Chapter#33

5 1 0
                                    

Masamang-masama ang loob ni yahiko ng dahil sa nangyari,ngayon pa lamang ay gusto nyang patayin mismo ang bampira ngunit hinayaan na nya ang lahat kay kanna.umiiyak parin kasi ito at sobra ang pag-aalala para kay kihyomasa,kaawa-awa ang sinapit ng peste dahil hindi talaga ito binuhay ng dalaga,kumbaga pinahirapan muna bago pinatay



"Nasaan na si master? Yahiko hanapin natin sya,kaylangan nating bumaba dito sa bangin para makita natin sya"



"Wag kang mag-alala? Hahanapin natin sya,ramdam kong buhay pa si kihyo kaya makikita natin sya!"



Nahirapan man ay nakababa sila sa bangin dahil sa pagdadahan-dahan dahil masyadong madulas at matarik.matapos ay itinali nila at itinabi ang dalawang kabayo sa puno at tagong lugar upang 'di nakawin ng kung sino,ng makababa sa bangin ay pulos bukirin ang kanilang nabungaran,may mga bahay pero magkakalayu-layo ang agwat.alam nilang parte parin ito ng Pransya ngunit hindi abot ng kabihasnan



"Saan tayo mag-uumpisa?"



Sinukat ng imbentor ang lalim ng pinaghulugan sa hunter at dagling nag-isip   "Sa pagkakaalam ko? Dito banda nahulog si kihyo,siguro'y nagkapilay 'yon oh sugat dahil nagpagulung-gulong pa sya.tsk! Dapat na natin syang makita dahil nasugatan ng bampira ang mata nya,kaylangang magamot non at baka wala nang tigil sa pagdurugo"



Habang naghahanap ay hindi maiwasan ni kanna ang hindi mapaiyak,alalang-alala sya sa binatang hunter dahil kitang-kita nya kung paano kalmutin ng bampira ang mata nito at itulak pababa,talagang ayaw nyang isiping patay na ito dahil hindi nya kaya.mahal na mahal nya ito   "Yahiko nakita mo na ba sya dyan?"



Malungkot na umiling ang imbentor,naisipan kasi nyang hiwalay sila ng pwesto para mas mapadali ang paghahanap ngunit walang kahit na anong bakas nito ang makita sa kahit saan.imposibleng makalakad agad ito dahil sa taas ng hinulugan isa pa'y may tama ito,tumingala sya sa kalangitan at mas lalong nanlumo ng makitang dumidilim na at nakikita ang buwan   "Mahihirapan tayong hanapin sya sa kahit saan,siguro'y maghanap muna tayo ng matutuluyan ngayong gabi at bukas nalang natin ipagpatuloy ang paghahanap kay kihyo,wala tayong pang-ilaw at malawak ang paligid.saka kumain narin muna tayo!"




Nilingon nya ang dalaga at ng makitang umiiyak ito ay hinaplos nya ang likuran nito  "Wag ka ng malungkot kanna? Mahahanap din natin sya at ramdam kong nasa mabuting kalagayan ngayon 'yon.malakas at matapang si kihyo isa pa'y parang pusa 'yon eh,siyam ang buhay"



Ngumiti si kanna at tumangu-tango,pursigido at lumakas ang loob ng dahil sa sinabi ni yahiko  "Tama ka,hindi ang kung ano oh sino ang papatay kay master,tara? Kausapin natin ang ilang kabahayan dito para makituloy ngayong gabi? Ramdam ko narin ang gutom"



"Tsh! Parang lagi ka namang gutom? Kaylan ka ba naman hindi nagutom aber?!"




"Haynaku! Tigilan mo ako at huwag umpisahan sa asaran ginang yahiko.gutom at nag-aalala ako kaya baka mabatukan kita?!"




"Anong sinabi mo? Ako? Ginang? Hoy kanna hindi ako babae,saka tigilan nyo nga ang kakatawag sakin ng ginang? Parehas talaga kayo ng master mo ano?mga pasaway at may sayad pa!"




Tawang-tawa si kanna sa itsura ng imbentor,paano'y mukang naaasar na ito sa kaka-ginang nila,sabagay ay kahit sinong lalaki ay maiinis kapag tinawag silang 'ginang'  "Talaga namang bagay sayo ang bansag na ginang ah? Kasi kung umasta ka parang nanay at tita eh,sinabi nga noon ni master na kung babae ka eh baka magustuhan ka nya"




"Tss! Isa pa 'yang si kihyo eh? Palagi akong pinagtitripan kahit noon pang bata kami.tatahi-tahimik pero may itinatago ring saltik sa utak!"



Codename: Kihyomasa[Vampire Hunter]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon