Music for this chapter on the multimedia above.
Enjoy!
***
Darkness has come
Malakas na pagbasag ng salamin ang naramdaman ko sa likuran ko. Halos wala na akong may malanghap na hininga sa pagyakap sa sarili at sa tiyan. Nablangko na ang isipan ko sa sakit. I don’t want to lose him… I don’t want to lose my child...
‘Ayoko. Hindi ako makakapayag. Hindi nangyayari ito sakin ngayon. Walang nangyayari… Walang masamang nangyayari sa kanya. Hindi ako makakapayag!’
Paulit-ulit ang mga salitang ito na pilit kong idinidikta sa sarili. Naliligo na ako sa sarili kong mga dugo ngunit wala na akong pakialam. Ang gusto ko lang ay ang sanggol. I want him to stop hurting himself. Ang mga kataga ng hari ay mga lason na paunti-unti na kaming pinapatay. H-He must have felt this and this made him reckless, ruining himself. Wala nang kumikilala sa kanya bilang anak…
Napalakas pa ang hagulgol ko at sinubukan ang marahang paghimas ng mga kamay ko sa kanya. Napasigaw lang ako nang mas dumoble pa ang sakit na ginagawa nito. I felt something cracked on my back as if it was forced to break. Pumiga ang puso ko at nagimbal sa mga nangyayari sa kanya. Hindi ko na… Hindi ko na maigalaw ang mga pakpak ko.
‘Patawad… Patawarin mo ako. I promise to love you. I promise to love you from this day and the rest of my days. Hawawakan kita sa bawat minuto ng pagkakatulog mo riyan. Hindi ko alam ang gagawin kapag mawala ka pa sakin. Please… please, my child. Your mother’s here for you. We won’t leave each other behind. Kakantahan kita… kakantahan kita ng himig na una kong kinanta sayo. I will love you with all my heart…’
“S-Stay with me… Stay with me…” We’ve come this far, my little one. You can’t leave me now. I will d-die, too. Ako ang mauuna. Ako muna ang mamamatay sa ating dalawa.
“D-Devisee! Hindi… H-Hindi! Anong ginawa mo sa kanya?! Isa kang halimaw! W-Wala kang puso… Hindi kayo marunong maglaro ng p-patas! L-Lumayo ka sa Devisee!” narinig ko ang mga sigaw ni Indis sa malayo.
May sumakop sa buong katawan ko paangat mula sa malamig na sahig. The arms felt familiar but I’ve lost every strength I have to the searing pain. Nanlalabo na ang mga mata ko at gusto ko nang ipikit ang mga ito. May mga nabasag pa sa paligid at sunod-sunod pang malalakas na kalabog. Before I could at least force my eyes to open, my body was being pushed and I felt the floor again.
Umikot ang kakaramput na mga bagay na maanig ko nang may mahinang tumulak sa katawan ko sa isang tabi. Kadiliman ang pumulupot sa paningin ko pero alam kong nakamulat pa akong ng bahagya. Hindi pa ako nawawalan ng malay… at hindi nagmumula sa anino ang kadilimang ito.
“W-Walang ginawa ang Devisee kung hindi ang maging mabuti para sa lahat! Papunta na rito ngayon ang mga dadakip sayo… Nagmamakaawa ako, huwag mo na siyang. D-Devisee? Patawad… Hindi kita dapat hinayang umalis sa k-kwarto… Devisee, g-gumising ka…”
Nadurog pa ang puso ko nang marinig ang iyak ni Indis. Hindi ko magawang gumalaw man lang sa sahig. Nag-uumapaw pa rin ang sakit na gugustuhin ko na lamang na pumikit ng tuluyan. Kahit sa mukha… sa mukha ko ay nararamdaman ko na rin dugong nag-iisa na sa basang pisngi ko at mga luha.
“Huwag mo siyang hawakan… P-Parang-awa mo na! Huwag…”
“Nikholaus, don’t touch her.” Isang hindi pamilyar na boses ng babae ang siynag nakapagpaginaw sa paligid.
A warm pair of arms scoop me, lifting me up again. Nawala ang ginaw, at ang tangi ko lang maramdaman ay ang malakas na tibok ng puso niya. May malamig na palad ang pumatong sa mga palad kong nakayakap sa tiyan ko. His warm breaths are on my forehead and his embrace on me firmed roughly.
BINABASA MO ANG
Intruded Trails (Van Doren Series #1)
FantasyVan Doren Series #1 (Completed) Book 2 of The Last Intruder Witness the return of the last intruder, unborn Queen. Genre: Fantasy Language: Filipino and English/ Taglish