A Devisee's bond
Throne.
I admire these castles' stones from the day I first step inside it. But there's nothing more I could love every time I glance on its throne. My throne.
Marami na akong natutunan sa loob ng mga palasyong ito. Marami na ang nagmulat sakin sa kung paano maging isang pinuno at kung paano maging isang tagapagsilbi rin. Sa pagdaan ng mga araw, patuloy ang pagtuturo at pag-eensayo sakin ni Sullivan at Oya. They served as my advisors. From the day I name my kingdom Ravenhelm, they started teaching me on how to be good leader based on what they experienced and believe. Madalas ay sa pamamagitan ng mga pagsasanay. Ngunit kadalasan rin ay isinisantabi ko ang mga ito.
Masaya ako sa mga itinuturo nila sakin sa loob ng palasyo, pero sadyang may mga pagkakataon na pipiliin ko ang lumabas.
"Devisee! Devisee!"
Kumaway ako sa ilang mga diwata maagang nagsilabasan. Sa pagtawag nila ay nagsilabasan rin ang iba sa kani-kanilang mga tahanan at tinanaw ako. May ngiti sa labi silang bumaba sa kanya-kanyang mga puno at tumakbo papalapit sa kinatatayuan namin
Matamis na ngiti ang ibinigay ko sa kanilang lahat bago sinalubong ang mga batang nagpapaunahan na tumakbo.
"Rigor," tawag ko sa kanya sa isipan. "I changed my mind. Magiging abala ako para sa araw na ito. Let that stranger wait until dusk if he can then let him in."
Hindi nagtagal bago siya nakasagot. "Understood, Devisee." He affirmed.
"And if he asks for food, you may give him. If he walks away, let him." Dugtong ko pa.
"What if he tries to use his powers, Devisee?"
"Shoot him, but don't kill him yet..."
Nawala na sa isipan ko ang boses ni Rigor nang may mga yumakap na sa bewang ko. Napasinghap ako sa may kalakasan na pagtama ng mga bata sa tiyan ko. They were immediately pulled away by Indis. Relva gently pushed me aside.
Napakurap siya at bumaba ang tingin sa tiyan ko. "Devisee, sa tingin ko'y mas makabubuting hayaan mo na kami ni Indis ang maglibot para sa araw na ito. Panigurado rin na magagalit si Oya kapag nalaman niyang hindi mo siya sisiputin. Ganoon rin ang gintong ravensiel. Hindi mo siya sinabihan sa pagbabago ng iyong desisyon..."
She's actually the one who changed my decision. Ayoko lang na malaman niya na nagbago ang isip ko. She surely won't let me feed the man outside all throughout the day if she knew. And Oya, she'll be mad. But she also knew I'm learning on my own. Maiintindihan niya ito.
"Noong isang linggo pa ako huling bumaba. I want to see the whole kingdom for myself."
She bit her lip and looked back to the children who's trying to still run to me, kahit ang kanilang mga magulang. Pinigilan lang sila ni Indis at ng mga kawal na nakabantay samin. Bumalik ang tingin niya sakin. Sumilay ang pag-aalala sa kanyang mga mata.
"Lumalaki na ang tiyan niyo, Devisee. Mabilas na itong masangga kapag magpapatuloy kayo sa paglapit sa mga bata..." Mahina niyang paliwanag.
"Kahit pa naman noon ay walang nangyayari sakin sa tuwing maglilibot ako. I've walked upon every street on the kingdom and I am unharmed. The people won't hurt me. Anong kaibahan nito sa ngayon, Relva?"
Sinubukan kong umalis sa harapan niya pero hinarang niya lang muli ang sarili niya sa pagtapak ko.
"Hindi ka nila sasaktan, Devisee. Mahal na mahal ka nila... ngunit hindi nakakabuti para sa bata kung hahayaan mong masangga ito ng mga anak ng mga diwata. Lalo pa't lumalaki na ito, at hindi madaling suwayin ang mga bata rito..." Pagpursigi niya.
BINABASA MO ANG
Intruded Trails (Van Doren Series #1)
FantasyVan Doren Series #1 (Completed) Book 2 of The Last Intruder Witness the return of the last intruder, unborn Queen. Genre: Fantasy Language: Filipino and English/ Taglish