Chapter Sixteen

457 22 2
                                    

Join Theana Khione on her first flight. I recommend you to listen to the music above to fly with her through this chapter :)

Enjoy!

***

Pagmulat

Hindi ko alam kung kailan ba nag-umpisang makaramdam at makagalaw na ako. Malamig ang simoy ng hangin sa balat ko. Naramdaman ko ang paligid. Gabi...

Mabibigat ang talupak ng mga mata ko nang minulat ko sila. Sandali akong nakulong sa oras, at hindi inalis ang titig sa itaas. Sa itim na itim na langit. Nakakatawang isipin kahit rito, ay ito pa rin ang sumasalubong sakin. Walang ni isang bituin, walang buwan ang makulimlim na gabi na unang pumuna sa pagmulat ng mga mata ko.

My sight is blurry but that didn't prevent me from the darkness. The existing darkness. The darkness that is now, alive. It is strange to feel the lulling wind as I stare above blankly.

Sinubukan kong galawin ang mga daliri ko. Hindi ako nabigo. I felt the dust and small rocks on my palms. Matigas ang lupang hinihigaan ko at ang tanging malambot na parte ang sa uluhan ko. Binilang ko ang paghinga ko ng ilang segundo bago napagdesisyunang galawin ang ulo ko.

Yumuko ako at tinignan ang sariling katawan. I didn't see any part of my body. May humaharang at bumabalot sa buong katawan ko. Napakurap ako sa kakaibang sinag. I was covered with blinding white feathers. Para akong isang bagong silang na mahigpit na binabalot ng puting, malalambot na mga plumahe.

They are keeping me warm.

I began to feel my body inside. Napansin kong hanggang ngayon wala pa rin akong damit. Sapat na ang kalakihan nila para balutin ang buong parte ng kahubaran ko nitong mga nakaraang araw. Glinda and Khaliel couldn't do anything with this because they too, were unmoving in enveloping my body.

Nakakapanghinayang na makita sila. Tila nagkaroon ako ng bagong paghahawakan, at may napakalaking bagay rin ang nawala sakin. I lost the once Theana Khione, I aware of that. But this new one, is my brighter hope. My stronger embodiment, I would never regret this.

Tahimik kong inangat ang sarili. Inaasahan ko nang mahihirapan ako pero hindi ko sinukuan ang katawan ko. Mabigat ang dalawang bagay sa likod ko. Nararamdaman ko ang pag-iisa ng mga ito sa buto at dugo ko, sa buong pagkatao ko ay nakapaskil na ang buhay ng mga ito. Ang kulay nila ang nagsisilbing liwanag ko sa paligid.

Tagumpay na napaupo ako sa batahong parte, doon ko lamang napansin ang kakaibang daloy sa katawan ko. It's cold, flowing, powerful and alive. I can feel it everywhere inside me, intensely burning. Ito ba ang pakiramdam ng maging katulad nila?

The strands of my hair fell down on my face. Dahan-dahang hinila ko papalabas ang mga kamay sa loob ng mga pakpak. Umawang ang bibig ko. Natulala akong napatitig sa dalawang braso ko.

My skin was never been this white and silken. They were like velvety pearls in colors against the dark surrounding. Pero... hindi ito ang kulay ng balat ko. Hindi ganito kaputi at nakakalumay kung tititigan. Tama lang ang kulay ng balat ko bago nangyari ang pagsasalin.

Wala sa sariling nasapo ko ang mukha ko. May kakaiba rin ito. It felt taut and refining. Naaanig ko rin ang kulay ng hibla ng mga buhok ko. My hair was brownish, but it's not like this. It wasn't this brown with a flick of gold within the strands.

Napaigtad ako. I need to see myself.

Tumingin ako sa bawat gilid ko. Una kong nakita ang mukha na Khaliel. Hindi ko napigilan ang maliit na ngiti na gumuhit sakin. He's sleeping beside me. His wing was where my head was resting. Akmang aabutin ko ang mukha niya pero huminto ang kamay ko.

Intruded Trails (Van Doren Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon