Chapter#3(Princess Kristina and Prince Kasper)

18 3 0
                                        

Nikarov Palace [Great Britain]

Halos mapuno na ng pagkain ang napakahabang lamesa sa palasyo,natural lamang naman iyon at hindi na bago roon dahil sa t'wing ang dalawa ang kakain ay parang palaging may kasiyahan,isa silang maharlika kaya ang pagkilos,pananamit,galaw at antas sa buhay ay hindi mo dapat ihelera sa mabababang uri.Sila ang Nikarov,salita at utos nila ay makapangyarihan




Ipinaghila ng butler ang isang napakagwapo at sopistikadong lalaki ng upuan kaya naupo na ito sa pinakaunahang bahagi ng komedor,walang reaksyong mababakas sa muka nito habang pinagmamasdan ang ginagawa ng ilang maids na ayusin ang ilalagay sa plato nito,malinis na malinis at kahit na anong lumilipad na insekto oh maging alikabok hindi dapat hayaan ng mga tagapaglingkod na dumapo sa kanilang kamahalaan




Nilibot nito ang kabuuan sa napakalaking dining area,kapagkuwan ay seryosong sinulyapan ng malamig na tingin ang butler na nananatiling tuwid na nakatayo sa gilid ng kanyang upuan





"John,nasaan si Princess kristina?bakit wala pa sya rito? Oras na ng hapunan?"




Pino ang kilos nito ng damputin ang wine glass na hindi ordinaryo ang pagkapula,hindi naman kasi wine ang iniinom nila kundi dugo,pagdating naman sa karne ay hilaw lang ang kinakain nila.halos lahat ng empleyado sa palasyo ay puro bampira,walang ordinaryong tao dahil kung meron man matagal na nila itong pinagpiyestahan





Matunog ang pagbuntong hininga ng butler,halos mag-echo sa kabuuan ng komedor  "Pinuntahan ko po sya kanina sa kanyang silid pero hindi raw po sya nagugutom kamahalaan"




Tumayo na ang binata kaya inalis na ng mga katulong ang napkin sa hita nito at hinilang muli ng butler ang silya para makaalis ito sa pwesto,ng maglakad si kasper sa madilim at mahabang pasilyo ng palasyo ay nakasunod sakanya si john,gusto mang kwestyunin ni john kung saan pupunta ang kamahalaan ay hindi pwede.bawal kasi sakanila ang masyadong matanong at ituring na higit pa sa amo ang kamahalan,dahil kapag nahuling nakikipagkaibigan ang mga trabahador sa kanilang pinaglilingkuran lalo pa't may dugo ng kamahalan ay tiyak ang kaparusahan





Ano nga ba ang parusa sa mga taong lumalabag sa batas ng kamahalaan,sa dulo ng bayang iyon ay may abandonadong gusali na hindi nalalayo sa palasyo ang laki,muka lang itong abandonado ngunit napakarami ng bantay dito at gwardya,ang mga makasalanan at gumawa ng kalapastanganan sa ngalan ng kamahalan ay ipapasok roon.sa pinakaibaba oh tinatawag na underground ng naturang gusali ay may mga nakatirang agresibo at baliw na mga bampira,doon itinatapon ang nagkakasala at hahayaang pagpyestahan ng mga kapwa bampira na bilanggo sa lugar na iyon,sila rin ang mga baliw na bampira na dating namuhay ng normal sa bayang iyon pero dahil nagkasala sila ng malaki ay ganon nalang din ang naging epekto sakanila,nakakasira ng bait at nakakatakot kalabanin ang kamahalaan





Meron din naman silang pamilihan,yun nga lang ang mga itinitinda roon ay puro karne ng tao,dugo rin ng tao at ilang weirdong bagay gaya ng isang gamot na kapag ininom mo ay hindi ka na tatablan ng sakit ng sikat ng araw,kaya ang halos lahat ng populasyon sa komunidad na yun ay palaging bumibili ng gamot para malaya parin silang nakakalabas at nagagawa ang gusto nilang gawin sa ilalim ng tirik na araw.gusto rin naman ng mga bampira ang araw yun nga lang masakit parin talaga sa balat,ang anumang nagliliyab na apoy ay talaga namang bawal sakanila dahil tiyak magiging abo sila at tuluyan ng mabubura sa existence ng mundo,kasabay ng pagiging abo ay liliparin narin sila ng hangin sa kung saan at hindi na magkakaroon ng kakayahan para makapaghasik ng lagim





Meron din naman sa village nila ang simbahan,lahat naman ng lugar sa mundo ay may simbahan--'yon nga lang hindi diyos ang makikita mo sa loob,noong mga nakaraang taon ay may dalawang turistang amerikano na napagtripang pasukin ang village na iyon,una nilang pinasok ang simbahang iyon ngunit sa kasamaang palad,hindi na sila nakalabas pa ng buhay sa bayang iyon,walang nakapagsabi kung ano ang nangyari sa dalawang amerikano pero hindi naglaon ay mabilis din namang nabura sa isip ng mga tao ang balita,mga haka-haka na wala silang kongkretong pagbabasehan.ngunit totoo naman talaga,instant hapunan ng mga bampira ang dalawang amerikano,





Codename: Kihyomasa[Vampire Hunter]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon