Chapter Eight

458 26 1
                                    

Alas

Nakaramdam ako ng kaba sa pinagsasabi nila. Dumagdag pa itong mapaglarong ngisi ni Glinda sa mukha.

"Who the fuck is Khaliel?" mahinang asik ko sa kanya.

She gripped my arm and glanced above. Tinulak niya ako papasok sa ilalim ng puno. Lumabas ang pakpak niya sa likuran.

Si Epione at Zaki ang lumapit din sakin. Lahat sila ay pinalibutan ako habang may inaabangan sa taas.

Naguguluhang napatingin ako dun pero wala na akong may naaanig dahil sa mga nakatabon na dahon at sanga ng puno. Tanging mga lilang linya sa langit ang nakikita na parang nagmarkang kidlat.

"Who is Khaliel?!" Mahinang tanong ko ulit sa kanila.

Epione laughed beside me and leaned on the tree. Nagsilabasan ang pakpak ng mga tatlo habang nakatalikod saming dalawa at nakatuon lang ang tingin sa itaas.

Tinupi niya ang braso niya. "Khaliel. Kai's brother. Ang may tansong mga pakpak sa itaas ngayon. He wants you, sis." Ngumisi siya na parang may inaabangang gusto niyang makita.

"W-What?"

"You'll see." Bumaling siya sa harapan.

Napatingin rin ako roon at naanig ang tatlong mahinang naglakad papalabas sa puno. Nanatili pa rin silang malapit samin at pinapalibutan ako. Tumingin si Zaki sa itaas.

"They are coming." sambit niya.

Napako ako sa kinatatayuan ko nang may dalawang lilang liwanag ang bumaba mula sa itaas. Nagsihawian ang mga dahon ng mga puno sa dalawang pares ng mga pakpak na mahinang pumapaibaba.

Nagsitayuan ang mga balahibo ko nang biglang mabilis silang nalaglag sa lupa. Gumawa ng malakas na tunog sa pagitan ng hangin at lupa ang kanilang pagtama.

Napahawak ako sa puno sa likod ko. Wala akong may naaanig na mukha sa mga roon, tanging nagliliyab na lilang ilaw lang sa lupa at dalawang tansong mga pakpak ang nasa harapan ngayon namin.

"Lumakas nga sila.." saad ni Tita Fatima at bahagyang napaurong dahil sa pagkalabog ng dalawa sa lupa.

Humigpit ang hawak ko sa harang sa mukha ko. Umabante ang isa sa kanila. Ang may kalakihan mula sa isa at matayog ang mga nakabukas na pakpak.

Napaurong ako nang may lumabas na dalawang mata roon sa umabante. Unti-unti ang bumuo ang pigura ng isang lalaki mula sa lilang ikaw. May nagliliyab sa kanyang mga mata. Parang may mga dyamanteng nakakulong roon.

I stepped forward to see it clearly.

Paunti-unting nawawala ang ilaw na tila pumapaloob iyon sa katawan ng lalaki.

"Hey, snap out of it."

Hinila ako ni Epione pabalik sa tabi niya nang akmang maglalakad ako papalapit.

Mariin niyang hinawakan ang braso ko at diretsang tinitigan ako sa mga mata.

"Stop staring at him. May kapangyarihan siyang manlinlang gamit ng kanyang mga mata." usal niya.

Inayos niya muli ang bahagyang nalalaglag na tabon ko sa mukha. Tanging mga mata ko nalang ang nakalabas. Kahit ang buhok ko ay tinupon at pinulupot niya rin papasok sa mahabang tela.

May bahagyang pangamba na sa kanyang mata na mariin akong tinititigan.

"You're not one of us yet. You can be under his dominion." seryosong sambit niya.

Nanlamig ako.

Akmang sisilipin ko ulit ang lalaki nang hawakan niya ang baba ko paharap balik sa kanya.

Intruded Trails (Van Doren Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon