Chapter Forty-four

306 17 2
                                    

The Surrounded Sky

Isang malakas na sigaw ang gumising sa mahimbing kong tulog. Mabilis akong napaalis sa yakap ng mga pakpak at bumangon sa higaan sa pamilyar na boses ng sigaw na iyon. Nyx squealed, flapping her wings beside my bed when I ran.

Sumunod siya sa pagkalabas ko ng pintuan at pagliko sa mga pasilyo at nadatnan ko pa ang pagtatakbo ng mga kawal roon. They stilled when they saw my presence flew above them and ran even faster following me, their swords started imitating fire. Bumilis pa lalo ang paglipad ko sa mga mahahabang pasilyo.

Another scream echoed in the castle walls again. Nakilala ko ang nagmamay-ari ng boses na iyon at ganoon na rin ang una. Nawalan ng balanse ang mga pakpak ko, naramdaman ko ang paglapit ni Nyx at pag-usbong ng kumusyon sa mga kawal. It was Indis and Relva...

"Anong nangyayari?" I questioned the men below me but none of them answered.

"Anong nangyayari?!" Pag-uulit ko ng mas malakas pa at may pag-aalala na. Hindi ako natutuwa sa pagkaputol ng panaginip ko, ngunit mapapalampas ko pa iyon kaysa sa hindi nila pagsagot sakin ngayon.

"Hindi pa kami sigurado, Devisee. But, there's something happening on the walls. Hindi namin makausap sa isipan ang mga kasamahan namin roon..." Mabibigat ang paghinga sa pagsagot ng isa dahil sa takbo.

"Where is your commander? Where was Rigor? He's supposed to be in patrol tonight above the gates. Wala ba siya roon?" I demanded.

"The commander is with Lady Indis, Devisee. Hindi pa siya pumupunta para mamahala sa tore ng pader simula pa kaninang takipsilim." Sagot niya.

I want to slap my face in disappointment and disturbance. Ano ang ginawa ng dalawang iyon at hindi na nakapagsagawa ng mga tungkulin? Where the heck was Rigor in this hour? Ang buong akala ko ay siya mismo ang nagbabantay sa tore tuwing gabi?

Mas napaigtad pa ako nang marinig ko ang tunog ng mga kampana ng Ravenhelm. It only rings in three reasons. An outsider has entered, a warning to the people, or the kingdom was being attacked.

"Shit." Hindi ko napigilan ang sariling magmura.

Bumaling ako sa isa pang kawal. "Ready your men. I don't care if you're not the commander. This is an order from me. Surround every edge of the gates. Ako na ang bahalang kumausap sa Le Eruseige." Utos ko.

Agad itong yumuko at umalis sa linya at nagmadaling tumakbo. Le Eruseige. The name I gave to Le Erusauvian savages when they entered the gates.

Hindi ko sila pinapasok hanggang sa hindi sila isa-isang napapatawad ng mga naninirahan rito. I waited weeks to let all of them in and so as the people. The savages surprisingly did respect this decision from the once Vastramere people whom they used to abuse and passed through the gates accordingly. Hindi pwedeng ako lang ang may desisyong papasukin sila rito. Kailangan makita sila ng lahat para magbigay rin ng hatol.

They've been staying in the mountains occupied by Ravenhelm since then. Isa sa mga hindi nila naranasan. Ang pumunta sa matataas na mga lugar na tila nasa kamay mo na ang mga langit. That's why I gave them the peaks there to start and grow the way of life they have chosen.

Pero mukhang magagambala iyon pansamantala.

"R-Relva! Relva! D-Devisee... Si Relva, Devisee!"

Napatigil ang paghinga ko sa naghihingalong boses ni Indis. "Indis?" I called her out.

Tumapak ang mga paa ko sa sahig. Hinanap ko siya sa malawak na bulwagan sa kung saan kami dinala ng sigaw nila. The knights behind me scattered on every corner of the hall for them.

Intruded Trails (Van Doren Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon