Maga-alas dose na ng hatinggabi ng makabalik si kihyomasa sa tahanan ni tandang kosuke,simula ng huling pangyayari na nagsalubong sila ng landas ng isang intsik at bigyan sya ng isang mahalagang sandata ay hindi muna nagpahinga ang binata,gaya ng ipinangako nya kay tanda ay nanghuli pa sya ng baboy ramo
-FLASHBACK-
Dumiretso sya sa isang parte ng kagubatan na sa pagkakaalam nya ay may mga ligaw na baboy ramong pagala-gala lalo na sa pinakapusod kung saan may maliit na ilog.nagtago si kihyomasa sa matataas na damo at nagsimulang maglikot ang lente ng mga mata sa paligid,habang nagmamatyag ay inilabas na nya ang revolver saka kinalabit ang hammer nito,
Mabilis nyang pinaling ang ulo sa tumpok ng damo kung saan gumagalaw-galaw iyon,walang hangin sa mga oras na ito kaya alam na nyang yun na ang target nyang hayop,napangisi sya ng lumabas nga ang itim na baboy,gaya ng inaasahan.nakakatakot ang pagmumuka nito at nanlilisik ang dilaw na mata
Tumayo sya sa pwesto saka itinutok ang baril sa baboy ramo,ng magtama pa lang ang tingin nila ay napabalikwas si kihyomasa,nagsimula na syang magligalig,napasandal sya sa puno at doon hinubad ang mahabang coat,napatingala ang binata habang nakapikit dahil sa hindi malamang nangyayari,parang may kung ano sa kaloob-looban nyang gustong kumawala,kung ang sikreto nya ang lalabas hindi pupwede iyon---hindi maaaring mag-anyo syang ganon sa ngayon
Napatingin sya sa baboy ramo na ngayon ay nakatitig parin sakanya,bigla syang nakaramdam na parang gusto na nyang sunggaban ngayon din ang hayop at pagpiyestahan ngayon mismo.kumukulo ang dugo ni kihyomasa at nangangati ang balat nya,pakiramdam nya ay nagmamanas ang katawan nya at para syang sasabog sa sobrang init ng katawan.inumpog-umpog nya ang ulo sa puno,umaasang mapapalis nya ang kakaibang pakiramdam dahil alam nyang kapag nagpatuloy iyon ay mawawalan sya ng kontrol sa sariling katawan at baka maging agresibo sya,higit pa roon ay baka makagawa sya ng karumal-dumal na bagay habang wala sya sa sariling wisyo
Hanggang sa mga sumunod na oras ay puro daing ng isang kinakatay na baboy ramo ang maririnig sa pusod ng gubat----at tunog mismo ng isang nagagalit na mabangis na hayop
***********
Ibinaba ni kihyomasa ang bitbit na hayop sa sahig saka napaluhod,hapung-hapo ang binata ng dahil sa pakikipagbuno sa mabangis na baboy ramo,isa pa'y may maliit syang sugat sa bandang sikmura gawa ng hinuli nya.ni hindi na nya nakuhang katukin ang pintuan dahil wala na syang lakas,alam nyang hinihintay na sya ni tanda kaya nagmadali na syang makauwi para rito,natawa pa si kihyomasa sa sarili, Ha! Swerte ang matandang 'yon dahil handa nitong ibuwis ang buhay mabigyan lang sya ng karneng gustung-gusto nya.dapat magpasalamat ito at gamutin sya,
Bago mawalan ng malay ang binata ay nakarinig sya ng mga nagpapanic na boses ng alam nyang kay tandang kosuke at ng isang babae................babae?
*****************
Nagising si kihyomasa na muka ni kanna ang unang nasilayan ng mga mata nya,sobrang lapit ng muka nito sakanya at ang mahaba nitong buhok ay nasa magkabilang panig ng muka ng binata,sa sobrang pagkabigla ng binata ay napaangat sya sa hinihigaan ngunit nagkaumpugan pa sila ng noo,ang tigas ng bungo ng babae,lalo yata syang nahilo?
Sapo ang noo ay nakangiti parin syang tinabihan ni kanna "Magandang umaga ginoo?"
Parang isang sakit si kanna dahil ilag na lumayo si kihyomasa sakanya,nakangiwi pa ang binata habang sapo ang sikmurang may benda at mga dahon na mukang si tanda ang naglagay,kumikirot parin ang sugat nya gawa ng baboy ramo pero hindi katulad kagabi--medyo hindi na masakit iyon
![](https://img.wattpad.com/cover/239301378-288-k422307.jpg)
BINABASA MO ANG
Codename: Kihyomasa[Vampire Hunter]
VampiroAfter the tragic escape from his parent's gruesome death,San hides from the forest far away from the city and trained himself to become the strongest and bravest vampire assassin to seek revenge from his parent's death. However to San--things turned...