15th Days Later............
Alas-Syete ng gabi ng magsimulang maglabasan ang mga mamamayan ng Europa towns sa kani-kanilang bahay upang magpunta sa field dahil sa nakatakdang oras at araw ng kanilang pagbabayad ng buwis kapalit ng panibagong pera,pagkain at alahas na ibibigay sakanila ng asosasyon.mapa-bata oh matanda ay naglalakad-hawak ang isang bag na dugo,pinaghalong tuwa at kaba ang nananaig sa damdamin ng bawat indibidwal dahil sa katotohanang ngayong gabi? May makukuha na naman silang yaman na katumbas ng kanilang kabayarang dugo
Kapansin-pansin narin ang pagdating ng tatlong karuwahe na halatang pagmamay-ari ng mayamang angkan,disenyo pa lamang ng karuwahe maging ang kabayo ay gawa sa ginto ang palamuti.sa gitnang bahagi ng karuwahe ay naroon nakasakay si Naomi,napakaganda ng ayos maging ang mga alahas nito sa katawan na gawa sa ginto,kumikinang ang dalaga at halata talagang mayaman ito,
"Miss Naomi? Mukang mas marami tayong makokolektang dugo kesa ng mga nakalipas na taon? talaga nga pong naniniwala sila sa kapangyarihan ng ating kamahalan at sa impluwensya ng asosasyon?"
Nakangising nilingon ni naomi ang personal na alalay,abala ang dalaga sa pagtitig sa kulay pula nitong cutics. "Maganda nga 'yon eh,hayaan mong maniwala ang mga uto-utong mamamayan ng maliit na bayang ito sa lahat ng bagay na ibinaon ko sa mga walang laman nilang utak,tutal don sila magaling,kaya nga ginagamit natin ang kainosentihan at kamangmangan nila para sa kapakinabangan ng asosasyon!"
"Ngunit hindi ba kayo naaawa miss? Talagang naniniwala sila sa isang bagay na wala namang katotohanan? Parang ang nangyayari ay ginugulangan natin sil--
Hindi na natapos ng dalaga ang sasabihin nito dahil tinaliman sya ni naomi ng tingin,ang mga mata'y nanlilisik na para bang papatay,ang maamong mukha ay unti-unting nawawala "At kaylan ka pa naging concern sa mga taong 'yan Fellin ha? Sabihin mo nga sakin? Kaylan pa? Kung naaawa ka wala akong pakialam! Ang mahalaga lang naman dito ay ang benepisyong makukuha ng asosasyon sa mga walang alam na mamamayan sa Europa.ang dugo lang nila ang mahalaga fellin,naiintindihan mo ba? Ayaw ko nang makakarinig ng simpatya mula sayo maliwanag?!"
"Miss Naomi--
"NAIINTINDIHAN MO BA?!" Galit na pagsigaw ni naomi dahilan para mapabalikwas sa gulat ang mga bodyguards nya pati na ang mga nagpapatakbo sa karuwahe sa unahan at hulihang bahagi ng hanay.samantalang sunud-sunod namang tumango si fellin at para bang hayop na nabahag ang buntot sa tindi ng takot sa artista,nagbalik muli sa normal ang muka ni naomi at bumalik narin ang excite nito para sa makokolekta nyang dugo sa mga mamamayan ng Europa,isa talaga ito sa pinaka-gusto nyang trabaho bilang elite member--kaya nga ng iatas sakanya ang ganitong misyon ay walang pagdadalawang-isip nyang tinanggap
Makalipas lang ang ilang minuto'ng paglalakbay ay narating na nila ang bukana ng Europa towns,binilisan ng mga kawal ang pagpapatakbo upang makarating sa tamang oras,hinawi ni fellin ang mamahaling kurtina para makita ang kanilang dinaraanan,ngumiti ito saka tinignan ang artista na abala sa pagtitig sa mamahaling kwintas na binili nito nong isang araw "Miss, nakikita ko na po ang lupon ng mga mamamayan,mukha pong hinihintay na nila tayo?"
"Mukhang alam na alam na talaga nila kung anong oras at araw ako darating para maningil? Napakagaling! Kung magpapatuloy ito ay magiging mas makapangyarihan ang asosasyon at wala ng kahit na sino ang makakapigil sa paglakas natin!"
***********************
"Pssst bata!"
"Sino 'yan?"
"Pssstt! Dito,nandito ako!" Lumingon ang isang bata sa pinagmumulan ng sitsit sa mapunong bahagi ng lugar kung saan nagtipun-tipon ang mga mamamayan para antayin si naomi anderson,nakita nito si kanna na nakangiti at sumesenyas sakanyang lumapit sya na agad sinunod ng bata,nagbigay ng isang pirasong papel si kanna sa bata saka bumulong
BINABASA MO ANG
Codename: Kihyomasa[Vampire Hunter]
VampireAfter the tragic escape from his parent's gruesome death,San hides from the forest far away from the city and trained himself to become the strongest and bravest vampire assassin to seek revenge from his parent's death. However to San--things turned...
![Codename: Kihyomasa[Vampire Hunter]](https://img.wattpad.com/cover/239301378-64-k422307.jpg)