ponytail ang mahabang buhok ngunit may nakalaylay na iilang piraso sa bandang noo at magkabilang gilid ng tenga,ang hikaw nito na bagaman ay maliit--kumikinang naman ito sa liwanag ng buwan,




Sa isang iglap,ang dilaw nitong mga mata ay napalitan ng kulay itim,paano nga ba ilalarawan ang babae sa harap nya? Napakaganda ngunit parang kakain ng tao.diretso nitong tinungo ang shuriken at walang kahirap-hirap iyong binunot sa pagkakabaon sa puno,ibinalik sa lalagyan sa bota atsaka hinarap si kihyomasa na abala sa pagpagpag sa suot na nalagyan ng mga tuyong dahon




Codename: Kihyomasa[Vampire Hunter]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon