Life
"Zakira.."
Ngumiti si Zaki ang inabot ang dalawang kamay ko. Hindi niya pinansin ang tawag ni Glinda.
Nalilito akong tumingin sa kanya. "Take care of my wings, Thea. I'm giving them up."
Umawang ang bibig ko. Maliban sa naguguluhan at nagdududa ako sa mga nagyayari, nanghihinayang rin ako sa alok niya.
Naalala ko ang mga pakpak niya kanina. Napakaputi. Wala na akong may nakikitang kulay na puti na mas mapino pa kay sa sa kulay ng mga pakpak niya.
"Zaki, I think we should wait for you mother. Huwag ka munang padalos-dalos. A-Alam mo naman kung anong klaseng mga pakpak ang nasa sayo." usal ni Epione.
"Tama si Epione. Hindi pwedeng basta-basta mo nalang isuko ang mga pakpak na nagmula mismo sa angkan ni Astraea." Pagsasang-ayon ni Glinda.
Tinitigan niya ng mariin si Zaki. "At isa pa, hindi mo na ito mababawi pa sa oras na ibigay mo ito. Magiging normal na tao ka nalang. Hindi ka na makakapasok sa Astraea."
Binitawan ni Zaki ang kamay ko at humarap sa kanilang dalawa. "Alam ko," Mapakla siyang ngumiti. "Kaya nga ibibigay ko nalang ang mga pakpak ko para hindi na ako makatawid pa kasi.."
Pinihit niya ang ulo niya sa ibang direksyon. "--kasi habang mayroon ako nito, patuloy akong maghahanap ng paraan para balikan siya.. Ginamit ko na ang stolen wand, sinamantala ko na ang nangyari sayo noon, Epione. I can't stop, I will continue to try and come back to him and to be with him, permanently. Nang hindi ako tinitilapon pabalik sa mundong 'to.." Humina ang boses niya.
Gumihit ang pagkagulat sa mukha ni Epione, napasinghap si Glinda at umiwas ng tingin. Hanggang ngayon ay seryoso lang ang mga mata niya.
"Bakit kasi nagmamahal kayong lahat?" Hindi makapaniwalang umiling si Glinda. Dismiyado siyang bumuntong hininga.
Nahagip ko ang pagyuko ng ulo ni Epione at sandaling pumikit. "I know that feeling, Zaki.."
Malungkot siyang ngumiti. "But I don't think you're listening. H-Hindi ka pa nagtatagal sa mundong ito, kakalabas pa lang ng mga pakpak mo.."
"Hindi pa ito kontro--"
"Hindi ko kontrolado. Alam ko." Inunahan na siya ni Zaki. Sumira ang bibig ni Epione. Humakbang si Zaki papalapit sa kanila.
"Madami akong bagay na hindi kontrolado. Kaya nga nangyari kay Theana ito, diba? I didn't control the wand. Kahit ako na ang susunod na may-ari nun. I can't control my wings until now. That's why I'm giving it up.." Natigilan siya. "At higit sa lahat, hindi ko magawang pigilan ang puso ko kahit gusto ko, kaya parang awa niyo na.. ito na ang tamang pagkakataon para tumigil ako."
Marahas na bumaling sa kanya si Glinda. Nagulat ako nang makita ang biglang pag-iba ng kulay ng mga mata niya. There were moving intense color of gold in her eyes.
Lumipad si Nyx sa harapan ko na parang pinoprotektahan ako. The phoenix squealed.
"M-Mas importante ang b-bata, Glinda. Alam mo iyon!" sigaw ni Zaki sa kanya.
Patuloy sa pagkukulay ng ginto ang mga mata ni Glinda. Nagpagitna sa kanila si Epione.
"Calm down, both of you. Bakit hindi muna natin tanungin si Theana kung anong gusto niya maging? Huwag dito sa loob ng bahay ko, please." Tumingin siya sakin.
Bumaling sa kanya si Zaki. "I'm already offering mine! Mahihirapan ka lang kung gagawin mo pa siyang iba! Ito ang pinakaligtas na paraan.."
Pumikit muli si Epione na parang nagtitimpi kay Zaki. Gumawa muli ng tunog si Nyx sa harapan ko nang mas lalong nag-alab pa ang gintong mata ni Glinda.
BINABASA MO ANG
Intruded Trails (Van Doren Series #1)
FantasyVan Doren Series #1 (Completed) Book 2 of The Last Intruder Witness the return of the last intruder, unborn Queen. Genre: Fantasy Language: Filipino and English/ Taglish