Possible
Wala nang mas nahihibang pa kesa sa tatlong tao na naririto.
Nakaupo at nakatulala lang ako sa kanilang tatlo habang nakapalibot sa isang mesang pinagitna nila kanina. Epione started muttering words while browsing the pages that she ripped.
Ang mga punit na mga pahina na iba't ibang librong kinunan niya kanina ay nakalatad na ngayon lahat sa lamesa. Parang may binubuo siya roon dahil kanina niya pa iyon pinagsalin-salin.
You're the brightest one
Hindi maalis sa isipan ko ang sinabi niya. Sigurado akong hindi posible iyon, pero sa mga nakita ko.. sa gintong pakpak ng akala ko ay isang normal na doktor lang. Sa puting pakpak ni Zaki na kababata ko..
Hinilot ko ang sintido ko. And that light that came from Epione's palm.
"Hindi pa ba tapos, Epione?" tanong ni Glinda sa ikasampung pagkakataon.
Epione groaned. "Ano? Tingin mo ganun nalang kabilis pagtagpuin ang mga alaala? Chill, Glinda. Isang taon pa lang siyang nawawala roon."
"Matagal na ang isang taon. Paano kung may pinakasal na iba na pala si Lavislous sa tagapagmana?" sagot naman nito.
"Oh, Glinda. This might be your brother's doing. I think he blessed the child." usal ni Epione habang patuloy sa pagsalin ng mga papel.
May mga nakaukit at nakasulat roon na hindi ko maintindihan. Mukhang sinulat at ginuhit iyon roon. Mga simbolo at larawang ngayon ko lang nakita.
Kumunot ang noo ni Glinda sa kanya. "Isang prinsesa pa lang ang nabasbasan niya. May dalawa pa siyang natitira.." bulong nito sa sarili. Tumango naman si Epione.
Bumuga ako ng hininga sa mga pinagsasabi nila. Tumayo ako at naglakad patungo sa pintuan.
Napatayo naman si Zaki sa upuang kaharap ng sakin. "Where are you going?"
Naanig ko ang pagtigil si Epione at Glinda.
"Uuwi na ako. I just want to forget all of this."
Mabilis humangin sa likuran ko. I almost stumbled if I hadn't hold on the nearest table. Nasa harapan ko na ngayon si Glinda.
Tinaasan niya ako ng kilay bago tinupi ang dalawang braso. Hinarang niya ako.
"Wala ka ng uuwian. Kung hindi ka nag-iisip, hindi ka na para sa mundong ito." Sambit niya.
Hindi ko siya pinansin at akmang lalampasan siya nang bumuka sa harapan ko ang pakpak niya. Napamura ako sa gulat at napaurong.
"Ano ba?! Wala na akong pakialam pa sa mga pinagsasabi niyo o ang nagyari sakin. Kung ano man ang.. ang balak niyo sakin, kalimutan niyo nalang. Aalis na ako."
I stepped again when her wings blocked the door. Pinukulan ko siya ng masamang tingin. "Let me out."
"Hindi pwede, Theana Khione. Isipan mo ang mga nawawalang memorya mo. Hindi mo gusto malaman ang dahilan sa likod ng sakit na nararamdaman mo?" seryosong tanong niya.
Tinitigan ko siya. "The pain is bearable. Kaya kong dalhin ito.." Umiwas ako ng tingin sa kanya. Nagdalawang isip ako sa mga salita ko.
Narinig ko ang pagtikhim sa likod namin.
"Excuse me, I'm done." Rinig kong masiglang sambit ni Epione. Napalingon kaming dalawa ni Glinda sa kanya.
Nanlaki ang mata ko nang makita ang nakalatag sa mesa.
Ang punit-punit na mga papel ay bumuo ng isang larawan. May ilang simbolo sa gilid ng mahabang larawang nakaugnay. Pamilyar ang bagay na ito sakin.
BINABASA MO ANG
Intruded Trails (Van Doren Series #1)
FantasíaVan Doren Series #1 (Completed) Book 2 of The Last Intruder Witness the return of the last intruder, unborn Queen. Genre: Fantasy Language: Filipino and English/ Taglish