Sa daan pa lang ay natanaw na ng tatlo ang barko sa pampang,muka naman itong maayos kaya mas binilisan nila ang pagpapatakbo sa kabayo para marating na agad ang barko,
"SHINZO!" Sigaw ni yahiko,kinalampag nito ang haligi ng barko,noon din ay lumabas ang walang pang-itaas na si shinzo,tanging boxer shorts lang ang suot at may kagat pang tinapay sa bibig,sukat noon ay natakpan ni yahiko ang mga mata ni kanna
"Ano ka ba? Bakit wala kang damit?" Asik ng imbentor,nangiti lang ang lalaki saka tinuro ang mga damit na nakasampay sa bawat tali ng barko
"Naglaba kasi ako ng mga damit,hindi ko naman ho alam na ngayon ang dating nyo ginoong yahiko.kamusta na po pala ang tinrabaho nyo?" Nginuso muna ni yahiko si kanna kaya hinablot nalang ni shinzo ang coat saka isinuot,iniakyat na nila ang dalawang kabayo para isama sa paglalayag.sayang naman kung iiwan nila isa pa--buhay at pawis ni kanna ang naging dahilan para makuha nila ang mga kabayong iyon,kung pupunta sila sa iba pang bansa ay kakaylanganin nila ng transportasyon.hindi biro ang presyo ng isang kabayo kung bibilhin kaya swertihan nalang na nakakuha sila sa pinuntahang bar,dahil sa wais na si kihyomasa at lakas ni kanna
"Ayon,naging maayos naman.tapos na kami sa bansang 'to kaya imaniobra mo na ang barko sa susunod nating destinasyon,sa macau!"
"Eh kamusta na po pala sila ginoong kihyomasa at binibining kanna? Saka hindi ko pa talaga alam kung anong dahilan at tinatrabaho nyo sa pagpunta sa iba't-ibang bansa para maglakbay?"
Sandaling sumulyap ang imbentor sa binatang hunter na naupo sa silya,kumuha ng yosi saka tinanaw muli ang karagatan "Malaki ang problema ng isang 'yan,kung si kanna ay ayos naman!"
"Ano ho bang problema ni ginoong kihyomasa?"
Tatawa-tawa si yahiko ng muling sulyapan ang lalaki,gustong mang-asar sa paligid "Paano yung kasintahan nyan lalayo na--tungkol naman sa layunin namin kung bakit kami naglalakbay,ikaw ang tagamaneho ng barko kaya may karapatan ka namang malaman,pangit naman kung maneho ka ng maneho at sama ng sama samin kung wala kang ideya.pumapatay kami ng mga peste shinzo!"
"Peste?" Anito,ang buong tinapay ay sinubo "Anong klaseng peste at kaylangan nyo pang pag-aksayahan ng oras,pagod,atensyon at pera?"
Tinap lang ng imbentor ang shinzo sa balikat nito "Ang mga pesteng 'yon ay salot shinzo,kaylangan ng buong mundo ang mga gaya namin para mapuksa sila,hindi sila basta-bastang peste eh,masyado silang perwisyo sa mundo,kapag hindi sila nabigyan ng sapat na atensyon ay baka marami silang mapatay na inosente!"
Ng mawala si yahiko ay takang-taka naman ang taga-maneho ng barko,hindi sya dinidiretsa ng mga nakakausap nya tungkol sa tunay na layunin nila,pero sa isang banda ay ayaw lang naman ng tatlo na malaman ni shinzo ang tunay nilang hangarin at adbokasiya,dahil kung mas may alam ka? Mas mapapalapit ka lang sa kapahamakan,kaya naman mabuting hindi na nila ipaalam sa shinzo ang trabaho nila.nilapitan nya nalang si kihyomasa na nagre-relax sa deck
"Gusto nyo ba ng kahit na ano ginoo?" Ibinuga muna nito ang usok sa ibang direksyon bago sulyapan ang drayber ng barko
"Wala naman,kamusta ang ilang araw mong mag-isa dito? Wala bang umatake sayo?may nawala ba dito?"
"Wala naman ginoong kihyomasa,sinabi sakin ng batang amo na malungkot ka raw dahil lalayo na ang kasintahan mo? Ikinalulungkot ko ho,ako rin ay iniwan ang asawa ko at anak sa hokkaido para sumama sainyo sa paglalakbay pero ayos lang naman yun sakanila,trabaho ko naman atsaka nasiguro kong ligtas sila bago ako umalis"

BINABASA MO ANG
Codename: Kihyomasa[Vampire Hunter]
VampirosAfter the tragic escape from his parent's gruesome death,San hides from the forest far away from the city and trained himself to become the strongest and bravest vampire assassin to seek revenge from his parent's death. However to San--things turned...