Eerie
"Sigurado ka bang walang sakit ang anak ko?! Higit isang linggo na siyang ganyan!" sigaw ng ina ko
"Honey, calm down.." pagpakalma sa kanya ni dad.
"She's not like this.. my daughter wasn't like this!"
Gusto kong takpan ang tenga ko sa usapan nila. Nakakarindi. Nakakasawa na.
Nasa harapan ko ang mga magulang ko at kasalukuyang kausap ang isang doktor. They had me checked to a psychologist. Hindi ko na alam ang nangyayari sa katawan at pag-iisip ko.
I've been crying for a week now. Simula nang alisin kami roon sa loob ng gubat. Pagkarating ko sa bahay ay agad akong dinaluhan ng mga magulang ko.
It was in middle of the night when they found out that their good daughter was found on a danger-zone forest. Isang pribadong lugar ang pinasukan namin.
Nakatulog ako sa sobrang iyak. Kinaumagahan ay ginising ako ng matinding sakit sa dibdib ko, nag-umpisa akong umiyak para maalis iyon. If I don't cry, the pain won't go away on my chest. I can't control it.
Parang may isang bagay na gumawa sakin nito. Ito ba ang dulot ng liwanag na galing noon sa hawak ni Zaki? This is too much. I can't take this.
Nababaliw na ako sa kaiisip kung saan nagmula ang kirot sa dibdib ko. Everyday I wake up, I open my eyes and the first thing I would feel was this pain. Mahigit isang linggo na bago napagdesisyon ng ina ko na ipatingin na ako.
Hindi ako makakain ng maayos at bihira ng magsalita sa kanila. I don't know what's wrong with me.
Ang tangi ko lang nararamdaman ay ang sakit, at ang nakakalito pa ay may bahagi rin sa isipan ko na hindi ko gusto mawala iyon.
Hindi ko gustong mawala ang sakit.
"Mrs. Castemont, I'm sorry but I really can't see any possible reasons. This kind of trauma and pain can only be a cause of a heartbreak, abandonment, or betrayal. Mga bagay na kayo na mismo ang nagsabing hindi pa niya nararamdaman.."
Gusto kong iuntog ang ulo ko sa matigas na pader, umaasang na baka sakali ay bumalik ako sa dati. Sa dating katinuan ko.
Hindi ko alam pero may galit na ako sa buong mundo. May umuudyok sakin na umalis, tumakbo papalayo mula rito. Papunta sa isang lugar..
I'm longing, longing for something. May bahagi ng puso at isipan ko na naghahanap, nanabik sa isang bagay na hindi ko alam kung ano.
Gusto kong magmakaawa kahit kanino na ibalik ako sa..
Napapikit ako ng mariin. Baka nga nababaliw na ako..
"Hindi.. hindi ako aalis dito nang hindi mo naaayos ang kalagayan ng anak ko! She was fine and happy, few weeks ago.." naiiyak na sambit ng ina ko.
Umalis ako sa pagkakaupo at tinungo ang bintana. Niyakap ko ang sarili ko at naramdaman naman muli ang sakit.
I clenched my chest. Why? Why are you hurting?
Lumunok ako para pigilan ang sariling umiyak.
Mugto na ang mga mata ko sa kakaiyak nitong mga nakaraang araw. Hindi ko na rin magawang maimulat ang mga ito ng maayos. Hindi pa ba natatapos?
I took pain relievers and other tablets. Pero ni isa ay walang umepekto. Walang makakaalis sa sakit. Kahit idasal ko pa na maubos na ang mga luha ko ay hindi pa rin ito maaalis.
Parang inukit na ito sa buong pagkatao ko na wala man lang akong ideya kung paano.
Anong ginawa ko para maramdaman ito?
BINABASA MO ANG
Intruded Trails (Van Doren Series #1)
FantasíaVan Doren Series #1 (Completed) Book 2 of The Last Intruder Witness the return of the last intruder, unborn Queen. Genre: Fantasy Language: Filipino and English/ Taglish